Chapter 45

1.1K 29 4
                                    

Maui's Pov

Patanghali na ng makarating kami sa resort agad kami nag check in at pumunta ng mga kwarto namin isa isang kwarto na katapat namin ni James ay magkasama sina Julia at Samantha sa gilid naman ng kwarto namin ay sina Cj at Mark at kami naman ni James ang magkasama sa kwarto.

Pagpasok sa kwarto ay agad naming inayos ang sarili namin nagpalit kami ng mas kompartableng damit at lumabas naman. Sakto namang nasa labas na sila Mark at Cj naglalaro at nag iingay nanaman silang dalawa.

"Wala pa sila Sam?" Tanong ni James at tumabi kay Cj na tinignan lang siya. Naupo naman ako hindi nagsalita wala ako sa mood makipag usap sakanila.

"Hanapan bako ng panget?" Curious na tanong ni Cj ng kinailing ni Mark. "Tsaka may nakikita kaba wala naman ah." Inis na sabi ni Cj.

"Sungit mo naman meron kaba?" Tawang tanong sakaniya ni James at nag-apir sila ni Mark.

"Oo bakit pake mo." Sigaw sakaniya ni Cj.

Napatingin naman ako sa pintuan nila Julia inip na inip na kasi ako gusto ko na siyang makita, Gusto ko nadin siyang masolo.

"Ano nanaman ba iniisip mo dude, wala ka nanaman sa mood." Sita sakin ni James ng makitang tahimik lang ako. "Vacation to ayusin mo naman mukha mo." Sita niya ulit sakin.

"Wala ako sa mood." Sabi at hindi na ulit sila pinansin.

Natigil sila sa pagkukulitan ng bumukas ang pintuan nila Julia saktong si Julia ang lumabas don nakasuot ito ng white dress napatitig lang ako sakaniya. Bakit ang ganda niya? Kahit anong isuot niya ang ganda ganda niya.

Saktong nagtama ang mata namin kaya ngumiti ako nginitian din niya ako ng palihim at iniwas na ang tingin niya.

"Tagal talaga kumilos." Inis na sabi ni Cj. "Tara na kain na tayo gutom nako."

Nagdesisyon naman agad kaming pumunta na ng resto at kumain dahil hindi pa kami nagtatanghalian. Kumain lang kami sa Mcdo ng breakfast. Nauunang naglalakad sila Julia kami naman ay nakasunod lang sakanila.

Pagdating sa resto ay agad akong tumabi kay Julia hindi naman siguro yun nahalata ni James pero ang sama ng tingin sakin nila Samantha na para bang gusto akong batukan dahil padalos dalos ako. Nagkibit balikat lang ako at nag order na ng food.

Busy sila sa pag-uusap at mukhang nalilibang si James kaya hinawakan ko ang kamay ni Julia hindi naman makikita dahil parehas nasa baba ng table ang kamay namin. Nakita ko ang pagngiti ni Julia pero hindi siya nakatingin sakin kila James siya nakatingin para hindi kami halata. Wala din naman akong pake kung mahalata kami.

"Ay shit yung kutsara nalaglag." Dinig kung sabi ni Cj at kinuha ang kutsara sa ilalim ng mesa napansin yon ni Julia kaya tatanggalin niya sana ang kamay naming magkahawak pero mas hinigpitan ko yon. "Bwiset ang lalandi." Natatawang sabi ni Cj at nilagay ang kutsara sa table nanghingi siya ng bagong kutsara.

"Sinong malandi?" Curious na tanong ni James sakaniya.

"Yung langgam ang lalandi sarap tirisin." Mukha namang di nagets ni James kaya napailing nalang siya. Nakurot ako ni Julia dahil don pero ngumiti lang ako.

"Cj samahan mo nga ako mag-cr." Napatingin ako kay James ng tumayo ito kahit naman labag sa loob ay sumunod nalang si Cj. Nagkatinginan kaming lahat pag alis nilang dalawa.

"Paano gagawin natin?" Tanong agad ni Mark at inasikaso ang mga pagkain na kararating lang. Hindi nagsalita si Samantha dahil mukhang iniisip din niya.

MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon