Julia's Pov
Parang mababaliw na si John ng marining niya ang tunog ng pulis. Dinig na dinig namin na pinapalibutan na kami, wala kaming ibang daanan kundi ang main door lang which is ang nasa harapan namin.
Hinila ako ni John kasama ang maleta ko pataas. Hindi ako nagpumiglas o ano dahil pakiramdam ko safe nako at wala nakong dapat ikabahala pa. Huminto kami sa mahabang table na nasa taas, binitawan niya ko at may kinuha siya sa likod niya.
Gun
Nanalaki ang mata ko ng makita ko yon. Bago pa man ako makapagsalita ay inunahan na niya ko. Balisang balisa si John at hindi na niya alam ang gagawin. Inaasahan kong itututok niya sakin ang baril at ipuputok pero hindi niya ginawa.
Nakarinig kami ng ingay mula sa labas, may isang pulis ang nag salita gamit ang microphone.
"John, sumuko kana! Napapalibutan na namin ang bahay mo!" Doon bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pagbukas ng pinto sa baba at pag alala kay John. Makukulong siya!
"John." Tawag ko sakaniya at hinawakan siya sa braso pero tinabig niya.
"Just go Julia!" Sigaw niya sakin kanina niya pako pinapaalis at pinapalabas pero parang naka glue ang mga paa ko dahil hindi ko maigalaw.
Isa lang ang ayokong mangyare, ang mapahamak siya.
"Julia ano ba! Napakatigas ng ulo mo!" Sigaw ni John samin, dinig namin ang ingay sa baba at alam kong maya maya lang ay mag aakyat ng pulis dito.
"John, mapapahamak ka." Iling na sabi ko at lumalapit sakaniya pero tinutulak niya ko palayo.
"Doon din ang bagsak ko Julia dahil sa kagaguhan ko." Parang dinurog ang puso ko ng makita siyang umiiyak. "I'm sorry Julia mahal lang talaga kita kaya ko nagawa to." Iling iling na sabi niya at napaupo na sa sahig. Hinawakan ko ang mga kamay niya para sabihing hindi ako galit sa ginawa niya.
This is my fault, kung sana una palang hindi ko na pinaramdam sakaniya ang pagmamahal na wala namang katitihanan hindi siya magkakaganito. Ilang araw ako dito pero kahit kelan hindi niya ko pinagbuhatan ng kamay kahit napakatigas ng ulo ko hindi niya ko sinaktan o ng mga kasama niya gusto niya lang talaga ko makasama.
"Please Julia umalis kana, susuko nako sa mga pulis." Sabi niya at pinunasan ang luha niya. Napatayo kaming dalawa ng marinig ang ingay mula sa hagdan nandito na sila. "Julia go!" Sigaw ni John at tinutulak ako pero hindi ko siya sinunod.
Hindi ko siya hahayaang mapahamak sa kasalanang ako naman ang nagsimula, kahit hanggang dito manlang maparamdam ko kay John na may kakampi siya.
"Hindi ko hahayaang makulong ka!" Sigaw ko sakaniya, saktong pagakyat ng mga pulis ang pagkuha ko sa braso niya at pinalupot sa leeg ko. Hindi ko na alam ang ginagawa ko ang gusto ko lang matulungan siyang makatakas. Baliw na baliw pero naging parte si John ng buhay ko at ayokong mapahamak siya.
"Wag kayo magpapaputok!" Sigaw ko sa mga pulis at napatigil sila. "Babarilin niya ko wag kayo magpapaputok!"
"Julia what the fuck are you doing?" Garalgal na tanong ni John, humigpit ang hawak niya sa baril niya at ramdam kung umiiyak nadin siya kagaya ko.
"Gusto kitang makatakas ayokong mapahamak ka." Umiiyak na sabi ko. Naging maingat ang mga pulis na nakapalibot samin. "Please tumakas kana, wag mong sayangin ang ginawa ko." Pagkokonsesniya ko sakaniya. Huminga siya ng malalim at tumingin sa mga pulis, nakatutok padin ang baril nila kay John at maingat na naglalakad palayo ng magsimulang maglakad si John pababa.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)
FanfictionFuckboy always a fuckboy charot.