Hiii guys sorry ngayon lang nakapag-update, huhu sobrang busy kasi. Salamat sa mga hanggang ngayon naghihintay padin ng update lab kayo ng bangtan hahaha!!
Comment gusto magpade dicate para sa next chapppp
Jame's Pov
Nandito kaming lahat sa resort ni Cj, kagaya ng napag-usapan namin nung nakaraang linggo na dito kami mag vavacation kahit mga 2 or 3 weeks lang.
Tsaka ito yung pangako namin sa isa't isa 3 years ago.
Nung maayos pa lahat lahat.
Kasama ni Julia si Monica na halatang ilag padin sila ng girlfriend ko sa isa't isa. Kasama din ni Monica si Kuya Mat pero hindi kasama si John dahil may aasikasuhin daw sa Company nila at baka sumunod nalang daw siya.
Kasama naman namin si Mark kaso hindi kasama si Mia dahil umuwi ito ng Korea dahil may sakit ang Lola nito. Kaya bali si Maui,ako,Samantha,Julia,Monica,Mat,Cj at Mark ang magkakasama.
Ganun padin ang pwesto namin kagaya ng dati ako ang nagdidrive at katabi ko si Samantha sa front seat. Sa likod naman namin sila Maui,Cj at Mark dapat talaga ang magkatabi ay si Maui at Julia ang kaso dahil nga ang sama ng tingin ni Monica ay agad lumipat si Julia sa likod katabi si Kuya Mat at Monica.
Wala namang nagawa si Maui dahil dun. Alam kung nabadtrip siya dahil dun pero alam ko namang sa loob loob niyan masaya siya kase makakasama niya si Julia ng halos tatlong linggo. Sana lang talaga di dumating si John dejk haha.
Kanina pa kami nakarating sa resort nila Cj, mag gagabi ng makarating kami dahil di tulad dati tanghali na kami bumyahe ngayon kaya gabi na kami nakarating sa resort nila Cj. Wala padin namang nagbago mas lalo lang gumanda resort nila Cj.
Nandito kaming lahat ngayon sa resto sa resort at naghihintay ng pagkain na inorder namin.
"Tagal naman nagugutom nako." Ngusong sabi ni Cj. Agad naman kaming napailing ang impatient naman kasi nitong bugok nato.
"Maghintay ka nga kakaalis palang ng waiter." Inis na sabi sakaniya ni Mark. Natawa naman kami pero agad ding tumahimik dahil tahimik lang sila Monica. Ang awkward lang kase.
Hindi naman kase talaga kami close kay Monica, kay Kuya Mat pwede pa pero kay Monica hindi ramdam ko kasing may galit padin siya kay Maui pero hindi niya lang masabi kaya dinadaan niya sa masamang tingin kapag lumalapit si Maui kay Julia o di kaya'y kinakausap niya si Julia.
Diko alam tumatakbo sa utak ngayon ni Maui basta kanina ko pa nahahalatang lapit ng lapit kay Julia, balak pa atang landiin ni gago. Kinakausap naman siya ni Julia kahit nakikita naming ang sama sama ng tingin ni Monica sakaniya, hinahayaan nalang namin si Maui dahil diskarte na niya yan.
"Ang awkward naman." Basag ni Cj sa katahimikan, kapag tahimik talaga asahan mong si Cj lang babasag sa katahimikan nayun siya lang naman kase nangangati bibig pag di nagsasalita daldal kase.
"Oo nga eh." Dagdag naman ni Mark habang tinitignan kami isa isa. Di nalang namin siya pinansin dahil sakto dumating na yung order namin at makakapagsimula na kaming kumain. Nawala naman ang awkward na atmosphere ng magdadadaldal nanaman si Cj.
Pero agad ding napatigil ng mapansin naming pinaghahainan ng pagkain ni Maui si Julia nagkatinginan lang kami nila Mark at Cj hindi ko talaga kung ano ba ginagawa ni Maui, pero mukhang may balak nga si gagong pabalikin sakaniya si Julia. Knowing Maui hindi niya malabong di gawin yun.
"Julia ito gusto mo?" Tanong ni Maui kay Julia pilit nalang ngumiti si Julia at tumango. Narinig naman naming may nagbagsak ng spoon at fork pagtingin namin si Monica yun at masama na ang mukha niya. Nagkatinginan kami ni Samantha at napaismid nalang ito.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)
FanfictionFuckboy always a fuckboy charot.