Chapter 14

13.8K 198 3
                                    

Maui's Pov 

Nagkukwentuhan lang kami nila James dito sa kubo. Habang hinihintay namin sila Julia at Samantha na nagbibihis sa cottage. 

Napatigil naman kami sa pagtatawanan ng biglang mag-ring ang phone ko. Sabay sabay kaming napatingin don. Nakita kung kumunot ang noo ni Cj at James at hinihintay na sagutin ko kung sino man ang tumatawag, hindi ko sinagot yun dahil unknown number lang naman yon. 

"Sino yun dude?" Usisa ni Cj na para bang gustong gustong malaman kung sino yung tumatawag. 

"Oo nga? Babae ba? Akala ko ba magbabago kana?" Takang tanong sakin ni James. 

"Malay ko unknown number eh." Saad ko at hindi na pinansin ang mga tingin nila. 

"Malay daw sabihin mo dude bago mo nanamang babae yan." Tinignan ko ng masama si Cj dahil sa sinabi niya. Mamaya marinig siya ni Julia hindi talaga nag-iisip. 

"Shut up, mamaya marinig ka ni Julia hindi ka nag-iisip. Tsaka pinanindigan ko na yung sinabi ko sainyo nun na magbabago nako. Alam niyo namang takot akung mawala sakin si Julia." Sabi ko sakanila. Napatango naman silang dalawa at si John ay titig na titig lang sakin. Na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. 

"Mukhang nagbabago kana nga talaga dude ah?" Saad sakin ni James ng nakangisi. 

"Oo naman noh takot niya lang na si Julia na mismo makakita ng mga kagaguhan niya." Tawang sabi ni Cj kaya tinignan ko siya ng masama. 

Mamaya marinig siya nila Julia hindi talaga nag-iisip. Napatingin naman ako kay John na tahimik lang na nakikinig samin. 

"Oh bakit totoo naman kase buti nga naisipan mo pang magbago kung hindi nako!" Napapailing na sabi ni Cj. Magsasalita pa sana ako ng mag-ring ulit ang phone ko. Sabay sabay ulit kaming napatinging apat dun. 

Napabuntong hininga nalang ako at mabilis na tumayo at lumayo sakanila para sagutin kung sino man ang tumatawag.  

"Hello?" Bungad na sagot ko at sinamahan ko ng pagka-irita para sabihing istorbo siya. 

[ Pre si Vincent to. ] 

"Oh? Pre ikaw pala? Bakit napatawag ka?" Tanong ko at nakahinga ng maluwag ng si Vincent lang pala yun kasamahan namin nila James sa basketball. 

Simula kase ng magka-ayos kami ni Julia pinalitan ko na ang sim ko para tuluyan ng magbago. Tanging number nalang ni Julia at nila Cj ang naka save sa phone ko. Hindi din naman ako magtataka kung makuha ni Vincent ang number ko siguro tinanong niya ito kila James. 

[ Pre nasan ka ngayon? ] Mabilis naman akung nagtaka dahil sa tanong niya pero sinagot ko nalang. 

"Dingalan kami pre vacation lang bakit?" Takang tanong ko. Rinig ko din ang ingay sa kabilang linya na halatang nasa bar ito. 

[ Ah ganun ba? Hanggang kailan kayo diyan? ] Tanong niya ulit. 

"One week lang pre bakit ba?" Natatawa kung tanong sakaniya. Narinig kung natawa din siya sa kabilang linya. 

[ Sakto pala pre eh. Makakapunta ka pa pala sa Tuesday. ] Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. 

"Makakapunta saan?" Taka kung tanong. 

[ Birthday kase ni Liam sa tuesday, e kilala mo naman yun pre idol na idol ka non. Hindi pwedeng wala ka kaya sana pumunta ka. ]

Napatango naman ako sa sinabi niya. 

"Sige saan ba gaganapin birthday niya?" Mabilis kung tanong sakaniya. 

[ Dito pre sa bar na lagi niyong pinupuntahan nila James. ] Mabilis niyang sagot napatigil naman ako dahil sa sinabi niyang lugar. 

MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon