Chapter 43

2K 52 8
                                    

Maui's Pov

Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng may nag-uusap. Dahan dahan kung dinilat ang aking mata at diretso ang tingin kung nasaan si Julia. Agad akong napangiti at hinalikan siya sa noo.  

"I love you babe..." Sambit ko habang hinahawi ang buhok niya. Tulog na tulog ito at nakayakap sakin. Muli kung hinalikan ang noo niya at niyakap siya ng mahigpit ng makarinig ako ng kalabog mula sa pintuan. 

Nanlaki ang mata ko ng makita ko sila Cj na nakasilip sa kwarto ko. Nakasilip saming dalawa ni Julia. Napatulala ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko, alam ko kasing magagalit sila at wala nakong maidadahilan dahil huling huli na kaming dalawa ni Julia. 

"Ano ibig sabihin nito Maui?" Pasigaw ngunit mahina na sabi ni Mark. Tulog si Julia kaya hindi nila ko magawang lapitan. Napagdesisyunan kung tumayo at magpaliwanag na sakanila. Dahan dahan akong tumayo para hindi magising si Julia. Hinalikan ko muna ito bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ko. Pagkasara ko ng pinto ay naka poker face nilang mukha ang nakita ko. Napataas ang kilay ko. 

"Pano kayo nakapasok?" Irita kung tanong sakanila. 

"May susi kami ng bahay mo! Explain!" Sigaw sakin ni Cj na para bang asawa ko. 

"Why?" Kunwareng inis na tanong ko para hindi sila magalit sakin. Pero huli nako dahil nabatukan nako ni Cj. 

"Anong why why ka diyan! Gago kaba dude ipaliwanag mo sakin tong lahat niloloko moko!" Napaismid naman ako sa sinabi ni Cj nababaliw nanaman siya."Putangina mo seryoso kase!" Sigaw naman sakaniya ni Mark at tumingin sakin ng masama agad naman akong napaatras. 

"Bakit nasa kwarto mo si Julia? Anong nangyare?" Parang asawang tanong nito. Napakamot naman ako sa batok ko dahil diko alam ang isasagot ko. "Sagot!" 

"Malamang natutulog ano ba ginagawa sa kwarto diba!" Palusot ko. Dahil sa sagot ko ay nakatikim nanaman ako ng batok at doble pa. 

"Hindi kami nakikipagbiruan sayo Monteverde! Nilasing mo ba si Julia kaya siya nandito! Akala ko ba dimo na sila guguluhin ano nanamang katarantaduhan ang pinasok mo!" Singhal sakin ni Mark at si Cj naman ay tatango tango lang at dinidilaan ako. 

"Pwede ba magpaliwanag muna. Wag muna kayong magalit please lang at tsaka pwede wag kayong maingay baka magising si Julia." Saad ko sakanila at agad naman silang tumango. 

"Magpaliwanag kana." Sabi ni Mark. 

"Dun sa office ko tayo mag-usap." Saad ko dahil baka magising si Julia. Nauna ako sakanila at sumakay kami ng elevator dahil nasa 4th floor pa ang office ko. Habang nasa elevator kami ay hindi kami nag-uusap. Ay hindi, hindi pala nila ko kinakausap. Tawanan sila ng tawanan na may kasamang apiran pero hindi ako sinasama. 

Napaismid nalang ako at hindi na sila pinansin. Malamang kapag napaliwanag ko sakanila yung totoo hindi na sila magagalit sakin. Nagpapasalamat nadin ako dahil hindi si James ang nakakita samin, kundi naulanan nako ng sapak at mura. As much as possible kasi ayaw na ni James na sirain pa ulit ang barkada namin pero handa ko ulit sirain yun lalo na alam kung ako padin ang mahal ni Julia. Bahala na magkasiraan maipaglaban ko lang ang dapat kung ipaglaban. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa mga naiisip ko. Pagkabukas ng elevator ay agad akong nauna sakanila dahil nakakairita yung pang iinggit nila akala naman nila maiinggit ako! 

"Hoy wait nga!" Sigaw ni Cj sakin pero hindi ko nalang siya pinansin. Ang lalakas na ng sigawan nila dahil hindi na sila maririnig ni Julia. Pagdating sa office ay agad binuksan ni Mark ang aircon at si Cj naman ay dumiretso sa ref para kumuha ng beer. 

MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon