Maui's Pov
Kinabukasan, napagdesisyunan naming pumunta sa kabilang isla na pinuntaha namin noon nila Julia.
Masaya ako ng sabihin ni Kuya Mat na hindi sila sasama ni Monica dahil may phobia daw ito sa bangka. Hindi naman pwedeng iwan ni Kuya Mat si Monica mag isa sa cottage kaya nagpaiwan siya.
Handa na kaming lahat except kay Cj na kanina pa namin hinihintay pati yung bangkang sasakyan namin. Napatingin naman ako kay Julia na nakikipagtawanan kay Samantha. Napatitig ako kay Julia, miss na miss ko na siya parang dati lang nahahawak hawakan ko pa siya, nayayakap ko, nahahalikan ko ngayon putangina hanggang tingin nalang ako.
"Ano itutuloy mo padin ba plano mo?" Tanong ni Mark sakin.
"Oo."
"Dude, wag mo ng ituloy bak-" Hindi pa natatapos ni James ang sasabihin niya ng tignan ko siya ng masama.
"Bakit hindi ko itutuloy? Dahil kay John? Tangina bakit nung sinulot niya ba si Julia sakin inisip niya ko? Tangina niya." Galit na sabi ko. Hindi na nagsalita sila James at napa buntong hininga nalang, dumating naman na agad si Cj na dala dala ang camera niya kasabay ng pagdating ng bangka na sasakyan namin.
Naunang umakyat si James at inalalayan niya si Samantha umakyat. Ng si Julia na ang aakyat ay mabilis ko siyang hinawakan sa kamay. Pero agad din niyang binawi ang kamay niya ng ikinagulat ko.
"Maui kaya ko." Iwas na sabi niya.
"T-tulungan na kita..." Utal na sabi ko at hinawakan ang wrist niya pero nagulat ako ng sigawan niya ko.
"Maui ano ba! Sinabi ng kaya ko diba." Sigaw niya at agad na umakyat sa bangka.
Nasaktan ako sa inasta niya, iiwasan niya talaga ako putangina! Agad sumakay si Julia sa bangka, kinausap naman ito agad ni Samantha at nag aalalang tumingin sakin si James.
Agad akung umakyat sa bangka at tumabi kay Julia. Napabuntong hininga naman si Julia at agad na lumipat ng upuan! Damn!!
Nagkatinginan kami ni James pero agad din akung umiwas, tangina ang sakit. Lumipat naman si Samantha kung nasaan si Julia at nag-usap sila ulit.
Parang hangin lang ako kay Julia hindi niya talaga ako pinapansin.
"Hoy Mark! Tulungan moko sumakay diko kaya." Dinig kung sigaw ni Cj
"Tangina mo! Kalalaki mong tao pag akyat lang sa bangka dimo kaya." Inis na sabi ni Mark at tumabi sakin, sa kabila ko naman si James.
"Ayos kalang dude?" Sabay nilang tanong, napatango nalang ako habang nakatitig kay Julia.
"Tangina niyo talaga eh noh! Tutulungan niyo lang ako umakyat mga kupal talaga kayo eh." Galit na sabi ni Cj at tumabi kay Mark. Agad namang umandar ang bangka ng makumpleto kami.
Hanggang sa makapunta kami sa isla hindi niya padin ako kinakausap o pinapansin manlang, kahit manlang tingin di niya ko pagbigyan. Pero hindi ako susuko tangina nag-uumpisa palang ako. Aagawin ko siya kay John at pababalikin ko siya sakin sa ayaw at sa gusto niya!
-
Pagdating namin sa isla ay agad kaming bumaba lahat ng bangka. Agad ding umiwas si Julia ng mapansin niya atang lalapit ako sakaniya, agad siyang pumunta kila Samantha kung saan kasama si James.
Napa buntong hininga nalang ako at pinauna ko na sila maglakad, sinamahan naman ako nila Cj at Mark sa likod habang nakasunod kami kila Julia.
"Dud-" Hindi pa natatapos ni Mark ang sasabihin niya ng unahan ko siya.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)
FanfictionFuckboy always a fuckboy charot.