Chapter 27

10.1K 167 14
                                    

Dedicate ko po itong chapter nato kay EunhaeLai salamat sa walang sawang pagbabasa. <3 

Jame's Pov 

"Maui kumalma ka, mabuti pa umuwi na tayo." Pagpapakalma ko kay Maui dahil mukhang sasabog na siya sa galit. 

Nagkatinginan kami nila Cj at mukhang pati sila kinakabahan na. Natapos na ang party ni Julia at pinatawag ni Maui si John at alam naming may hindi magandang mangyayare. 

Nung sinabi ni John na girlfriend niya si Julia akala ko nagbibiro lang siya pero nung sinabi niyang totoo. Lahat kami hindi makapaniwala, ang una agad naming inisipo si Maui kitang kita ko kung paano nagpigil si Maui na saktan si John kanina. 

Nakakaramdam din ako ng galit kay John, kaibigan namin siya kaibigan siya ni Maui pero sinulot niya si Julia. Alam niya kung gaano kamahal ni Maui si Julia pero ito ang ginawa niya. 

"O-oo nga Maui tapos naman na yung party, mas mabuti siguro kung umuwi na tayo." Utal na sabi ni Cj at agad naman kaming sumang-ayon pero walang nagbago sa ekspresyon ni Maui. 

Nandito kami sa labas ng bahay nila Julia at hinihintay naming lumabas si John, naguguluhan ako kung paano nangyare to. Kung bakit naging sila? Alam naman ni Julia na kaibigan ni Maui si John at alam ni John na ex at mahal padin ni Maui si Julia, nakakagago. 

"Maui halika na umuwi na tayo." Yaya ko kay Maui at hinawakan ang balikat niya pero padabog niya lang yung tinaggal at hindi ako pinansin. Mukhang hindi na namin siya mapipigil.

Napabuntong hininga nalang kami habang nakatingin kay Maui. 

"Patay nandiyan na si John." Bulong sakin ni Mark. Nakatingin kami kay John na lumabas na ng gate nila Julia at masayang humarap saamin. 

"Anong pag-uusapan natin mga dude?" Nakangiting tanong niya, napakunot ang noo ko pano niya nagagawang ngumiti ng ganiyan kahit alam niyang may ginawa siyang kasalanan o baka naman wala siyang pakielam sa nararamdaman ni Maui ngayon. 

Nataranta kami ng mabilis na naglakad si Maui papunta kay John, huli na ang lahat dahil nabigyan na niya ng malakas na suntok sa mukha si John. Agad naming hinawakan ni Mark si Maui at si Samantha at Cj naman kay John na napaupo sa sahig at pinupunasan ang gilid ng labi niya. 

"Ilang taon tayong hindi nagkita Maui tapos ito isasalubong mo sakin, mahal na mahal mo naman yata ako." Tawang sabi ni John at dahan-dahang tumatayo. 

"Putangina mo!" Mura sakaniya ni Maui at balak pang suntukin ulit si John pero hinawakan namin siya ng mahigpit ni Mark. 

"Teka ano bang ginawa ko sayo?" Tanong ni John at umarteng hindi niya alam kung ano bang problema ni Maui sakaniya. 

"Putangina mo! Hindi kita kaibigan ahas ka! Hayop ka." Sigaw ni Maui galit siya pero mababakas sa mukha yung sakit. "Paano mo nagawa sakin yun hah! Paano mo nagawang sulutin yung babaeng mahal ko! Napakatarantado mo hayop ka!" Sigaw ni Maui at pilit na umaalis sa pagkakahawak namin sakaniya para sugudin si John.

"So yung girlfriend ko pala dahilan kung bakit nagkakaganiyan ka?" Ngising tanong ni John napakunot ang noo ko at agad siyang sinigawan. 

"John ano ba! Umayos ka nga ikaw ang may kasalanan dito." Sita ko sakaniya dahil hindi ko nagugustuhan ang lumalabas sa bibig niya. 

"Noon palang napapansin ko na. Na may gusto ka kay Julia pero pilit kung sinabing hindi! Dahil kaibigan kita at alam kung hindi mo magagawa sakin yun, pero tangina nagkamali ako! Hayop ka!" Napapikit nalang ako sa mga sinasabi ni Maui. 

MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon