Chapter 47

980 26 0
                                    

Samantha's Pov

It's been a week, yea it's been a week since nangyare yung nahuli sina Julia at Maui thingy. Hinintay namin sila sa lobby that night akala namin sabay silang babalik pero tanging si John lang ang bumalik wala siyang sinabi samin o ano pero napansin namin ang singsing na hawak niya mukhang nakipaghiwalay na ng tuluyan si Julia. Hindi niya kami kinausap umalis siya ng resort ng walang sinasabi samin kaya mas lalo kaming nag-alala. Gusto namin siyang kausapin at damayan pero ang sabi niya lang hayaan muna daw siya.

Hindi pa kami bumalik sa room namin dahil hinihintay namin sila Julia at Maui, bumalik naman sila agad ang kaso nakaalis na si John magkahawak kamay silang bumalik ng room. Hindi ko alam pero napangiti ako that time kasi nung gabi nayon alam ko ng tama ang naging desisyon ni Julia. Hindi na niya kailangan lokohin ang sarili niya at ang ibang tao dahil pinili na niya kung san siya sasaya at alam niyang tama.

I can't blame her ano nga namang sense na pakasalan mo ang taong hindi mo naman mahal. Hindi lang sarili mo ang maloloko at masasaktan mo pati yung taong nagmamahal sayo. Kaya masaya ako sa naging desisyon ng kaibigan ko sa tingin ko sa ilang taon na nagtiis siya deserve na niyang sumaya.

Akala namin okay na sa barkada pero nagalit si Monica kay Julia, ang malala nag-away silang dalawa hindi physical pero nagkasugatan sila yun ang pinakamasakit sa lahat dahil nakakapagsabi ka ng masama na hindi mo naman gusto, at kay Julia sa tingin ko sumabog na siya sinabog na niya yung galit at tampo niya kay Monica dahil sa pagpilit nito kay John sakaniya. Nag-iiyakan sila,nagkakasagutan wala kaming magawa kung hindi panoorin sila ayaw namin silang awatin dahil para samin mas maganda nayon para malabas na nila yung sama ng loob nila sa isa't isa.

After that vacation naging malamig ang grupo, walang pansinan o ano maliban samin ni Julia na nag-uusap at kila Cj na wala namang problema sa nangyare. Masama padin ang loob ni James kay Maui pero alam kung hindi niya din matitiis to at makikipag-ayos nadin siya.

At tama nga ako, ilang araw lang nagbati na si James at Maui naging ayos na ulit ang barkada. Masaya na ulit kami pero nandon padin yung lungkot dahil sa nangyare. Sila Maui at Julia ayos na sila handa na nilang ituloy ang naudlot nilang lovestory.

Kay John? Ever since makauwi kami wala kaming narinig mula sakaniya wala siyang paramdam o ano naiintindihan namin yon dahil alam naman namin yung pinagdadaanan niya matindi talaga.

"Sino ba kasi hinihintay natin?" Pag-ulit na tanong ni Julia at uminom ng kape na inorder namin.

"Basta wait lang." Ngising sabi ko habang tinitignan ang phone ko. Kahit kelan talaga pa vip si Monica.

Yes tama kayo si Monica, remember nung sinet-up din ako ni Julia para mapag ayos kami ni Monica gagawin ko naman ngayon sakanila yon para mapag-ayos silang dalawa. Alam ko din kasing miss na miss nadin nila ang isa't isa at hindi lang nila alam kung pano makikipag-usap at hihingi ng sorry sa isa't isa.

"She's here." Sabi ko kay Julia at napatingin sa pintuan ng coffee shop,

"Sorry Sam ang daming ginagawa sa offu-" Dipa niya tapos ang sinasabi niya ng makita niya si Julia na kasama ko.

Syempre parehas silang gulat at hindi makapaniwalang nasa harapan nila ang isa't isa. 1 week na sila nagiiwasan at surang sura nako don. Gusto ko na silang mag-usap at para sakin tama na ang one week para lumamig ang mga ulo nila.

"Sam madami pakong tatapusin." Sabi ni Monica at tatalikod na ng magsalita si Julia.

"So aalis ka? Hindi ka makikipag-ayos kahit alam mong isa kadin sa may kasalanan?" Napatigil si Monica dahil don, unti unti siyang lumingon napabuntong hininga siya at wala ding nagawa kung hindi umupo sa tabi ko nakatapat siya kay Julia. Nagtititigan lang sila hindi alam kung sino una magsasalita, napairap nalang ako sa kadramahan nila sa buhay.

MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon