Maui's Pov
"Alam mo dude pansin ko iniiwasan ka ni Julia." Napatingin ako kay Cj na seryosong nagpupunas ng pawis niya. Ramdam kung nakatingin silang tatlo sakin. Imbis na magsalita ako ay mabilis akung uminom ng tubig at hindi nakasagot.
Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman yun isang linggo ng ganito sakin si Julia. Sobrang lamig niya na sakin hindi na siya pumupunta ng practice ko puro si Samantha nalang kapag naman tinatanong ko si Samantha puro siya dahilan. Kapag magkasama kami sinusubukan kung mag open ng topic kung bakit siya nagkakaganun pero nagagalit lang siya sakin.
Kaya imbis na magtanong ako nananahimik nalang ako sa totoo lang hindi ko kayang nagagalit sakin si Julia kahit na gustong gusto ko siyang tanungin. Dahil halos isang linggo nadin akong hindi makatulog kakaisip sakaniya at kung ano bang nagawa ko at nagiging malamig siya sakin.
Hindi naman siya ganiyan kapag may problema siya sinasabi niya agad sakin pero ngayon hindi. Kinausap ko nadin si Samantha nagbabakasakaling alam niya pero hindi din daw niya alam. Hindi ko na alam kung ano ng nangyayare samin pati kay Julia hindi ko alam kung ano bang nagawa kung masama at napaka cold niya sakin.
"Hindi ba kayo nag-away dude?" Napatingin ako kay James na hawak hawak ang bola at seryosong tumingin sakin mabilis naman akung umiling dahil hindi naman talaga kami nag-away. Ayos pa nga kami nun eh tapos nung pagkapunta ko sakanila nun nanlamig na siya sakin. "Eh yun naman pala eh ano ba nangyayare sayo at kay Julia?" Takang tanong niya at binaba ang bolang hawak niya. Sa totoo lang isang linggo nadin akung ganito matamlay ni hindi na nga ako sumasama kila James sa bar dahil nawawalan ako ng gana.
"Dude wala kabang na aalala na pinag-awayan niyo?" Tanong ni Cj.
"Wala." Mabilis kung sagot sakaniya. Napatango sila at napabuntong hininga.
"Baka naman nagpapalambing lang si Julia. Lambingin mo nalang dude." Ngising saad ni Cj kung alam mo lang palagi kung ginagawa yun pero wala padin. Mas lalo siyang naiinis napailing nalang ako at mabilis na kinuha ang bag ko.
"Tara punta na tayo sa canteen." Saad ko at mabilis naman silang tumayong tatlo.
Pagdating namin sa canteen ay nakita agad namin si Julia at Samantha na seryosong nag-uusap pero nung nakita nila kaming papalapit ay bigla silang tumigil sa pag-uusap.
Mabilis na napakunot ang noo ko dahil dun. May tinatago ba sakin si Julia? Nababaliw na talaga ako kakaisip.
Mabilis akung umupo sa tabi ni Julia at si James naman sa tabi ng girlfriend niya.
"Nakapag-order na kayo mahal?" Basag ni James sa katahimikan nakatitig lang ako kay Julia na seryosong nakatingin kila Samantha.
"Hindi pa eh ano kami pa mag-oorder sainyo?" Dinig kung saad ni Samantha.
"Sabi ko nga mahal kami na eh tara nga Cj samahan moko." Sigaw ni James kay Cj na halos katabi niya lang naman at hinila ito.
"Enebe dude nasasaktan nako." Dinig kung sigaw ni Cj.
"Babe." Tawag ko kay Julia at naramdaman kung lalong tumahimik sa table namin. Dahan dahan siyang lumingon sakin at ngumiti ng matipid. Damn! Babe why you acting like this?
"Bes may bago nga pala tayong teacher kase diba hindi nadaw kayang magturo ng teacher natin sa english sa sobrang tanda na." Basag ni Samantha sa katahimikan dahil ilang minuto kaming naging tahimik at hindi ko narinig na nagsalita si Julia para kausapin ako.
Hindi manlang siya nagtanong kung kamusta ba practice ko? Kamusta ako? Fuck! I miss her so much! Seryoso lang akung nakatitig kay Julia at nakikinig sa pinag-uusapan nila.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)
FanfictionFuckboy always a fuckboy charot.