Samantha's Pov
Nandito kaming lahat sa bahay nila Julia. Nagprisinta kase kami nila James na tumulong sa surprise party para kay Julia. Na mamaya ng gabi magsisimula.
Nung una nga ayaw pang pumayag ni Tita pero dahil sa kakulitan naming lahat wala na siyang nagawa.
Halos tatlong taon ko nading hindi nakikita ang bestfriend ko. Mahirap at malungkot lalo na hindi naman siya nagpaalam saakin noon na aalis siya. Gusto ko mang magtampo hindi ko naman magawa dahil alam ko naman ang rason niya.
Sana lang talaga magkaayos na sila ni Maui. Kahit naman ganun ang ginawa ni Maui alam kung nagsisi na siya at si Julia talaga ang mahal niya. Sana lang talaga hindi pa huli ang lahat.
"Napapagod nako." Reklamo ni Cj at padabog na hinagis sa lames ang hawak niyang lobo.
Napairap nalang ako at ang iba ay napailing. Well ano pa nga bang aasahan sa Cj nayan kung hindi puro reklamo. Kaya ang hirap kasama yes i know mareklamo din ako pero nilulugar ko.
"Nagsisimula pa nga lang tayo pagod kana agad?" Tanong sakaniya ni Mark at binatukan siya.
Napatango naman ako at agad na nagsalita. "Ganiyan talaga tamad eh." Ngising sabi ko at inirapan ko siya. Ewan ko ba bakit ang init ng ulo ko sa alien nayan.
"Pangit mo!" Sigaw niya sakin alam ko namang ako ang sinabihan niya nun.
"Sinasabihan mo bakung panget huh?!" Galit na sigaw sakaniya ni Mark. Nanlaki naman ang mata ni Cj at agad na umiling.
"H-hindi ah! Hindi ikaw yun si Samantha sinasabihan ko promise." Tarantang sagot ni Cj at tinaas ang kanang kamay niya. Napailing nalang kami nila James sakanila.
"Tumigil nga kayo nagsisigawan kayo mamaya marinig kayo nila Tita hindi na kayo nahiya." Masungit na sita sakanila ni Maui. Napatango naman ako.
"Ito naman si Maui sungit sungit, tama na pagsusungit babe babalik na si Julia oh." Ngising sabi ni Cj at kiniliti si Maui tinignan lang siya ng masama ni Maui at tinuloy ang paglalagay ng lobo sa sahig.
Dito kami sa living room nag-aayos, at sila Tita naman sa pagkain at sa garden. Kung saan gaganapin mamaya ang salo-salo.
"Hindi ako makapaniwala na mamaya makikita na natin si Julia." Natahimik kaming lahat sa sinabi ni Cj. "Oh bat kayo ganiyan, diba kayo masaya? Tahimik niyo." Ngusong sabi niya.
Napayuko naman ako at kahit anong gawin ko walang lumalabas sa bibig ko. Dahil hindi ko alam kung si Julia paba ang makakaharap ko mamaya.
"Sa totoo lang kinakabahan ako." Napatingin kaming lahat kay Maui ng magsalita ito. Nakayuko ito at pinaglalaruan ang lobong hawak niya. "Masaya ako pero hindi ko maiwasang hindi kabahan. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakaniya mamaya. Ang dami kung gustong sabihin sakaniya at itanong, pero isang tanong lang ang gusto kung sagutin niya. K-kung mahal paba niya ko pagkatapos ng nagawa ko..."
"Dude naman ikaw na nga nagsabi samin diba? Kayo pa ni Julia, mahal kapa nun dude. Mahal na mahal. Kilala namin si Julia dude nagalit lang yun pero mahal kapa din nun." Napangiti naman ako sa sinabi ni Cj kahit pala minsan may nasasabi din palang matino ang isang to.
"Tama si Cj Maui. Wag kang magmukmok diyan dapat nga masaya ka dahil yung babaeng hinintay mo ng ilang taon. Sa wakas makikita mo na ulit." Saad naman sakaniya ni James at inakbayan siya. Agad ko namang binitawan ang hawak ko at nakisali sakanila.
"Pag nag-usap kayo mamaya humingi ka ng tawad. Sigurado naman kaming mapapatawad ka niya. Siya padin naman si Julia na hinding hindi ka matitiis diba?" Pagpapalakas ko ng loob niya at tinapik ang braso niya.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)
FanfictionFuckboy always a fuckboy charot.