Julia's Pov
"Anong pag-uusapan natin Monica?" Mahinahong tanong ko habang magkaharap kami nakaupo kami ngayon sa sofa kung saan kami nakaupo ni John kanina.
"Gusto ko lang sana magtanong sayo about sa boyfriend mo." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya ano naman gusto niyang malaman kay Maui.
"Ano yon?" Seryosong tanong ko pero sa loob-loob ko ay kinakabahan ako. Hindi ko naman alam kung bakit dahil siguro si Monica ang kaharap ko.
Nakita kung tumaas ang kilay nito at uminom ng juice na nasa harapan niya. Pagkatapos niyang uminom ay tumingin siya sakin ng seryoso.
"Ilang taon na kayong mag karelasyon?" Mataray na tanong niya sa akin. Kahit nagtataka ay sinagot ko nalang yon.
"3 years na." Sagot ko sakaniya nakita kung napailing siya at parang hindi makapaniwala.
"Totoo? Tumagal kayo ng 3 years?" Natatawang tanong niya tumango nalang ako bilang sagot. "Well, ang alam ko bago palang kayong magkasintahan. Huli siguro ako sa update dahil kakatransfer ko lang sa school." Tumango nalang ulit ako sa mga sinabi niya. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit tinatanong niya sakin si Maui. "Sa tagal ng relasyon niyo may pinag-awayan naba kayo dahil sa babae?" Ngising tanong niya pero napailing ako.
Sa tatlong taon namin ni Maui imposibleng hindi kami nag-away. Pero kahit kailan hindi kami nag-away ng dahil sa babae. Sa mga lalaking may gusto siguro nag-away kami dahil napaka seloso ni Maui. Pero sa mga babaeng may gusto sakaniya wala pa kaming pinag-awayan.
"Seriously? Tanga kaba?" Natatawang tanong niya sakin mabilis namang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Excuse me." Madiing sabi ko dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya para naman siyang napatigil at napaupo ng maayos.
"Sorry Julia." Seryosong saad niya ngumiti nalang ako para sabihing ayos lang. "Pero seryoso hindi pa kayo nag-aaway dahil sa babae?" Muli niyang tanong.
"Mukha bakung nagsisinungaling?" Seryoso kung tanong sakaniya at mukhang napahiya ata siya sa tanong ko.
"Hindi naman Julia pero kilala mo naba talaga si Maui?" Agad akung nagtaka sa tanong niya.
Muli siyang uminom ng juice at nakatitig lang siya na halatang hinihintay ang isasagot ko.
"Oo naman." Walang pag-aalinlangang sagot ko.
"Sigurado kaba Julia? Alam mo advice ko sayo buksan mo yang mga mata mo. Bantayan mo bawat galaw ng boyfriend mo dahil baka niloloko kana niya." Ako naman ngayon ang napatigil dahil sa sinabi niya.
"W-what do you mean?" Pilit kung pinakita na hindi ako nagulat.
"You know what i mean Julia. Baka kase akala mo loyal na loyal sayo si Maui, pero pag nakatalikod ka niloloko kalang pala niya." Ngising saad niya.
Biglang kumalabog ang puso ko dahil sa sinabi niya.
Maui's Pov
"Dude nakakainis talaga yung ka date ko kahapon. Akala ko babae bakla pala ang puta!" Sabay kaming natawa ni James dahil sa kwento nitong Cj nato gago kase eh.
"Dude alam mo naman at kabisado mo mukha ng mga bakla diba? Hindi mo manlang ba napansin?" Tawang tawang tanong ni James sakaniya nakita naming ngumuso si Cj.
"Hindi eh ang ganda kase niya hindi siya mukhang bakla. Tapos ang galing pang humalik tangina kadiri bakla pala." Sigaw ni Cj na halatang nandidiri pa.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)
FanfictionFuckboy always a fuckboy charot.