Guys comment yung gustong magpa-dedicate :)
Monica's Pov
Dapat magkakasama kami ngayon nila Julia at kakain kami sa labas. pero dahil maarte ang manliligaw ko dito nalang daw kami sakanila.
Gusto daw kase niya ako masolo. Corny right? Pero kinikilig ako. Hindi niya nga alam na ngayon ko siya sasagutin. Sapat na siguro yung isang taong pagpapahirap ko sakaniya.
Gusto kung maging akin na siya para naman may karapatan nako sumampal ng mga babaeng lumalandi sakaniya. Hindi yung hanggang selos lang ako.
Nakatingin lang ako sakaniya ngayon habang busy siya sa pagluluto. Sa totoo lang hindi ko nga alam kung bakit ko minahal yan. Eh duh~ init init kaya ng dugo ko diyan, nakikita ko palang pagmumukha niya nababadtrip nako. Pero tignan mo nga naman manliligaw ko na siya ngayon.
"Baka naman malusaw ako niyan ah?" Ngising sabi ng panget. Tumingin pa siya sakin at kumindat.
"Kapal ng mukha mo! Sa niluluto mo ako nakatingin hindi sayo." Okay, ang sinungaling ko.
"Sabi mo eh." Tawang sabi niya at pinagpatuloy ang niluluto niya.
Medyo nababawasan nadin naman ang pagiging bitchy ko dahil sakaniya, konti lang naman okay konti lang.
Hindi ako mapakali sa upuan ko dahil hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin.
Paano ba? Uhm...
Tayo na?
Yes?
Gusto na kita maging jowa?
Sinasagot na kita?
Gusto mo ba tayo na?
Grrr!! Hindi ko talaga alam dapat kung sabihin. Bwisit na Mat nato pinapakaba ako ng todo.
Kailangan ko natong mailabas bago pako sumabog. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sakaniya.
"Hoy! Mat." Wag niyo ko i-bash ganiyan talaga ako ka-sweet sakaniya.
"Yes darling what do you need?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Darling mo mukha mo." Mataray na sabi ko pero nginitian niya lang ako. Sht bat ba ang gwapo niya? Bakit ba ang pula ng labi niya?! Nakakainis. Swear pag sinagot ko na siya hahalikan ko na talaga siya!!
"May sasabihin kase sana ako." Saad ko at iniwas ang tingin ko sakaniya.
"Sige, dun tayo sa sala." Tumango ako sa sinabi niya, tinakpan niya ang niluluto niya dahil luto na.
Nakasunod lang ako sakaniya habang pinaglalaruan ang kamay ko.
Dapat pala tinext ko nalang to eh, kinakabahan talaga ako.
Umupo ako sa sofa katabi siya at tumingin naman siya sakin.
"Ano yung sasabihin mo?" Atat na atat na tanong niya at mukhang hindi na makapahintay sa sasabihin ko.
"Mat."
"Oh?"
"Kase ano..."
"Ano?"
"Mat kase ano..."
"Huh? Ano nga?"
"Mat naman kase ano nga kase..."
"Huh? Eh ano nga?"
"Mat kase ako ito na talaga."
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)
FanfictionFuckboy always a fuckboy charot.