Chapter 8

15.6K 233 11
                                    

Maui's Pov 

Nasa labas ako ngayon ng room nila Julia. Balak ko siyang ihatid ngayon pauwi dahil palagi nalang siyang tumatakas kapag sinasabi kung ihahatid ko siya. Malalaman ko nalang na nakauwi na pala siya.  

Nakatingin sakin ang mga kaklase niya na nasa loob at nagbubulungan sila. Hindi ko nalang sila pinansin at tumingin ako kay Julia na seryosong nakikinig na nagtuturo sa harapan nakita ko pang binulungan siya ni Samantha habang nakatingin sa direksiyon ko. Umasa akung titingin si Julia sakin pero nabigo ako. 

Hindi ako pumasok ng huling subject namin para mapuntahan ko si Julia. Nakaisip nadin ako ng dapat kung gawin kay Monica. I'm sure babawiin niya ang sinabi niya kay Julia sa gagawin ko. 

Napaayos ako ng tayo ng makitang dismissal na nila. Nakita kung inaayos ni Julia ang gamit niya at may sinasabi kay Samantha. Tumawa naman si Samantha at hinalikan siya sa pisnge. 

Naunang lumabas si Samantha na nakatingin sakin. 

"Sana magkaayos na kayo. Pati ako Maui hindi ko alam kung anong problema ni Julia." Alam ko na Samantha alam ko na. Ngumiti nalang ako sakaniya at mabilis na siyang umalis. 

Napatingin ako sa pintuan ng sa wakas ay lumabas na si Julia. Mabilis kung kinuha ang bag na dala niya at pati ang hawak niyang mga libro. 

"Hahatid na kita babe." Nakangiti kung sabi ngumiti siya at mabilis na tumango. 

Habang naglalakad kami patungong parking lot ay hindi kami nag-uusap. Pag tinatanong ko siya tanging tango lang ang sinasagot niya o di kaya'y iling. Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sakaniya nasa unahan siya at ako naman ang nasa likod. 

Alam ko namang umiiwas siya sakin dahil mas pinipili niyang mauna kaysa sabay kaming dalawa. Balak ko nadin sanang kausapin siya ngayon. Lalo na ngayong alam ko na kung bakit siya nagkakaganiyan ng dahil sa sinabi ni Monica. Magsisinungaling nalang siguro ako sakaniya. 

Pagdating namin sa sasakyan ay mabilis ko siyang pinagbuksan ng pinto. Bumuntong hininga lang siya bago pumasok sa loob. 

Ramdam ko ang katahimikan habang nagmamaneho ako. Hindi naman ganito si Julia kahit na nagtatampo siya sakin kinakausap niya ko. Hindi ganito tango at iling lang ang pinapakita niya sakin. Hindi ko alam pero nasasaktan nako sa inaasta ni Julia. Hindi ako sanay gusto ko na siyang yakapin ng mahigpit. Ang dami kung gustong sabihin at ikwento sakaniya pero hindi ko naman magawa. Dahil ayaw niya kung kausapin. 

"Gusto mo bang pumunta ng mall babe? Kain tayo?" Basag ko sa katahimikan. Nakatingin lang sa labas ng kotse si Julia at hindi sumagot. "Babe." Tawag ko sakaniya at narinig kung bumuntong hininga siya at humarap sakin. 

"Maui, i'm tired. Gusto ko ng umuwi." Walang ganang sagot niya. Nalungkot naman ako dahil sa tawag niya sakin. Tumango nalang ako at hindi na nagsalita. 

Pagdating namin sakanila ay hindi na niya hinintay na pagbuksan ko siya dahil mabilis siyang bumaba at kinuha ang bag niya. Dali-dali naman akung bumaba at sinundan siya. 

"Babe." Tawag ko sakaniya at napalingon siya sakin at nagtatanong kung bakit. "Ano ba nangyayare sayo? Tell ano bang ginawa ko nababaliw nako kakaisip kung ano bang nagawa ko at nagkakaganito ka." Kahit na alam kung alam ko na kung bakit siya nagkakaganun kailangan ko padin umarte na para bang hindi ko alam. 

"Bukas nalang tayo mag-usap Maui. Pagod ako." Mabilis siyang tumalikod at dali dali ko naman siyang hinila dahilan para mapaharap ulit siya sakin. Kapag nag oopen ako ng topic tungkol dito sasabihin niya bukas nalang kami mag-usap. Ayoko na hindi ko na kaya kaya mas mabuting mag-usap na kami ngayon. 

"Lets talk wag mokung iwasan Julia please." Nakita kung umiwas siya ng tingin. "Talk to me Julia tell me kung ano bang nagawa ko! Hindi yung hindi moko pinapansin nababaliw nako kakaisip alam mo bayun." Mukhang nagulat ata siya ng magtaas ako ng boses. 

"Bakit moko sinisigawan?" Emotional na tanong niya at mabilis akung napatigil. 

"Babe i'm sorry gusto ko lang maayos natin to. Kung ano mang prob-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita siya. 

"Are you cheating on me?" Mabilis akung napatigil dahil sa tanong niya. Hindi ko akalain na tatanungin niya yon. "Answer me!" Sigaw niya at mabilis na nangilid ang luha niya. 

"B-babe. No." Mabilis kung sagot.

"Liar! Monica told me na nakita ka niya sa bar na may kahalikan kang ibang babae! Maui kung niloloko mo lang ako please maghiwalay nalang tayo." Sumikip ang dibdib ko sa huli niyang sinabi mabilis akung umiling at niyakap siya ng mahigpit. Damn! Hindi ko kayang mawala sakin si Julia. 

"Babe please no. Sinisiraan lang ako ni Monica sayo hindi totoo yun hindi ko kayang gawin na lokohin ka." Fuck! Nagsisisi nako napakadami ko ng kasalanan kay Julia at ayoko ng madagdagan pa. "I love you babe, please don't do this to me. Hindi ko kayang mawala ka." Umiiyak na sambit ko habang nakayakap sakaniya ng mahigpit. 

Mabilis siyang humilay sa pagkakayakap ko sakaniya at umiiyak na tumingin sakin. Parehas na kaming umiiyak ngayon. 

"Sana nga Maui sana hindi moko niloloko dahil hinding hindi kita mapapatawad. Alam mo naman yung pinagdaanan ko diba? Kung paano kami iniwan ni Daddy para sa ibang babae at kung paano  niya niloko si Mommy. Sana wag mong gawin sakin yung ginawa ni Daddy kase hindi ko na kakayanin Maui." Tango lang ang nagiging sagot ko sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil alam kung puro kasinungalin nanaman ang lalabas sa bibig ko. 

Nagsisisi nako ayokong hintayin na mawala sakin si Julia bago ko marealize na ang gago ko. 

Kailangan ko ng makaisip at makausap si Daddy para humingi ng pabor. 

"Umuwi kana bukas nalang tayo mag-usap." Saad ni Julia ng makitang nakayuko lang ako. Napatingin ako sakaniya nagpupunas siya ng luha habang nakatingin sakin. 

"Babe sana bukas maayos na natin to." Saad ko tumango lang siya bago tuluyang pumasok sa loob. Napabuntong hininga ako at dahan dahang napaupo sa gilid ng sasakyan ko.

Hindi ko alam na hahantong kami dito ni Julia. Kasalanan to ni Monica lahat kung sana hindi siya nagsalita hindi kami magkakaganito ni Julia. Kailangan ko siyang takutin para bawiin niya lahat kay Julia ng mga sinabi niya. Dahil baka hindi na kami magkaayos ng tuluyan ni Julia kapag wala akung ginawa. 

Sising sisi nako sa lahat ng kagaguhang ginawa ko. Sana hindi pa huli ang pagsisisi ko. Ayokong mawala sakin si Julia bago ko marealize na ang gago ko. Ayokong iwan niya ko, dahil hindi ko kaya. 

Babe i'm really sorry... 



MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon