Monica's Pov
Nahagip ng mata ko sina Julia at Maui na seryosong nag-uusap sa harap ng classroom ni Julia. Halatang naiirita si Julia habang nakatingin kay Maui.
Kung hindi lang ako tinakot ni Daddy hindi ko babawiin lahat ng sinabi ko kay Julia. Masyado siyang mabait at inosente para lokohin lang ng walang kwentang lalaki.
Hindi nako nag-aksaya pa ng oras at mabilis akung lumapit sakanila. Dahilan para mapatigil sila sa pag-uusap.
Tumingin ako kay Maui na nakangisi ngayon sakin. Fuck him! Tumingin naman ako kay Julia na nakakunot ang noo ngayon. Huminga muna ako ng malalim bago tumingin kay Julia ng seryoso.
I'm sorry Julia kailangan kung bawiin lahat ng sinabi ko para sa Company namin. I'm really sorry.
"Yes Monica?" Nagtatakang tanong ni Julia ng hindi pako nagsasalita. Agad akung ginapangan ng kaba at hindi makapagsalita. "May sasabihin kaba?" Tanong ulit ni Julia sa akin. Huminga ako ng malalim bago dahan-dahang tumango. "Ano yon?" Tanong ni Julia at tinignan ako ng seryoso.
"I-i'm sorry." I'm sorry for being scared! Wala akung magawa Julia patawarin moko...
Halatang nagulat siya sa sinabi ko at kumunot ang noo niya. Tumingin ako kay Maui pero nainis lang ako ng makitang nakangisi lang siya na para bang sinasabi na siya ang panalo! Na wala akung laban sakaniya.
"Sorry? Sorry for what?" Naguguluhang tanong ni Julia at para bang hindi maintindihan ang sinabi ko.
"Nagsinungaling ako sayo, lahat ng sinabi ko about kay Maui lahat yun gawa gawa ko lang para magkasira kayong dalawa." Nilakasan ko na ang loob ko at sinabi ko yun sakaniya. Napanganga naman si Julia at para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
I'm sorry Julia wala akung balak na bawiin lahat ang kaso buhay ko na ang pinag-uusapan dito. Sana may lakas ako ng loob para hindi sundin ang sinabi ni Daddy pero wala Julia wala!
"W-what do you mean?" Utal na tanong ni Julia at parang pinipigilan niya ang galit niya.
"Julia, lahat ng sinabi ko sayo nung pumunta ako sainyo lahat yun kasinungalingan lang. Nagsinungaling ako kase gusto ko kayong masira ni Maui. Hindi totoo na nakita ko siya sa bar, hindi totoo na may kahalikan siyang babae! Walang katotohanan yun Julia pinaniwala lang kita para masira kayong dalawa ni Maui. Kilala mo naman ako diba? Alam mo na malaki ang galit ko sayo pero ikaw tong tanga naniwala ka sa sinab-" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng mabilis akung sampalin ni Julia.
Hinawakan ko ang pisnge ko at dahan-dahang tumingin kay Julia nakita kung galit na galit siya sa mga sinabi ko. Hindi nako nagulat alam kung ito ang mangyayare kaya kagabi palang hinanda ko na ang sarili ko. Napakaduwag kung tao!
"How dare you!" Sigaw ni Julia at napatingin sa amin ang iba niyang kaklase at maraming nagbubulungan habang nakatingin sa amin. Para bang nanonood sila ng pelikula.
"B-babe..." Awat sakaniya ni Maui ng akmang sasampalin ulit ako ni Julia. Tinignan ko lang ng masama si Maui alam niya talaga kung paano ako takutin! Napaka walang hiya niya!
"Nagawa kung hindi kausapin si Maui ng ilang araw dahil sa mga sinabi mo! Na wala naman palang katotohanan! How dare you Monica! Alam mo sana hindi nalang ako naniwala sa mga kasinungalingan mo. Tama nga si Samantha sinungaling ka! Wala kang puso! Bitch ka talaga. Pati pala relasyon noon ni James at Samantha muntik mo ng masira! Sana pala naniwala nalang ako kay Samantha! Napaka bitch mo Monica! Alam mo yun, i hate you!" Mabilis na nangilid ang mga luha ko dahil sa mga sinabi ni Julia.
Wala akung nagawa kaya napayuko nalang ako. She's right bitch nga ako. Sana hindi nalang ako nangielam pero anong magagawa ko? Nag-aalala lang ako para kay Julia.
"Please Julia don't hate me." Naiiyak na sabi ko habang nakayuko, hindi ko kayang tumingin sa galit na galit niyang mukha. Hindi ko kaya.
"Sa susunod hindi nako maniniwala sa mga kasinungalin mo! Sinira mo ang tiwala ko." Sigaw niya at mabilis siyang tumakbo paalis. Napatingin ako kay Maui na nakatingin sakin.
"Masaya kanaba?" Galit na tanong ko sakaniya mabilis siyang tumango at ngumisi sakin.
"Marunong kanaman palang sumunod. Sa susunod na mangielam ka saming dalawa ni Julia hindi lang yan ang mapapala mo! Bitch!" Saad niya bago ako talikuran.
Maui's Pov
Mabilis kung hinabol si Julia. Akala ko hindi babawiin ni Monica lahat ng sinabi niya pero masaya ako ng binawi niya lahat ng sinabi niya. Alam kung pagkatapos nito magkaayos na kami ni Julia.
Nakita ko si Julia na nakaupo sa bench at halatang umiiyak. Mabilis ko siyang nilapitan at pinatahan.
"Babe stop crying." Malambing na saad ko at niyakap ko siya. Dahan dahan siyang umayos ng upo at nakita kung namumula ang ilong at mata niya.
"I'm sorry babe." Umiiyak na sambit niya at niyakap ako ng mahigpit. Napapikit ako sa ginawa ni Julia at niyakap siya ng mahigpit! Damn i miss her so much.
"Babe it's okay kaya ka pala naging ganiyan sakin dahil sa mga kasinungalingan na sinabi sayo ni Monica." Inis na sabi ko at tumingin siya sakin.
"Sana pala hindi nako naniwala sakaniya nagtiwala ako sakaniya kase akala ko totoo lahat ng mga sinabi niya. Yun pala ginawa niya lang yun para sirain tayong dalawa. I'm really sorry babe." Umiiling na sambit ni Julia. Mabilis kung hinawakan ang kamay niya at hinalikan ito.
"Buti nalang inamin niya yung totoo. Hindi naman ako galit babe masaya pa nga ako dahil nagkaayos tayong dalawa. Basta sa susunod wag ka ng maniniwala sa mga kasinungaling sinasabi niya." Mabilis na tumango si Julia sa sinabi ko.
"Hindi mo naman magagawa yun diba?" Napatigil ako sa tanong ni Julia.
"Ang alin babe?" Kinakabahang tanong ko.
"Ang lokohin ako? Hindi mo naman magagawa yun diba? Hindi mo naman ako sasaktan diba? Hindi mo naman gagawin ang ginawa ni Daddy kay Mommy diba?" Tanong ni Julia habang nakatitig sakin.
"Yes babe hinding hindi ko gagawin sayo yun. Mahal na mahal kita at ikaw lang ang babaeng mamahalin ko." Saad ko at mabilis siyang niyakap.
Hinding hindi ko na ulit gagawin yun dahil ayokong mawala sakin si Julia bago ko marealize lahat ng kagaguhan na ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)
FanfictionFuckboy always a fuckboy charot.