Chapter 23

12.4K 186 11
                                    

Jame's Pov

"Whooo! Champion tayo." Sigaw namin at nagyakapan.

Well kami lang pala nila Cj,Mark at ako dahil nakangiting nakatingin lang samin si Maui.

And if you ask kung sino si Mark? Bago namin siyang kaibigan. Alam ko nayang iniisip niyo of coures not, hindi namin pinalitan si John siya padin ang bestfriend namin nadagdagan lang kami ng isa.

It's been a month since nung umalis si John. Naging malungkot kami pero pilit kaming nag-adjust. Nagpakatatag kami lalo na para kay Maui dahil alam naman namin ni Cj na siya ang pinaka malaki ang problema.

"Tangina dude, hindi ako makapaniwala champion talaga tayo! Whoo ang saya dude sigurado matutuwa nanay ko nito." Sunod sunod na sabi ni Cj kaya nagtawanan kaming tatlo. Oa talaga nitong jologs nato diko alam kung bakit yan ang tawag niya kay Tita Veron.

"I'm sure matutuwa si Samantha nito." Kinikilig na sabi ko, agad naman akung binatukan ni Mark kaya tinignan ko siya ng masama. Inggit kase walang lovelife yan, ewan ko ba diyan ang daming babaeng naghahabol sakaniya well mas lalo pang dumami nung dumikit siya samin pero wala daw siyang matipuhan.

"Ang landi mo wala namang forever. Ako sigurado ako matutuwa aso ko nito." Agad kaming natawa dahil sa sinabi niya. Yung aso niya yun daw ang gusto niya daw makasama forever yun din ang tinuturing niyang jowa. Vivi ang name ng aso niya at napakasiraulo pa dahil si Vivi daw ang pakakasalanan niya. Insane right?

"Yucks kawawa walang jowa, akala mo naman maiintindihan ka ng aso mo!" Pang aasar sakaniya ni Cj kaya napailing nalang ako. Ayan nanaman sila nakikita ko si John kay Mark kapag nag-aasaran si Cj at Mark. Si John kase ang laging kaasaran nitong si Cj.

"I'm sure matutuwa si Julia nito." Natahimik kaming tatlo sabay sabay na napatingin kay Maui na titig na titig sa hawak niyang tropie

Month passed madaming nagbago nakita namin ang kagustuhan ni Maui mag-champion gusto niyang ipanalo to para kay Julia. Yes maraming nagbago except ang feelings niya para kay Julia.

I know everynight umiiyak yang lalaking yan. Minsan nga hindi sumasama saming kumain yan at gustong mag-stay sa classroom. That's why pinupuntahan siya palagi ni Trisha para pakainin pero napapahiya lang siya its either tinataboy siya ni Maui o sinisigawan.

Isang buwan palang naman ang nakalipas kaya hindi pa masyadong malaki ang tiyan ni Trisha kaya pumapasok pa siya. Pero sabi ng Mommy ni Trisha pag malaki nadaw ang tiyan niya ay baka mag home school nalang ito.

Hindi naman alam to ni Maui dahil alam naming wala siyang pakielam kay Trisha. Kami din namin galit kay Trisha, pero hindi namin maiwasan na maawa sakaniya kapag tinataboy siya ni Maui.

I know nagmamahal lang siya pero yung minamahal niya kase may mahal ng iba at alam na alam namin kung gaano kamahal at kabaliw si Maui kay Julia. Napakahirap ng pinasok niya lalo na buntis siya at hanggang ngayon hindi yun matanggap ni Maui. Alam ko din na ayaw ng mga magulang ni Maui kay Trisha napilitan lang silang patirahin ito dahil sa magiging apo nila at sa pamilya ni Trisha. Wala namang gusto ang magulang ni Maui para sakaniya kung hindi si Julia lang.

"A-aba oo naman dude proud na proud yun sayo." Basag ko sa katahimikan. Dahil walang balak na magsalita samin.

Alam nadin ni Mark ang lahat kaya nakakaramdam siya ng awa kay Maui kapag binabanggit niya si Julia o di kaya kapag umiiyak ito.

"Sayang hindi niya napanood." Malungkot na sabi niya kaya natahimik kami ulit nagkatinginan kami at nagsenyasan kung sino unang magsasalita. "Matagal niyang pinangarap na makalaro ako sa champion ship at kung gaano niya kagustong panoorin ako. Pero wala siya..." Malungkot na saad ni Maui habang nakatitig sa tropie na hawak hawak niya. Mabilis kung inapakan sa paa si Mark para magsalita.

MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon