Cj's Pov
Paglabas namin ni Mark ay naabutan namin ang sagutan nila John. Pagkaalis ni John at Julia umalis din si Maui kaya nilapitan namin si James at Samantha na tahimik lang na nakatingin kung saan nagtungo si Maui.
"Kasalanan niyo to eh." Nagulat kaming lahat dahil sa sinabi ni James sa amin.
"Teka bat kami?" Naguguluhang tanong ni Mark kay James.
"Oo kasalanan niyo kung hindi niyo sana pinaglalapit yung dalawa hindi gugulo." Galit na sabi samin ni James.
"Dude naman hindi naman namin kasalanan na magkasama silang dalawa. Bakit mo samin sinisisi?" Inis na tanong ko sakaniya. Pinaningkitan niya ko ng mata bago sumagot.
"Akala niyo ba diko alam yang balak niyo na pagbalikin yung dalawa hah?!" This time walang nagsalita saming tatlo. Hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko kung tama bang magsalita pako. "Oh ano bat di kayo makasagot?"
"Wala namang masama dun ah? Tsaka sila naman talaga simula una palang." Saad ko. Nakita kung mas lalong nagalit si James kaya umiwas ako ng tingin.
"Stop being so immatured guys! Ang tatanda nanatin oh, hindi na tayo highschool. Oo gusto ko din magkabalikan sila Maui at Julia pero wala ako sa lugar para dun. Kung ano mang problema nilang tatlo o magiging problema nila labas na tayong lahat dun. Hindi na tayo mga bata tangina naman oh!" Natamaan kami sa sinabi ni James.
Maybe we went too far na nga.
"Imbis na pigilin niyo si Maui sa kagaguhan niyo kinukunsinti niyo pa akala niyo ba may magandang maidudulot yan sa pagkakaibigan nating lahat?" Walang nakasagot saming lahat. "Imbis na naayos tayong lahat mas lalong nagugulo. Dahil sa mga pinaggagagawa niyo at pagkukunsinti kay Maui." Saad niya saamin. Nagtaas ako ng ulo at malungkot na tumingin sakaniya.
"Sorry dude, hindi namin sinasadya hindi namin naisip na mali na yung ginagawa namin. Na maling kunsintihin namin si Maui." Malungkot na sabi ko at yumuko ulit.
"Oo nga dude sorry hindi na namin uulitin." Dagdag naman ni Mark.
Naramdaman kung hinawakan ni James ang balikat ko.
"Ayos nayun, basta mangako kayo saking hindi na kayo mangingielam sa problema nila. Lalo na yung kay Maui naiintindihan niyo ba?" Saad ni James. Nagkatinginan kami ni Mark at sabay na nag-salute sakaniya. Tumawa si James at ginulo ang buhok ko sabay batok. Gago to ah! "Mas maganda guys kung nasa tabi lang tayo nila Maui umaagapay kapag kailangan nila tayo. Alam kung galit kayo kay John dahil sa ginawa niya kay Maui pero isipin niyo din na naging mabuting kaibigan si John satin lalo na sayo si Cj." Sabi ni James sabay tingin sakin napangiti naman ako at dahan dahang tumango.
Totoo yun mabuting kaibigan talaga si John kahit kelan yata hindi niya ko tinratong iba kahit minsan nakakainis nako. Kaya naguguilty ako dahil sa ginawa ko.
"Kahit nakakabwiset yang pagmumukha mo wala kang narinig na masama kay John." Tinignan ko ng masama si James dahil sa sinabi niya. Kanina patong hayop nato eh pasalamat siya nagugilty ako ngayon kung hindi sinapingil ko nato kanina pa.
"Kahit naman hindi ko pa nakakasama si John alam kung mabuti siyang tao. Pasensiya na talaga dude." Sabat naman ni Mark.
"Ayos na ayos na. Bumalik na tayo sa cottage guys." Saad niya at inalalayaan ang girlfriend niyang mukhang chipmunk.
Malapit na kami sa cottage ng matanaw naming nakalabas na ang maleta nila Julia.
"Aalis na kami." Bungad samin ni John. Tahimik lang si Julia sa tabi ni John at hindi tumitingin samin. Mukhang hindi sila ayos dahil ang lungkot ni Julia.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)
FanfictionFuckboy always a fuckboy charot.