Chapter 15

14K 174 3
                                    

Julia's Pov 

"Grabe mamimiss ko talaga to." Malungkot na saad ni Samantha habang nakatitig sa karagatan. Ito na kase ang araw ng alis namin. Kahit gusto pa naming mag extend ng ilan pang araw, eh hindi naman na pwede dahil may pasok na kami bukas. 

"Ako din, pero don't worry babalik naman tayo dito sa summer." Nakangiting sambit ko sa kaniya dahil balak ko talagang bumalik kami dito sa resort nila Cj dahil napaka gaganda ng mga tanawin nila at nakakatanggal ng stress. 

"Sabagay dito nga pala tayo magsu-summer. Tara na sunod na tayo sakanila sa baba." Yaya ni Samantha na agad ko namang sinang-ayunan. Kinuha namin ang gamit namin at pupunta na kami sa van na nasa labas. 

Nababa nadin nila Maui ang lahat ng gamit namin na dinala, inaayos na nila ito at kami nalang ang hinihintay ni Samantha. 

"Wala naba tayong naiwan bes?" Tanong ko habang tinitignan ang loob ng kwarto namin. 

"Wala na bes." Sagot niya mabilis akung tumango at agad na kaming bumaba. Napabuntong hininga nalang ako ng makita ko ang karagatan. 

Maski ako mamimiss ko ang Dingalan, isang linggo din kami namalagi dito at marami kaming ginawa at pinuntahan dito. Nagpunta din kami sa iba't ibang isla, at isa lang ang masasabi ko napakaganda ng resort nila Cj. Nakakalungkot lang dahil kailangan na muna naming magpaalam. 

Bago namin mapuntahan ang van na nasa labas ay nadaanan namin ni Samantha ang mga rebulto ng iba't ibang cartoons na agad naming napagkasunduan na bago umalis ay magpicture kami dun lahat.  

Naabutan namin silang inaayos ang mga gamit sa loob. Pinasok na namin ang bag namin ni Samantha sa loob at inaya silang magpicture dun sa mga rebulto na nadaanan namin ni Samantha. 

"Uy si Cj kakambal mo oh! Si Hello kitty." Pang-aasar ni Maui kay Cj na katabi si Hello kitty sumingkit naman ang mata ni Cj at sinamaan ng tingin si Maui na nasa tabi ko na tawa lang ng tawa. 

"Masyadong maganda si Hello kitty para maging kakambal ni Cj, siguro mas maganda kung si Spongebob." Lahat kami nagtawanan sa sinabi ni Samantha maliban kay Cj na masama ang mukha. 

"Ito naman binibiro kalang eh." Tawang sabi ni John at inakbayan si Cj na nakanguso na. 

Lahat kami ay naghiwa-hiwalay muna bago kami magpicture ng magkakasama. Kasama ko si Maui at magkasama naman si James at Samantha at si John at Cj naman ang magkasama. 

Una naming pinuntahan ay si Hello kitty, pinicturan ako ni Maui habang ako naman ay nakayakap kay Hello kitty. 

"Ganda talaga ng girlfriend ko." Ngising sabi ni Maui habang nakawaka sa bewang ko. Napangiti nalang ako at mabilis na umiling. "Tapos ang gwapo ko pa, see bagay na bagay tayo babe." Malambing na saad niya at tumitig sakin dahilan para mamula ako. 

"Tara na nga ikaw talaga." Saad ko na nangingiti. 

Pagkatapos namin magpicture sa mga gusto naming cartoons ay agad kaming nagpakuha ng litrato na magkakasama ulit. 

"Kailangan na natin magpaalam." Tawang sabi ni James pero halatang nalulungkot din siya. 

"Pupunta naman tayo dito sa summer eh, kaya hindi dapat mag-paalam." Saad naman ni Maui na ikinatango namin. 

Sa isang linggo pamamalagi din namin dito ay nasanay na kami sa weather. Pag summer naman daw hindi naman daw ganun ang weather. 

Bumalik na kaming lahat sa sasakyan at malungkot na kinawayan nila ang resort. 

MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon