John's Pov
"Seryoso kaba sa plano mo John?" Tanong sakin ni Monica. Tumango ako at hindi padin mawala wala ang gulat at pagkalito sa mukha niya. "Pero John hindi biro yang plano mo." Nag-aalalang sabi nito sakin. Napabuntong hininga at binaba ang hawak kung ballpen.
"Monica gusto ko lang malaman kung sino naba talaga handa niyang piliin saaming dalawa ni Maui." Saad ko.
"Kaya magpopropose ka ganun? Akala mo ba ganun lang kadali yun John?" Sambit nito saakin.
"Oo Monica. Natatakot din ako dahil alam kung pwede siyang tumanggi." Malungkot na sabi ko.
"Pano kung tumanggi nga siya? Kilala mo si Julia marami pang gustong maabot yun. Sa tingin mo papayag siya sa gusto mo?" Sunod sunod na tanong niya saakin.
"Kung tumanggi siya dun ko makukuha yung sagot Monica. Na hindi niya kaya dahil alam niyang iba yung gusto niyang makasama. Naiintindihan mo ba?"
"Kung tumanggi man siya at si Maui nga ang mahal niya. Susukuan mo na siya?" Malungkot na tanong niya saakin.
Napabuntong hininga ako bago sumagot.
"Oo Monica. I'll set her free. Wala naman akung magagawa kung si Maui talaga mahal siguro tatanggapin ko nalang kahit alam kung pang-habang buhay yung sakit." Mapait na sabi ko.
Desidido nako sa plano ko. Anniversary namin ni Julia bukas at balak ko siyang i-surprise kasama nadin yung about sa proposal. Alam kung malaki ang tsansang tumanggi siya pero gusto ko padin subukan. Gusto kung malaman kung ako naba talaga o si Maui padin ba.
At kung makuha ko man ang sagot niya rerespetuhin ko yun. Mahal ko siya pero wala akung magagawa kung hindi ako ang mahal niya at gustong makasama habang-buhay.
"Sige hindi na kita pipigilan. Susuportahan nalang kita diyan sa gusto mo." Napangiti ako sa sinabi ni Monica.
"Thank you Monica, kasi lagi kang nandiyan samin ni Julia." Ngiting sabi ko pero umirap lang siya.
"Eww. Kaya ko lang ginagawa yun kase gusto kung mapunta si Julia sayo. Malaki ang tiwala ko sayo John. Kung ako naman din ang papipiliin mas pipiliin naman kita. Dahil alam kung hindi mo gagawin yung ginawa ni Maui kay Julia. At kung ako naman si Julia hindi ko naman babalikan yung gagong yun, niloko na nga ako babalikan ko pa." Inis na sabi niya.
"Dami mong sinabi pero salamat padin." Saad ko.
"Oo na. Oo na mauuna nako at baka hinihintay nako ni Julia sa mall alam mo naman may lakad kami." Saad nito at kinuha ang bag niya sa lamesa.
"Sino ba mga kasama niyo? Sama na kaya ako sainyo."
"Wag kang oa. Nandun naman ako kung dumating man dun ang bwisit na ex ako ng bahala." Matapang na sabi niya.
"Sige salamat talaga." Tumango nalang siya at nagpaalam bago tuluyang lumabas ng office ko.
Napabuntong hininga ako at napadukdok sa desk ko.
Sa totoo lang kinakabahan ako sa gagawin ko. Hindi ko alam kung ano bang isasagot ni Julia sakin. Kung kaya ko naba talaga siyang makitang hawak ng iba ulit. Kaya ko bang dalhin yung sakit nato panghabang buhay. Naguguluhan nako at the same time natatakot nadin. Natatakot sa magiging sagot sakin ni Julia.
Pero kagaya nga ng sabi ko kanina rerespetuhin ko yun. Kung si Maui padin talaga tatanggapin ko kahit alam kung masakit basta makita ko lang siyang maging masaya tatanggapin ko yung sakit.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)
FanfictionFuckboy always a fuckboy charot.