Chapter 17

11.6K 193 0
                                    

Julia's Pov 

"Maam nandito napo tayo." Napatingin ako kay mang Henry ng magsalita ito. Ngumiti ako at mabilis na kinuha ang paper bag na dala ko para kay Maui.

"Sige manong Henry dadalhin ko lang to kay Maui mabilis lang po ako." Saad ko at mabilis na lumabas ng sasakyan. 

Agad naman akung pinapasok ng guard nila at agad ng pumasok sa bahay nila. Naabutan ko namang nagwawalis si manang Linda. 

"Good morning manang." Ng tumingin siya sakin ay para siyang nakakita ng multo. Napatawa nalang ako sa mukha niya halatang hindi niya inaasahan na dadating ako. 

Napatigil siya sa ginagawa niya at dali-daling lumapit sakin.

"Julia iha anong ginagawa mo dito?" Taranta niyang tanong sakin at hinawakan ang braso ko. Mabilis namang kumunot ang noo ko pero ngumiti padin ako.  

"Pinagluto ko lang ng carbonara si Maui nag request kase siya kahapon kaya ako nandito manang." Natatawang saad ko kay manang, napansin ko namang para siyang hindi mapakali. 

Palinga-linga siya kung saan-saan. 

"Anak siguro umuwi kanalang." Nagulat naman ako sa sinabi ni manang sakin. 

"Manang bakit naman po?" Takang tanong ko. 

"Tulog pa kase si Maui iha." Saad niya na para bang may tinatago dahil tumitingin siya sa taas. 

"Its okay manang ako nalang gigising sakaniya sanay naman siyang ginagawa ko yun." Nakangiting saad ko at akmang aakyat na ng hinahin ni manang ang kamay ko. 

"Iha mabuti pang umuwi kanalang sige na umuwi kana." Pangungulit sakin ni manang. 

"Manang ano ho bang nangyayare? Hindi ko po kayo maintindihan?" Naguguluhang tanong ko. 

"Iha makinig kanalang sakin pakiusap." Halatang hindi na alam ni manang ang gagawin niya. 

"Manang may tinatago kaba sakin?" Inis na tanong ko dahil sa inaasta niya, ayaw niya talaga akung paakyatin sa taas. 

"I-iha wala." Iling na sabi ni manang. 

"Yun naman po pala eh, bakit ayaw niyo po akung paakyatin?" Naguguluhang tanong ko padin.

"Bakas kase iha..."Pagsasalita nito habang nakatingin sakin. "Hindi mo lang makayanan ang makikita mo.."  

Dahil sa sinabi ni manang ay biglang kumalabog ang dibdib ko sa kaba. Mabilis kong hinala ang kamay ko na hawak hawak niya at umakyat sa taas. 

Naririnig ko pang tinatawag niya ko pero hindi ko na siya nilingon pa. Bawat hakbang ko patungong kwarto ni Maui ay nanginginig ang buong katawan ko. 

Wala akung alam kung ano ang makikita ko pero parang alam ko na.. 

Wag naman sana please

"Julia, wala yun okay siguro sinabi lang yun ni manang dahil may surprise sayo si Maui." Pagpapakalma ko sa sarili ko habang mahigpit na hawak hawak ang carbonara na request niya. 

Ng makarating ako sa harap ng kwarto niya ay nag umpisa ng mangilid ang luha ko. 

Sana mali ang iniisip ko sana... Dahan dahan kung binuksan ang pinto ng kwarto ni Maui at parang tumigil ang mundo ko dahil sa nakikita ko, mabilis na bumagsak ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan napatakip ako ng bibig ko dahil sa nakikita ko. Parehas silang walang saplot ng babaeng kayakap niya. 

MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon