Julia's Pov
Hindi ko makalimutan ang nangyare samin ni Maui kagabi. Hindi ko alam kung alam ba niya ang nangyare o hindi. Hindi ko din sigurado ang gagawin niya kung maalala niya yon.
"Love bagay sayo tong gown nato."
Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip dahil don. Ayokong lokohin si John pero nagawa ko na.
"Which one do you like?"
Tahimik na kaming lahat pero ginulo ko pa.
Napabuntong hininga nalang ako.
"Julia!" Nagising naman ako sa realidad ng marinig ko ang sigaw ni John.
"Yes, love?" Wala sa sariling tanong ko.
"What happened to you? Kanina kapa ganiyan." Saad nito at halatang inis na.
"Sorry love may iniisip lang ako." Pagpapalusot ko.
"What is it?" Halata padin ang inis dito.
"Wala lang yon love." Pilit na ngiting sabi ko.
"Kailangan na natin ng petsa para sa kasal natin." Ngiting sabi niya. "Anong date gusto mo love?"
"John pwede bang wag muna nating madiliin ang pagpapakasal." Nawala ang ngiti niya dahil sa sinabi ko. "Alam mo namang madami pakong gustong gawin tsaka masyado pa tayong bata." Saad ko habang nakatingin sa pagkain na nasa harap namin.
Niyaya ko kasi siyang kumain muna kami saglit sa labas para mawala si Maui sa isip ko pero kahit anong gawin ko si Maui lang naiisip ko.
"Dika handa? Bakit ka um-oo sa proposal ko?" Malungkot na tanong nito sakin.
"John alam mo namang ayokong masayang yung effort mo that night kaya ako nag yes pero sana naman wag mokong madaliin dito. Hindi naman ganon kadali lang magpakasal." Mahabang sabi ko. Padabog niyang binaba ang fork na hawak niya at alam kung galit na siya.
"So kaya kalang pala um-oo dahil ayaw mokung mapahiya! What the hell Julia mahal mo pako? Pano mo nakakayanang sabihin sakin yan. Oh baka naman may iba kapang mahal kaya ayaw mo pakong pakasalan. Ano nag dadalawang isip kapa?" Napabuntong hininga nalang ako.
Hindi naman kasi ganito si John hindi ko alam bakit niya ko pinipilit na ikasal sakaniya. Nagbabago talaga siya kapag ito na ang pinag uusapan.
"Hindi ako nagdadalawang isip John. Hindi kita maintindihan bakit ba nagmamadali ka." Mahinang sabi ko dahil napapatingin na samin ang ibang customer.
"Ayoko lang maagaw kapa sakin ni Maui." Saad niya at umiwas ng tingin.
"Lumabas din ang totoo. John sayo nako alam mo yan ano pabang kinakatakot mo? Alam mo wala ng patutungunan tong pag-uusap natin. Mauuna nako." Walang ganang sabi ko at tumayo sa table.
Hindi ko na pinansin ang pagtawag niya sakin at agad na pumara ng taxi para umuwi.
Agad akong nagbayad sa taxi at mabilis na bumaba.
"Manang." Sigaw ko pagkapasok ko ng bahay. Pero napasapo din ako sa noo ng maalalang sunday ngayon at day off nila.
Paakyat na sana ako sa taas ng makarinig ako ng tunog mula sa kitchen. Agad agad akong pumunta dun para tignan kung sino yon.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Maui na nagluluto.
"Maui what are you doing here? Pano ka nakapasok?" Sunod sunod na tanong ko sakaniya. Napatigil siya sa ginagawa niya at nakangiting sinagot ako.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)
FanfictionFuckboy always a fuckboy charot.