Chapter 38

9.2K 143 24
                                    

James's Pov

"Dude totoo bayang sinasabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong sakin ni Cj.  

"Oo dude sinabi sakin ni John kanina." Saad ko at umupo sa sofa sa tapat niya. 

"Magpopropose talaga siya kay Julia? Nahihibang ba siya?" 

"Anong masama sa gagawin niya? Sila naman ni Julia ah." 

"Kahit na dude. Hindi ba masyadong maaga para dun." Umiiling na sabi niya. 

"Hayaan mo na si John. Labas na tayo kung ano mang magiging resulta ng plano niya mamaya." 

"Pano si Maui?" Malungkot na tanong niya. 

"Labas na si Maui dun Cj matagal na silang hiwalay ni Julia at wala na siyang karapatan." Sambit ko. 

"Pero dude naman. Kawawa naman yung tao." 

"Ipapaalam ko sakaniya. Ano okay kana? Kahit naman malaman niya hindi niya mapipiglan si John eh. Pagbigyan naman natin si John masyado ng naging selfish si Maui alam nating lahat yan. Hayaan nating maging masaya si John kung siya ang pipiliin o hindi ni Julia." Mahabang saad ko. 

Napabuntong hininga siya at tumango nalang. 

Nandito kaming lahat sa bahay nila Maui dahil simula ng nagkasagutan sila ni John ay wala siyang ibang ginawa kundi magkulong lang sa kwarto niya. Hindi ko alam kung ano ba balak niya sa buhay niya. 

Naawa ako sakaniya pero hindi ko siya dapat kunsintihin. Gusto kung malaman niya na dapat matuto siyang tumanggap ng pagkabigo. Na hindi lahat ng gusto natin makukuha natin. Gusto kung ipamulat kay Maui yun. 

Pero hindi ko yun magagawa kung sarado isip niya kung matigas ang ulo niya. Ayokong sa huli masaktan lang siya pag pinilit niya pa kung ano yung gusto niya. 

"Wala ayaw talaga niyang bumaba. Hindi din ako kinausap o nagsalita manlang." Saad ni Mark habang pababa dahil pinuntahan niya si Maui para kausapin. 

"As in wala talagang sinabi sayo?" Tanong ko. Bumuntong hininga siya at tumabi sakin. 

"Wala. Gising siya kinakausap ko pero hindi nagsasalita. Tangina nag-aalala nako eh, baka ano na nangyare kay Maui." Malungkot na sabi ni Mark. 

"Baka naman nabaliw na." Saad ni Cj

"Gago. Ako kakausap." Sabi ko at tumayo. 

"Magsasayang kalang ng laway dude. Hindi ka kakausapin nun." Sabi saakin ni Mark at muling uminom ng tubig. Napatango naman si Cj. 

"Oo nga dude. Hayaan muna natin yung tao." Dagdag ni Cj. 

"Hayaan? Hayaan nating mabaliw ganun?" Inis na tanong ko at hindi na sila pinansin agad akung umakyat sa taas para magtungo sa kwarto ni Maui. 

Mas maganda siguro kung malaman niya yung plano ni John. Baka pag nalaman niya tumigil na siya. Gusto ko lang namang sumaya si Maui maayos na kaming lahat, hindi ko alam pero parang wala ng katapusan tong problema namin sa barkada. Hindi ko alam kung mababalik paba yung dati.  

Yung masaya lang kami. Naglilibot kung saan saan, walang problem, walang away. Gusto kung bumalik kami sa dati pero hindi ko alam kung mababalik paba. Lalo na sirang sira na. 

"Maui." Tawag ko sakaniya pagpasok ko sa kwarto niya. Napabuntong hininga ako ng makita kung gaano kagulo ang kwarto niya. Nagkalat ang mga gamit niya pati mga bote ng alak nagkalat. Gusto kung pigilan pero hindi ko kaya alam kung di siya makikinig sakin kahit sa pamilya niya tanging si Julia lang naman ang pinapakinggan niya.  

MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon