Cj's Pov
Nandito kaming lahat sa bahay nila Julia kase walalang makikilamon lang kami at makikiepal sakanila per syempre joke lang kasama nadin yon pero nandito din kami dahil kay Maui syempre sinamahan namin para makapag lambingan silang dalawa.
Kanina pa nga ako naiirita sakanilang dalawa, nandito kaming lahat sa sala nila Julia nakaupo silang dslawa sa sofa sa harap ko habang ang iba nanonood ng horror. Ang landi kase nila hindi mapaghiwalay anyway hindi ko naman sila masisisi patago nalang kase nilang nagagawa yan dahil meron ng John si Julia.
I know may magcocomment nanaman sainyo kung bakit namin sila hinahayaan maski ako hindi ko din alam pero nung nalaman ko dahilan naintindihan ko naman sila lalo na si Julia. Hindi ko siya masisisi kung sumabog na ang puso niya ay oa nararamdaman lang lalo na di naman pala niya talaga mahal si John napilitin lang siya dahil may sakit si John.
Syempre naawa din ako kay Maui dahil hindi naman dapat niya to pinagdadaanan pero ito wala siyang magawa sa sobrang pagmamahal niya kay Julia pumayag siya sa ganitong set-up wala e, patay na patay kay Julia.
At kung tatanungin niyo kung naawa ako kay John syempre oo maski ako hindi ko alam na may malalang sakit pala siya pero hindi ko napapansin kahit madalas kaming magkasama, Naaawa din ako sakaniya lalo na pag nalaman niya to yung relasyon nila Julia at Maui.
Kahit naman pigilan namin sila wala kaming karapatan don nagmamahalan sila at wala kaming karapatan tanggalin sakanila yon.
Wow Cj ikaw ba talaga yan grabe.
"Hoy!" Nagising ako sa realidad ng makaramdam ako ng batok kay Samantha. Tinignan ko siya ng masama pero dinilaan niya lang ako.
"Ano bang problema mong panget ka?" Irita kong tanong sakaniya bigla nalang kase mambabatok ng ganon.
"Kanina kapa namin kinakausap lutang ka boy?" Sarcastic na tanong niya at napatingin sakanila. Tapos na ang pinapanood nila at natatawa naman sila Mark sakin kanina pa ata ako lutang.
"Baka iniisip forevs niya." Pang aalaska pa ni Maui at niyakap ulit si Julia, at naglambingan nanaman po sila.
"Magtigil nga kayo dude." Sita ko kila Maui at Julia. "Ang sakit niyo sa mata." At inirapan sila pero tinawaan lang nila ako.
"Inggit kalang kase walang nagmamahal sayo." Tawang sabi ni Samantha at nag-apir pa nga sila ni Mark. Hindi ko nalang sila pinansin at mukhang makakapatay ako ng babae pag pinatulan ko pa yung bakulaw na babaeng yan diko nga alam kung bat nagtitiis si James diyan. Mabait naman sa iba pero pag sakin lagi akong inaasar aba malufet.
Pagtapos akong asarin ni Samantha ay nagkwentuhan ulit kaming lahat, tawanan lang kami ng tawanan dahil nagsimula nanaman magpatawa sino paba? Edi ako ako lang naman joker samin.
"Alam niyo guys naisip ko mag beach kaya tayo?" Pag-suggest ni Samantha pero dahil nasa mood ako inasar ko siya.
"Ah, BITCH." Pang-aasar ko sa sinabi niya naningkit ang mata niya at sabay hagis sakin ng chips na hawak niya nasalo ko naman yon agad at sinimulang kainin yon. "Pikon." Dagdag ko pero hindi na niya ko pinansin, tignan mo tong bakulaw nato pikon agad.
"Magandang suggestion kase wala pa naman si John hanggang friday diba?" Tanong ni Mark kay Julia. Napatango naman si Julia at napansin ko ang pagsimangot ni Maui malamang malungkot yan dahil babalik nanaman ang tunay.
"Sabado ngayon so kung aalis tayo bukas at babalik tayo ng thursday sulit." Napasang ayon naman kami sa sinabi ni Samantha.
"Sulit talaga kase sa friday pa uwi nila Kuya Mat diba?" Pagtanong ko naman sakanila napatango ulit si Julia kaya napapapalakpak si Samantha. Sumama naman ang tingin ko sakaniya ingay kase.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)
FanfictionFuckboy always a fuckboy charot.