Chapter 12

15.9K 195 13
                                    

Maui's Pov 

"Sabihin niyo lang kung naliligaw na tayo ah." Inis na saad ni Samantha at padabog na pinatay ang stereo. 

"Calm down mahal sasabihin naman ni Cj kung naliligaw tayo eh." Pagpapakalma sakaniya ni James. Napatingin ako sa labas ng van at nakita kung puro talahiban nalang ang nadadaanan namin. Nasa pinaka taas na ata kami? Maski bahay wala na kaming makita. 

"Anong oras naba?" Tanong ko sakanila. Habang nakatingin sa labas. 

"6:50am." Sagot ni James napatango nalang ako at napatingin kay Julia na tahimik lang habang hawak hawak ang phone niya. Magsasalita na sana ako ng makitang bumulong sakaniya si John at napatingin sakaniya si Julia dahilan para mapalapit ang mukha nila sa isa't isa. 

Nagkatinginan lang sila at sabay na natawa. Napakunot naman ang noo ko at natameme ako sa nakita ko ganun ba sila ka-close? 

"Cj ano ba naliligaw naba tayo?" Napatingin ako sa harapan kung nasaan si Samantha na masama na ang mukha. "Sabihin mo lang kung naliligaw na tayo para hindi ako ma-surprise noh!" Mataray na saad pa nito at tumingin kay Cj na nasa likod. 

"Hindi tayo naliligaw nasa taas kase tayo ng bundok. Maya-maya lang may makikita ka ng mga bahay maghintay ka kase. Hindi yung gigil na gigil ka diyan." Mataray na sagot sakaniya ni Cj. 

"Duh? Kanina pa tayo umaandar parang wala ng katapusan." Napailing nalang ako minsan talaga mahilig magreklamo si Samantha. 

"Duh! Nakita mo bang may kaliwa't kanan na dadaanan kanina? Wala diba diretso lang manahimik kana nga hahalikan na talaga kita diyan eh!" Sigaw ni Cj na halatang naasar na. "Oh! Kaya gusto mo bumaba kana." Masungit na sabi ni Cj. 

"Tama na nga wag na kayong mag-away para kayong mga bata." Masungit na sabi ni John at muling nakipag-usap kay Julia na natatawa lang. Napabuntong hininga ako at hindi ko na napigilan ang sarili ko at nakisali ako sa pinag-uusapan nila. 

"Anong pinag-uusapan niyo?" Sabay silang napatingin sakin. Natahimik si John at ngumiti naman sakin si Julia. 

"Wala babe nagkukwento lang si Ken about sa life niya." Napakagat labi naman ako sa sinabi ni Julia. Sa tagal naming magkakaibigan kahit kailan hindi pa siya nagkwento about sa buhay niya dahil daw private. Pero nung kay Julia walalang? Hindi private ganon? Damn! 

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang nakatingin kay John na tahimik lang na nakatingin sa labas. 

"Ken ang tahimik mo naman. Nagee-mote ka nanaman diyan." Tawang sabi ni Julia at pinalo si John na napangiti at tumingin kay Julia na tumatawa. 

"Iniisip ko kase yung aso ko." Tawang saad ni John at nagtawanan silang dalawa. Close nga talaga sila! 

Tumahimik nalang ako dahil pakiramdam ko ayaw nila akung makasama sa pinag-uusapan nila. Nakakagago lang dahil kanina pako hindi kinakausap ni Julia dahil sakaniya. Na kay John lang ang atensyon ni Julia nakakagago! 

"Alam niyo bes bagay kayo ni John." Napatingin ako kay Samantha dahil sa sinabi niya. 

"Oo nga! Kayo nalang kaya ang cute niyo kanina pa kayo nagtatawanan diyan." Dagdag pa ni Cj na pinicturan pa sila John at Julia. Nakita kung namula si John at umiwas ng tingin at si Julia ay nakangiti lang. 

"Uy wag kayong ganiyan nagseselos si Maui." Tawang sabi ni James at tinignan ko siya ng masama. 

"Kanina payan nakatingin sainyo. Lagot kayo!" Dagdag ni Cj at nagtawanan sila. Puta anong nakakatawa don? 

MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon