Chapter 35

8.7K 141 5
                                    

John's Pov

Napatingin ako sa phone ko ng bigla itong nag-ring. Halos patakbo ko itong kinuha para tignan kung sino ang tumatawag. Nagbabakasalaking si Julia na pero nabigo ako. 

Napabuntong hininga ako at agad binato sa sofa ang phone ko. Binalik ko ang atensyon ko sa mga papeles na nasa harapan ko. 

Simula nung nag-away kami ni Julia hindi na muna ako nagpaparamdaman sakaniya. Tawag siya ng tawag sakin pero hindi ko sinasagot. Pag pumupunta siya dito sa Company pinapasabi ko na busy ako o di kaya'y may meeting. 

Pero ngayon ni isang tawag mula sakaniya wala akung matanggap kaninang umaga pa. 

Nag-aalala nako. Pakiramdam ko nasasaktan ko na siya dahil dito sa pag-iwas ko.

Napahilamos ako ng mukha at padabog na binagsak ang ballpen na hawak ko dahil hindi ako makapag concentrate sa ginagawa ko. Si Julia lang ang pumapasok sa isip ko. 

"Bakit ba kase di siya tumatawag. Sasagutin ko naman na kasi eh!" Inis na sabi ko at napadukdok sa desk ko. 

Nagulat ako ng makarinig ako ng katok. Inayos ko ang upo ko bago nagsalita. 

"Pasok." Sabi ko sabay bukas ng pintuan at niluwa dun ang secretary ko. "Why?" Agad kung tanong sakaniya. 

"Sir may naghahanap po sainyo." Biglang nagningning ang mga mata ko. 

"Si Julia ba?" Hindi ko maitago ang saya ko. Natawa naman ito. 

"Akala ko po ayaw niyo siya makita Sir." Pang-aasar niya sakin kaya umiwas ako ng tingin. 

Nilalabas ko naman si Julia pag pumupunta siya dito sa company yun nga lang patago. 

"So si Julia nga ba yung naghahanap sakin?" Kunyareng walang paking sabi ko. At narinig ko nanaman ang tawa nito. 

"Hindi po si Julia." Agad naman akung nadismaya dahil dun. 

"Wag mong papasukin. Sabihin mo busy ako ayoko ng istorbo." Agad kung sabi at binalik ang atensyon sa kaninang ginagawa ko. 

"Istorbo ako sayo! Gagong to." Napatingin ako sa pintuan at nakita ko si Monica na ang taray ng tingin sakin. 

Agad agad itong umupo sa sofa at agad din namang umalis ang secretary ko. 

"What are you doing here?" Tanong ko. 

"Kakamustahin kalang. At itatanong lang sana kung hanggang kailan ka magpapabebe kay Julia?" Mataray niyang tanong.

"Hindi ako nagpapabebe." Sagot ko habang ang atensyon ay nasa mga papel na nasa harapan ko. 

"Eh anong tawag mo diyan sa ginagawa mo?! Oo nga pala si Julia..." Agad akung napatigil sa ginagawa ko at tumingin sakaniya. Hinihintay ang sasabihin niya. "Ay wag na pala wala ka nga palang pake." Pang-aasar niya. Napailing ako at hindi na nagsalita. "Bahala ka mamaya kakaiwas mo diyan kay Julia may isang umaaligid tapos biglang mawala nalang si Julia sayo kase tanga ka." 

"Monica!"

"Oh bakit? Alam mo John tigilan mo yang pag-iinarte mo. Tsaka birthday ng Mommy ni Julia hinahanap ka. Hindi kaba pupunta? Gusto mo pati mother-inlaw mo magtampo sayo? Dahil sa kaartehan mo." Mahabang sabi ni Monica. 

Napabuntong hininga ako bago tumingin sa box na nasa gilid ng table ko. Balak ko naman talaga pumunta kaso hindi ko alam kung pano ako haharap kay Julia. 

"Nahihiya ka noh?" Napatingin ako kay Monica dahil dun. "Wag ka ng pabebe diyan. Sasaya lalo si Julia pag nakita ka niyang pupunta at kung magkaka-ayos na kayo." 

MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon