Chapter 11

15.6K 211 3
                                    

Maui's Pov 

Napakasaya ko dahil bumalik na kami sa dati ni Julia iniwasan ko nadin sumama kila James sa bar dahil gusto ko ng tuluyang magbago para kay Julia. 

"Tara na mga dude lagay na natin yung mga gamit na dadalhin." Nagising ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Cj mabilis akung tumayo at dinala ang mga gamit ni Julia pati nadin ang mga gamit ko. 

Napag-isipan namin na mag vacation since hindi natuloy ang fieldtrip namin sa Tagaytag naisip ni Cj na dalhin kami sa Resort nila sa Dingalan. 

Dito na kami nagsleep-over nila Cj,James,Samantha at ako maliban lang sa kay John dahil nag-inarte ang gago. Kaya dadaan pa namin siya bago kami dumiretso sa Resort. 

4am ang napag-usapan namin kaya 3am palang gumayak na kami. 

"Sino pa dadaan natin?" Sabay sabay kaming napatingin sa katangahang tanong ni Cj. 

"Gago dude! Bakit may iba kapabang isasama? Nakalimutan mo na si John? Gago sumbong kita!" Sigaw ni James sakaniya kaya nagtawanan kami. 

"Ano ba guys! Tumigil nga kayo baka may magising dahil sa mga bunganga niyong nakalunok ng microphone!" Maarteng saad ni Samantha na nasa front seat dahil si James ang magd-drive malamang tabi sila. 

"Sabihan mo nga yang jowa mo! Halatang may pagnanasa sakin." Natawa sila Julia sa sinabi ni Cj at nakita ko namang natatawa lang si James at para bang nandidiri pa ang loko. 

"Kadiri ka Cj." Sigaw ni Samantha na natatawa. 

"Babe ako na diyan." Sabi ko kay Julia ng makitang nagbubuhat siya ng mga gamit. 

"No wala naman akung ginagawa eh. Tsaka para mas mapabilis." Nakangiting saad ni Julia. Kahit kailan talaga nakakainlove siya lalo na yung ngiti niyang parang anghel. 

"Babe maupo kanalang dun sa loob alam mo namang ayokong napapagod ka diba?" Nakangiting saad ko at nakita kung namula siya at pabiro akung pinalo sa braso dahilan para mas lalo akung mapangiti. 

"Napaka landi mo Maui! Dalian mo nalang diyan." Napailing nalang ako sa sinabi ni Cj kahit kailan talaga panira siya eh. Nakita kung mabilis na pumasok sa loob ng van si Julia at naiwan kami dito sa labas ni James teka nasaan si Cj?

"Nasan si Cj?" Tanong ko habang naglalagay ng mga basket sa likod ng van. Natawa si James sa tanong ko at tinuro ang van. 

"Nakaupo na ang gago. Feeling niya talaga laki ng tinulong niya eh." Sumilip ako sa loob at nakita ko si Cj na nakaupo sa pinaka-dulo at naka headset at hawak hawak ang favorite niyang tablet halatang ngumunguya pa ito ng bubble gum at naka handa na ang unan at kumot niya. The fuck? 

Napailing nalang ako at tinulungan nalang si James. 

Mabilis kaming pumasok sa loob ng matapos na kami. Tumabi ako kay Julia at si James naman sa harapan. Nasa tabi ako ng bintana at nasa tabi naman ng Sliding door. 

"Tara na? Wala nabang nakalimutan?" Tanong ni James at inistart na ang sasakyan. Mabilis kung inakbayan si Julia at pinatay na namin ang ilaw sa loob ng van. 

"Dude may nakalimutan ako." Sabay sabay kaming napatingin kung nasaan si Cj na halatang hindi mapakali. 

"Anong nakalimutan mo?" Bored na tanong ni James sakaniya. 

"Nakalimutan ko yung bikini ko." Mabilis namin siyang minura ni James at natatawa naman sila Julia. 

"Bakla talaga." Pang-aasar ni Samantha at binuksan ang stereo ng van. 

MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon