Chapter 36

9.3K 152 28
                                    

Jame's Pov

"Oh bakit yata gulat na gulat kayong lahat?" Natatawang tanong samin ni John. 

"Anong kagaguhan yang pinagsasabi mo. Ako ang nang-agaw? Gago kaba?" Tawang tanong ni Maui sakaniya. "Eh gago pala to eh." Sigaw niya kay John.

"Oo Maui ikaw. Gusto niyo bang marinig yung kwento ko?" Seryosong tanong niya samin. Nakatinginan lang kaming lahat at bakas padin samin ang gulat.

Napatingin ako kay Julia na tahimik lang na umiiyak sa tabi ni John. 

"Gusto ko na si Julia dati pa." Saad ni John. Seryoso lang kaming nakikinig sa sinasabi niya. "Bago mo siya makilala Maui. Kilala ko na siya." Mas lalo akung nagulat sa sinabi niya. "Naalala niyo nung mga bata tayo. Lagi kung kinukwento sainyo yung babaeng gustong gusto ko." 

Biglang nag-flashback sakin yung memories na sinasabi ni John. Yung mga panahon na wala siyang tigil kaka-kwento sa kaklase niya daw na sobrang ganda. Na inlove daw siya at balak niyang ligawan. Wala pa kami sa high school nung mga panahon nayun. 

"Si Julia yun Maui." Saad ni John. "Si Julia yung sinasabi ko sayo. Na sinabi mo pang tutulungan mokong manligaw sakaniya pero sa huli ikaw ang nanligaw." Napayuko ako sa sinabi ni James. Bakit ngayon niya lang to sinabi samin? "Nagulat nalang ako isang araw magkasama kayo. Nasaktan ako dahil sobrang close niyo that time. Gusto kung sabihin sayo na yung kasama mo yun yung babaeng nagpapatibok ng puso ko. Pero hindi ko magawa kasi ang saya saya mo eh. Halatang nahuhulog kana din sakaniya." Dinig kung napipiyok na si John kaya hindi ko maiwasang masaktan para sakaniya lalo na ngayon nalalaman na namin ang totoo. 

"Hanggang sa dumating na yung kinakatakutan ko. Niligawan mo siya Maui. Tangina hindi mo alam kung gaano kasakit yun Maui. Yung gusto kung sabihin sayo na siya yung gusto ko pero hindi ko magawa dahil ayokong masaktan ka. Sa madaling salita nagparaya ako. Hinayaan ko kayong maging masaya kahit sobrang sakit para sakin. Araw araw akung nasasaktan alam mo bayun? Hindi diba." Nangilid ang luha ko sa mga sinabi ni John. "Nagparaya ako kase gusto kitang maging masaya. First time kitang nakitang ganun kasaya eh. Kaya kahit babaeng gusto ko binigay ko para sayo." Naiiyak na sabi ni John. 

Umiiyak nadin ang iba samin. Lalo na si Cj at sila Monica. 

"Ilang beses kung gustong sabihin kay Julia yung mga kagaguhang ginagawa mo pag nakatalikod siya. Pero hindi ko ginawa dahil iniisip kita. Iniisip ko kayong dalawa at ayokong masira kung ano mang meron sainyong dalawa kahit gustong gusto ko." Nakita kung humahagulgol na si Julia habang nakakapit kay John. 

"Sinundan ko siya sa U.S dahil pagod nako Maui. Pagod nakong magparaya. Kaya this time ako naman sarili ko naman iintindihin ko. Kasiyahan ko muna uunahin ko." Umiiyak na sabi ni John. "Kaya walang ibang unang nang-agaw sating dalawa kung hindi ikaw. Ikaw Maui hindi ako." 

"Ilang beses ako nagparaya para sayo kaya ngayon ako naman sana. Sana this time Maui ikaw naman magparaya sating dalawa. Hayaan mo na kami, kahit ngayon lang gusto kung maging selfish Maui. Nagmamahalan kaming dalawa kaya sana wag mo namang sirain yun." Saad ni John at pinunasan ang luha niya. 

"Pero kung hindi mo padin siya titigilan wala nakung magagawa dun. May the best man win nalang siguro noh." Natatawang sabi ni John. "Umuwi na kayo." Sabi samin ni John bago pumasok sa loob kasama si Julia. 

Nagpaalam samin sila Kuya Mat bago pumasok sa loob. 

Tahimik lang kami lahat. Maski si Maui hindi kumikibo. Lahat kami gulat na gulat at hindi makapaniwala sa mga sinabi ni John. 

Maski ako hindi ko alam na si Julia pala yung babaeng matagal na niyang gusto. 

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Awa para kay John? Dahil sa sakit na napagdaanan niya na hindi namin alam sa mga panahong nagpaparaya siya at hindi sinasabi samin ang totoo para hindi masaktan si Maui. Nakakagago lang dahil nasasaktan ang isa samin ng hindi manlang namin nalalaman. 

MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon