Chapter 46

1.3K 31 3
                                    

Samantha's POV 

Masaya kaming naglalakad pabalik ng resort dahil kakatapos lang namin manood ng sea lion show katabi lang naman ng resort ang pinuntahan naming show kaya naglalakad nalang kami pabalik. Napangisi ako kase mukhang solong solo naman nila Maui at Julia ang isa't isa ang tagal din kaya naming nawala. Bukod sa nanood kami nag aya din kaming manood ng iba pang shows kagaya ng penguin at iba pa. Bumili nadin kami ng mga souvenir para mas lalo kaming magtagal. 

Nagtatawanan kami habang naglalakad dahil banat nanaman ng banat si Cj alien talaga pagbigyan niyo na. 

"Anong isda ang hindi lumalangoy?" Tanong ni Cj samin wala ni isa saming nagsalita kaya nainis siya at nagpapadyak na parang bata na hindi nabili ang gusto. "Guys naman cooperate matagal kong inisip to." Inis na sabi niya nagtawanan lang kami nila James at tumango nadin. "Take two, guys anong isda ang hindi lumalangoy?" Seryosong tanong niya. 

Nagkatinginan muna kami bago sumagot tatlo. "Ano?"

Syempre naghihintay kami ng maayos na sagot mula kay Cj. 

"Edi patay bobo niyo naman." Iling na sabi pa niya. Napanganga naman kami sa joke niya. Yun na yon? 

"Last mo nayan dude babanas nako sayo." Birong sabi ni James sakaniya at tinapik ang balikat ni Cj tanging irap lang ang ginanti niya. Alien talaga. 

Diretso kami sa sari sarili naming kwarto para makapag bihis at makapag ayos dahil diretso dinner nadin kami. Balak din namin ni Julia mag spa tonight. Pagpasok ko sa kwarto ay wala don si Julia mukhang magkasama pa sila ni Maui hayaan na hindi naman siguro magtataka si James. Agad akong nagpalit ng dress at lumabas na sakto namang nandon na silang tatlo. Wala din si Maui. 

Napatingin naman sila sakin at mukhang nagtataka si James kung bakit ako lang ang lumabas ng room. 

"Nasan si Julia?" Mas lalo siyang magtataka pag sinabi kung wala si Julia kaya nagpalusot nalang ako. 

"Nakahiga si Julia masakit talaga ulo niya." Pagsisinungaling ko napatango naman agad si James. 

"Si Maui kasi nawawala, san naman kaya nagpunta yung loko nayon?" Wala sa sariling tanong ni James. 

"Nako dude, hayaan mo na si Maui kesa naman nagmumukmok." Saad nalang ni Mark at napatango naman kami. Tumango nadin naman siya. 

"Sabagay." Tanging nasabi nalang niya at napagdesisyunan na naming pumunta ng resto. 

Ang ganda talaga sa lugar nato, matagal ko nadin kasing plan na pumunta kami dito ng barkada hindi pa umuuwi si Julia. Pinangako ko talaga sa sarili ko na makakasama si Julia kapag nagpunta kami dito and we made it naman. 

Napatingin ako sa sunset na malapit ng mawala, mga naglalakad na iba't ibang lahi mukhang nag eenjoy din sila dito dahil nakakapag relax naman kasi talaga dito. Bukas namin balak mag try ng mga activities sa susunod na araw naman ang paglilibot sa mga isla. Sana magawa namin lahat ng yon at sana wag masira ang masaya naming vacation. 

Iisa lang ang resto nito at ang iba ay puro na souvenir shop at mga kubo para sa mga naka check in at para sa mga saglit lang pupunta. Agad kaming naghanap ng table, infairness din sa food nila masarap. (Nanghihikayat lang ang peg.) *Shhh author quiet 

Umorder naman kami agad ng food balak nadin naming mag take out ng food para kay Julia dahil nga sinabi kung sumasakit ang ulo niya kahit hindi naman talaga. 

"Alam niyo may napapansin ako." Napatingin kaming tatlo kay Cj dahil sa sinabi niya mukhang seryoso si panget kaya nakinig kami. 

"Alin napansin mo?" Tanong ni Mark sakaniya habang umiinom ng juice. 

MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon