Chapter 39

11.3K 141 33
                                    

Maui's Pov

Grabe ang sayang naramdaman ko ng tawagan ako ngayong umaga ni Julia. Gusto daw niyang makipagkita at makipag-usap sakin. Hindi ko alam pero lumalaki na ulit ang pag-asa ko. 

Magmamakaawa ako sakaniya ngayon. Magmamakaawang ako ang pakasalan niya, na bumalik na siya sa akin. Dahil kailangan ko siya at mahal na mahal ko siya. 

Alam ko kahit konti meron pa kaming pag-asa ni Julia, at yun ang panghahawakan ko. 

Huminga ako ng malalim ng makarating nako sa coffee shop na sinasabi ni Julia. Tinignan ko sa salamin ang itsura ko kung ayos lang ba. Ng makitang ayos ito ay agad akung bumaba ng sasakyan. 

Hindi paman din ako nakakapasok sa coffee shop ay nakita ko na si Julia. Tumitingin ito sa kaliwa't kanan niya at halatang hinihintay ako. Hindi ko maiwasang mapangiti. 

"Julia." Tawag ko sakaniya. Napatingin siya sa akin at agad ngumiti. 

"Sit down Maui." Saad niya at tinuro ang upuan na nakaharap sakaniya. Umupo ako dun at tumingin sakaniya. 

"May sasabihin kaba?" Umaasang tanong ko sakaniya. 

"Umorder muna tayo." Pag-iiba niya ng usapan. 

"S-sige. Pero ako na magbabayad."

"No, ako na." Ngiting sabi niya. Ngumiti nalang ako dahil mukhang hindi siya magpapatalo. 

Pagkatapos umorder ni Julia ay tumingin siya sa akin. 

"Kamusta kana?" Tanong nito. 

"Do you think i'm okay Julia?" Nawala ang matamis niyang ngiti sa tanong ko at biglang napayuko. 

"Nabalitaan ko magtatrabaho kana daw sa company niyo." Pag-iiba niya ng usapan. "Sinabi sakin ng Mommy mo." Mommy ko? Tita Julia Tita. Hindi ko maiwasang masaktan dahil dun. 

"Wala na kaseng tutulong kila Daddy kung hindi ako lang." Tumango lang siya sa sinabi ko at hindi na nagsalita. 

Agad namang dumating order namin pero hindi ko yun ginagalaw nakatingin lang ako sakaniya at hinihintay ang sasabihin niya. Umaasang may sasabihin siyang magpapawala nitong sakit na nararamdaman ko. 

"J-julia..." Pagtawag ko sakaniya. 

"Hmm?" Tanong niya at binaba ang fork na hawak niya. 

"Bat ka pumayag na pakasalan si John?" Malungkot na tanong ko. 

"Mahal ko siya Maui." 

"Eh ako? Mahal mo din naman ako diba." 

"Mas matimbang siya Maui." 

"Julia naman. Akala ko ba ako lang? Akala ko ba mahal mo padin ako."

"Yun din ang akala ko Maui." 

"Tanggihan mo siya Julia please. Bumalik kanalang sakin, ikaw lang ang meron ako Julia wag mo naman akung iwan." Pagmamakaawa ko sakaniya at nagsimula ng magtubig ang mga mata ko. 

"First love never dies..." Saad niya at pinunasan ang luhang tumulo sa pisnge niya. "Naniwala ako sa kasabihan nayun Maui. Kaya nung nasa U.S ako pinangako ko sa sarili ko na babalikan kita kapag ayos na ulit ako. Kapag nabuo ko na ulit yung sarili ko, pinangako ko sa sarili ko na babalikan kita. Kase mahal kita Maui pinangako ko sa sarili ko na wala akung ibang mamahalin kung hindi ikaw lang." Umiiyak na sabi ni Julia. Parehas na kaming umiiyak ngayon. "Pero Maui nahulog ako kay John. Siya yung nandiyan nung mga panahong gusto ko ng sumuko. Mga panahong hindi ko magawang buuin yung sarili ko. Oo nung una napapayag ko siyang ligawan ako dahil akala ko kailangan kung bayaran lahat ng sakripisyong ginawa niya para sakin. Pero habang tumatagal Maui nahuhulog ako sakaniya." Parang tinutusok ang puso ko sa mga sinasabi ni Julia. 

MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon