Maui's Pov
"Dude, dalawang buwan ka ng naglalasing? Dalawang buwan ka ng nakakulong sa kwarto mo? Hindi kadaw kumakain? Kung mapano ka naman niyan dude." Nag aalalang sabi nila James ng makapasok sila sila sa kwarto ko. Hindi ko sila pinansin at muling tumungga ng beer.
"Tama nayan dude, baka magkasakit kana niyan." Napailing nalang ako sa sinabi ni James
"Dude, nag aalala na kaming lahat sayo. Simula nung umalis si Julia wala ka ng ibang ginawa kung hindi uminom ng uminom eh! Dalawang buwan ka ng hindi pumapasok, ano bang plano mo?" Seryong tanong sakin ni Cj at tumabi sila sakin.
Napangisi nalang ako, mukha kaseng seryoso talaga si Cj minsan lang kase magseryoso ang gago.
"Magpakamatay." Seryosong sabi ko sakanila. At muling iinom sana ng hawakan ni James ang kamay ko at tignan ng masama.
"Dude, wala namang ganiyanan imbis na mag practice ka ng basketball dahil malapit na yung champion ship. Mas maganda kung yun muna pagtuunan mo ng pansin." Saad ni James habang seryosong nakatingin sakin. Kaya agad akong natawa. Ano bang problema nila? Puta? Hindi ba nila maintindihan na pagod nako. Hindi ko na alam kung pano magsisimula. Hindi ko na alam kung pano tatayo at gigising sa umaga ng hindi ko siya nakikita.
"Practice? Basketball? Champion ship? Para saan? Alam niyo namang si Julia lang dahilan ko kaya ako pumasok sa basketball." Saad ko at mabilis na nangilid ang luha ko.
"Dude alam naman namin yun eh, pero imbis na umiinom ka diyan at nag iiiyak bakit hindi ka mag practice. Ipanalo mo yung basketball hindi para samin kung hindi para kay Julia para pagdating niya ipapakita mo yun sakaniya para matuwa siya sayo." Hindi ko alam pero unti-unti akung napangiti sa sinabi ni Cj lumingon ako sakaniya at mabilis niyang tinapik ang balikat ko. "Ganun ang gawin mo dude." Ngiting sabi niya.
"Aba may masasabi ka naman pala ng matino noh!" Sigaw sakaniya ni John at nagtawanan kami.
"Sa wakas napatawa din natin si Maui." Ngising sabi ni James at tumawa silang tatlo.
"Gago." Sabi ko at akmang tutungga ulit ng beer ng pigilin ako ni James.
"Magagalit din si Julia kapag nalaman na halos araw araw ka ng naglalasing! Papagalitan ka nun." Pananakot niya sakin.
"Oo nga dude, tsaka pumasok kana! Maging masaya ka pero hindi namin sinabing mag move on ka ah! Pero pwede naman kase marami namang sexy diyan." Mabilis kong tinignan ng masama si Cj dahil sa sinabi niya. "Pero syempre joke lang yun." Saad nito at lumayo sakin.
"Sige na dude, ayusin mo na yung sarili mo! Babalik din siya." Saad ni James.
"G-guys may sasabihin nga pala ako." Napatingin kaming tatlo kay John na kasalukuyang nakayuko ngayon.
"Ano yun?" Tanong nila James sakaniya tahimik lang akung nakatitig sakaniya at hinihintay ang sasabihin niya.
"Sa ibang bansa na nga pala ako mag-aaral." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya nagkatinginan kami nila James at pare-parehas kaming gulat na gulat.
"Seryoso kaba dude?" Tanong ni Cj at hinawakan ang balikat ni John at tumango lang ito.
"Mukha bakung nagbibiro, sabi kase ni Daddy makakabuti daw sakin yun." Saad niya at dahan-dahang tumingin saming tatlo.
"Saang bansa?" Seryosong tanong ko sakaniya at binaba ang beer na hawak ko.
"Sa U.S" Maikling sagot nito.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)
FanfictionFuckboy always a fuckboy charot.