Chapter 51

1.3K 38 5
                                    

Julia's Pov

After 3 years

It's been three years since nangyare yung pagkahuli kay John at pag ka trauma ko, naka recover naman ako agad. Tinulungan ako ng mga kaibigan ko na makalimutan kung ano mang nangyare pero kahit ako mismo hinding hindi makakalimutan yon.

Nasa U.S na ulit si John ilang beses kami nagpumilit na puntahan siya sa sakanila pero hindi niya kami nilalabas o kinakausap hindi padaw siya handang humarap samin pagkatapos ng ginawa niya sakin at pagsira sa grupo.

Nalaman nalang naming bumalik siya sa U.S sabi ni Tito gusto muna daw niyang pagpahingahin si John sa lahat. Hahayaan niya munang maghilom ang sugat niya bago humarap samin ng tuluyan.

Hindi ko naman siya masisisi dahil ako din naman ang may kasalanan bakit kami nagkagulong lahat, kung saan noon palang binusted ko na siya at hindi sinagot hindi kami hahantong sa ganito. Wala sanang masasaktan walang mahihirapan.

Minahal ko si John pero sadyang hindi ko lang kayang ibalik sakaniya yung pagmamahal na gusto niya. Hindi mahirap mahalin si John kasi kahit kailan na magkasintahan kami hindi niya ko sinaktan o pinaiyak, sinubukan kung mahalin siya at kalimutan si Maui pero sadyang kay Maui talaga ang bagsak ko kahit ano paman ang gawin ko.

Nalungkot ang buong grupo dahil sa binalita ng daddy ni John pero gaya ko naintindihan nila na kailangan ni John yon, hindi din kami nagalit sa ginawa niya dahil naiitindihan namin siya kahit si Maui.

Sa tatlong taon madaming nagbago, pero hindi ang pagkakaibigan namin. Sila Samantha at James ay kasal na pero wala pa silang balak mag anak dahil nagtatrabaho pa sila. Gusto kasi nilang paghirapan ang perang ipanggagastos sa magiging anak nila. Sila Monnie at Kuya kasal nadin pero gaya nila Samantha wala padin silang anak ineenjoy muna nila ang mag travel kung saan saan gaya ngayon wala nanaman sila nasa Italy sila ngayon. Si Mark at Mia engaged na, balak nila magpakasal sa isang taon. Si Cj? Sa wakas may girlfriend nadin siya, natuto nadin siyang magseryoso Jennie ang pangalan ng girlfriend niya, hindi kami nahirapang pakisamahan siya dahil mabait ito at kikay gaya namin.

Kami ni Maui? Engaged na kami at sa isang linggo na ang kasal naming dalawa kaya naman naging busy kami sa nitong mga nakaraang buwan dahil sa pag aayos ng kasal namin gusto kasi ni Maui ng engrande hindi din muna kami masyadong tumutok sa trabaho at pinaglaan muna namin ng oras ang para sa kasal namin.

Nandito sa bahay namin ang buong barkada para magsukat ng mga damit, napapangiti ako habang nakatingin sakanila masaya lang silang nag aasaran at nagtatawanan, mas lalo akong napangiti ng mag asaran nanaman sila Cj at Mark sumabat pa si Samantha.

"My future wife, look so happy." Saad ni Maui at niyakap ako.

"Masaya lang ako." Naiiling na sabi ko at niyakap din siya ng mahigpit.

"Lalo nako. Parang sasabog ang puso ko sa saya." Napangiti ako sa sinabi ni Maui.

"Hoy! Tigil nga muna kayo wala paman ding kasal naglalampungan na kayo!" Syempre kilala niyo na kung sino yon syempre si Cj.

"Bitter kalang kase wala si Jennie." Pang aalaska nanaman nila kay Cj, nasa France kasi si Jennie may inaayos sa business nila pero nandito daw siya sa araw ng kasal namin.

As usual nagdabog paalis si Cj at nagsukat nalang ng damit, busy kami sa pag aayos ng mga damit pagkausap sa mga designer namin ng pumasok sa living room ang isa sa mga katulong namin dito sa bahay.

"Maam may bisita po kayo, pinapasok ko napo." Napatingin kami kay yaya ng sabihin niya yon, magsasalita sana ako at tatayo pero agad ding napatigil ng makita namin kung sino ang pumasok at kasunod ni yaya.

MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon