Chapter 24

12.8K 216 49
                                    

Monica's Pov

"Ayun pa Mat pulutin mo ano bayan! Ang bagal bagal mo naman." Sigaw ko at padabog namang sumunod si Mat sakin. Gustong gusto ko talagang inaasar siya kase nitong mga nakaraang araw medyo hindi na niya ko inaasar tapos sinusunod niya pa lahat ng utos ko.

Weird right?

Pero hindi ko nalang pinapansin yun ang mahalaga nagiging alipin ko siya.

"Ayun pa Mat ang dami padun sa gilid ng damo." Pinagpupulot ko lang naman siya ng mga tuyong dahon dahil day-off ng mga katulong namin siya dapat ang kumilos.

"Bakit ba kase ako pa inuutusan mo dito? Nandiyan naman si John." Inis na sagot sakin ng pangit na nilalang na naka-pout na, akala mo naman bagay. Yes mapula ang labi niya na matetempt ka na halikan but duh~ hindi bagay mag-pout sakaniya.

"Nagrereklamo kaba?" Tanong ko at nilapitan siya. Mabilis naman siyang namula at umiling. Weird talaga nito lalapit lang ako biglang lalayo o kaya mamumula.

"H-hindi, eh kase naman kanina mo pako inuutusan napapagod din ako." Ngusong sabi niya at napaupo sa damuhan. Natawa nalang ako sa itsura niya.

Isang taon ko ng kasama tong lalaking to pero hindi ako napapagod na asarin siya. Ang cute kase niya kapag naiinis.

W-what? Wala akung sinabi ang ibig kung sabihin ang pangit niya.

"Fine tapusin mo nayan tapos paghahanda kita ng meryenda kakahiya naman sayo." Nakita ko kung pano nagliwanang ang pagmumukha niya at napangiti ng malapad.

"Yun sabi na nga dimo ko matitiis eh." Sabi pa ng gago sabay kindat tinignan ko siya ng matalim at tinutukan ng gunting.

Saan ko nakuha ang gunting? Diko din alam eh.

"Gusto mo hindi na kita gawan ng meryenda?" Pananakot ko sakaniya at agad siyang napailing.

"Binibiro lang naman kita eh." Pout niyang sabi pero agad ko na siyang tinalikuran at lihim na napangiti.

Nakakainis yung pagmumukha niya, kahit sa panaginip ko nakikita ko siya.

"Julia! Bitch where are you?" Sigaw ko pagpasok ko sa loob pero agad ding napailing ng maalala ko nga palang nasa bahay nila Celine si Julia kaibigan niya psh! Gumagawa sila ng project kasama ang ibang kaibigan ni Julia.

Psh wala nakakaselos lang dapat ako lang ang kaibigan niya dito eh. Pero hindi ko naman masisisi si Julia she's friendly,rich,smart and beautiful kaya lahat ng nasa school gusto siyang maging kaibigan.

At sakin? Wala dahil masama daw ugali ko duh~ alam ko naman yun hindi na nila kailangan pang ipa-alala at isa pa hindi ko sila kailangan happy nako na nandiyan si Julia at sila Mat sila ang kaibigan at pamilya ko simula ng tumungtong kami dito sa U.S.

Maganda naman sa U.S pero iba padin ang pilipinas. Akala ko nga nung una mahihirapan makalimot si Julia pero nagulat kami ng wala bang dalawang buwan okay na ulit siya. Nakikita ko na ulit ang masaya niyang ngiti. Yung ngiting totoo at masaya kami nila Mat dahil dun.

Isang taon nadin ang nakalipas madami ng nagbago. Pati itsura ni Julia well mas lalo lang naman siyang gumanda. Tinalbugan nako ng gaga kaya ang daming naghahabol at nagkakagusto sakaniya sa campus pero bantay sarado naman siya kay John.

Napabungisngis nalang ako bagay talaga sila, wait speaking of John nasan kaya yun?

Naalala ko nung unang kita ni Julia kay John dito sa mansyon hindi siya makapaniwala. Gumawa pako ng palusot kila Julia na kesyo dito mag-aaral si John kaya nagpasiya akung dito nalang din tumira si John.

MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon