Chapter 7

1.1K 44 9
                                    

Date

Intramurals. Hindi pa gaanong gumaling ang sprain ko pero naging mas okay na ito. I'd just occasionally feel a little tinge in my ankle pero hinahayaan ko na lang ito. Nag-alala rin sina Tita Lyola at Tito Joey. They even suggested that I should back-out in our volleyball team. Hindi ko rin naman gagawin iyon. This is worth an experience.

Naipanalo namin ang unang laro namin laban sa Nursing. They have the will to win but honestly, I think they lack practice. Aanhin mo ang determinasyong manalo kung hindi rin naman naibayo ang abilidad mo.

"Congrats, Erina!" Bati nina Kiara.

Tumawa ako at tumingin kay Kim. "Uy, Kim! Ipanalo niyo mamaya ang laro ha!"

"Syempre naman 'no!" Ani naman ni Kim.

"O, ano? Wala pa naman tayong gagawin. Kain muna tayo?" Pag-aaya ko. My stomach is starting to growl.

"Sa labas tayo o sa cafeteria na lang?" Tanong naman ni Ediza. Sa aming magkakaibigan, itong si Ediza lang ang walang ginagawa. Wala siyang sinalihang sports. She also ditched the cheerdance practice. Aniya ay ayaw niya talaga. Marga and Kiara are our cheerleaders kaya pinalampas naman nitong dalawa si Ediza.

"Cafeteria na lang siguro," ani Marga at nasang-ayunan naman naming lahat.

Habang kumakain ay nakikipagtawanan at kwentuhan lamang kami ng mga iba't ibang topics. Pinag-usapan namin ang mga chismis sa school. Wala naman akong pakialam sa ibang tao pero minsan ay humihingi sila ng opinion ko.

"Kilala niyo si Paris dela Vega?" Tanong ni Marga.

"Yes."

"Nang two-time iyon. Nag-away pa nga ang dalawang babaeng pinaglaruan niya."

"Gwapo sana pero gago," napailing si Ediza.

"Iyung bag ni Gerthrude, binuhusan ni Mia ng tubig at nginudngod sa lupa."

"Landi naman kasi nung kabit eh," dagdag ni Kim. "Si Gerthrude? Alam niya namang si Paris at si Mia, nakisawsaw pa. Anong masasabi mo doon, Ers?"

"I don't see the point why would Mia do that. Sineryoso niya ang relasyon nila. Hahayaan ko na lang 'yung si Paris sa gusto niya.  Why care for a jerk?" Iyon ang sinabi ko in a matter-of-fact tone.

"But it would be a victory for the snake and his boyfriend, right?" Ani naman Kiara. "So, you'll let the both of them happy habang ikaw ay nagpapasakit?"

I gave a boring look. "In our age, walang dapat seryosohin. If I were Mia, I'll break up with Paris let him be happy with someone else. He's not worth to keep, anyway. And, there are other guys out there, who are better than him."

"Mahal na mahal kasi niya si Paris..." Marga trailed off.

Natahimik sila at halatang pinag-iisipan ang sinabi ko. Sa panahon ngayon, hindi damdamin ang dapat pairalin. You should be someone with sense not sensibility. Mind over matter. Logic and reason before feelings. Iyon dapat. At kahit sabihin nating na-two time ako ng isang taong mahal na mahal ko, I would immediately let him go. Bakit ko ba siya ipaglalaban? Bakit ipipilit pa ang sarili mo sa kanya? It should be a give and take relationship. Kung ikaw lang naman ang bumibigay, why would you still hold on in that kind of relationship? I find it stupid.

"Hay naku! Manood na lang kaya tayo ng game nina Lyon," pag-aya ni Kiara.

"Kayo na lang," sabi ko.

Bumusangot si Marga. "Bakit naman? Ayaw mo bang suportahan si Lyon?"

"Eh kasi... Si Shun..." Hindi ko man lang maipagpatuloy ang pagsasalita. Maglalaro si Shun ng soccer mamaya para sa Political Science.

"Erina, alam mo bang ikaw lang nakaka-resist kay Lyon?" Ani Ediza.

AdamantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon