Karma
The problem is I can't wait!
"Ibibigay naman pala sa iyo eh!" Sabi ni Kiara habang nag-facetime kami. We were both in our bedrooms. Nakahilata yata siya hawak ang gadget niya habang ako naman ay inilagay ko lang sa tabi ko ang ipad habang nakadapa.
"But, why do I have to wait a little longer?" Tanong kong nagtataka.
"Malay mo naman busy. Hindi niya siguro agad magagawang isalin ulit sa pangalan mo ang lupa."
"He's powerful. I'm sure he can do anything he wants immediately," sabi ko.
Kiara laughed lightly. "Ano ba kasing inaapura mo?"
"Ako na lang sana ang lalakad ng mga papeles at dokumento. Atleast, I won't get impatient that way. I just badly want my farm back," I told her ang groaned.
"Alam na nina Tita Lyola at Tito Joey?" Tanong niya.
"Yup." I simply answered. "I even told them that I would ask Lyon na kung magpapasurvey ulit ng farm, ako na lang ang babalik sa Iloilo."
"What did they say?" Kiara asked.
"They told me that I should let Lyon handle it. Besides, busy ako sa kompanya and soon the resort will be mine," ani ko.
"That's intruguing." Kiara's eyes squinted. Pinaglaruan niya ang buhok niya habang nag-iisip. "Parang ayaw ka nilang sa Iloilo."
Bumuntong-hininga ako. "Naisip ko na rin iyan, Kiar. Tinatambakan ako ng trabaho't obligasyon dito para hindi ko na maisip pang bumalik sa Iloilo. Well, once I have the farm back, no one can stop me."
"Why don't you pay your farm a visit?" Kiara suggested.
"I'm actually thinking of going to Iloilo secretly," sabi ko.
"Eh 'di gawin mo! Just check if Lyon's really taking care of your farm," ani Kiara.
After we ended the call nagpa-book ako ng ticket online. Kinuha ko ang pinakaposibleng pinakamaagang flight papuntang Iloilo. Babalik din naman ako rito sa last flight.
"Marites," ani ko pagsagot ng aking sekretarya ng tawag ko. I know it's a bit late to call her. Good thing, she's still awake!
"Po?"
"I'm going somewhere tomorrow. Paki-sabi kay Lyon na siya na lang ang bahala sa kompanya bukas?" Sabi ko.
"Pero ma'am, may mga scheduled appointment po kayo bukas kay Mr. Reyes bukas," ani Marites.
"Can we re-schedule that for the next day?" Tanong ko.
"Okay, Miss Alvia," sabi niya.
"Thank you." The phone call ended.
Alas tres pa lang ay nagising na ako at nag-ayos. A shirt and high-wasted jeans will do. Pinarisan ko na lang ng sandals. Pinusod ko rin ang aking buhok. Matapos kong mag-ayos tumulak na ako papuntang airport. Naglagay lang ako ng sticky note sa frigg para hindi na mag-alala sina Tita Lyola if ever sumugod si Lyon sa bahay dahil absent ako sa trabaho.
Hindi ko sinabing sa Iloilo ang punta ko. I just wrote:
"I'm going somewhere. Don't worry."
An hour before my flight I have already checked in. My time of departure is five o'clock in the morning.
I've waited for an hour. Nung mag-alas singko ay biglang may announcement na delayed thirty minutes ang flight.
Damn! I have to wait for another thirty minutes.
BINABASA MO ANG
Adamantine
Roman d'amourAn Arcella Series Erina Yestia Alvia. She lived an unlucky life, so to speak. Her parents are dead due to an accident. Her sister commited suicide. She was left alone. Yet, she never gave up. She carried on with her life... Yet, was betrayed. Will...
