Trip
"Oh my gosh, girl!" Ani Marga. "I can't join you sa trip. My family have plans for summer and we are going to Australia."
Nagkatinginan kami ni Kiara.
"So that means, third wheel na ako?" Napairap si Kiara.
"Hindi naman. Lyon has invited his friend," I said, reassuringly.
"Sorry talaga. Buong summer doon kami sa Australia," ani Marga.
"It's fine," sabi ko.
The following week ay bumili na kami ni Marga ng pagkain for the trip. We also had packed our bags and Kiara will stay overnight at our place. Kinaumagahan ay susunduin kami ni Lyon.
"Sinong isasama ni Lyon?" Tanong ni Kiara.
"One of his friends, I think."
"Ah... Hoy, dapat gwapo ha!"
"Ewan ko sa'yo, Kiar!" Tumawa ako sa kaibigan ko at napailing.
"Ano ka ba? Hindi lang dapat ikaw ang may lovelife! Tanungin mo nga si Lyon kung sino iyung kaibigang isasama niya! Dali!"
Napailing ulit ako bago kinuha ang phone ko para mag-text.
To Lyon:
Sino isasama mo bukas?
Mabilis agad siyang naka-reply.
From Lyon:
Kapatid ko. Bakit?
To Lyon:
Wala. Nagtatanong kasi si Kiara.
I tap the send button and put my phone on the bedside table. Naka-pyjama na ako at ready nang matulog habang si Kiara naman ay pumipili pa ng isusuot bukas.
"Sino raw?" Tanong ni Kiara habang naka-pokus lamang sa mga damit niyang nakabalandra sa kama ko.
"Kapatid niya," sagot ko.
Kiara's eyes widened and she gasped. Binaling ang tingin sa akin. "Kapatid niya?"
"Oo. Kilala mo ba?"
"Hindi. Pero ibig sabihin nun, gwapo din iyung kapatid niya. Marga will miss it!" Pinaypayan ni Kiara ang kanyang sarili na tila nawawalan na ng hangin.
"Kiara, magpigil ka sa panlalandi!" Saway ko sa kanya.
"Ano ka ba? Hanggang tingin lang naman ako!"
Kinaumagahan ay maaga kaming nag-ayos ni Kiara. I also cooked breakfast for six. Para kina Tita at Tito at kina Lyon.
Kiara look gorgeous in her yellow sundress. Ako naman ay naka black shorts. Ang pang ibabaw ko naman ay manipis na puting polo shirt. I creased the sleeves up to my elbow. Hinayaan kong nakalugay ang aking buhok.
"Done!" Masiglang sinambit ni Kiara nang matapos siya sa paglalagay ng make-up. Liningon niya ako. "Erina, maglagay ka rin."
"I already put lip gloss and powder."
Bumaba na kami at kumain ng breakfast.
"Wow! Ready to be a wife! Infairness, sarap ha," ani Marga at nilantakan ang pagkaing inihanda ko.
"Crazy! Kumain ka na lang," ani ko.
Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay narinig namin ang doorbell.
"Sina Lyon na 'yon," ani Kiara.
Tumayo ako at agad na pinagbuksan sina Lyon.
Pagbukas ko ng gate ay bumungad agad sa akin si Lyon na naka-white, V-neck shirt at black shorts. Sa likod naman niya ay may lalakeng mas matangkad sa kanya. Marahil ay six footer pataas na ito. He looks more mature than Lyon at may slight difference sa kanilang dalawa. Lyon looks more masculine. The, I presume, his brother has a softer jawline.
"You didn't tell me your girlfriend is pretty," ani nung kasama ni Lyon.
I felt my cheeks slightly heat up. I don't know if I should consider it as a compliment, though.
"Just shut up, Zeus," saway sa kanya ni Lyon.
"Uhmm... Pasok na kayo," sabi ko.
"By the way, I'm Zeus." Naglahad ng kamay si Zeus.
I smiled at him and took his hand.
"I'm Erina Alvia," I responded. "Anyway, breakfast muna kayo sa loob."
"Thank you!" Maligayang sambit ni Zeus at agad na ring pumasok.
I lead them to the dining kung saan naman kumakain pa rin si Kiara. Nang makita ang dalawang lalake sa likod ko ay agad itong napaayos ng upo.
"Hello, Lyon!" Bati ni Kiara. "At sino iyang kasama mo?"
"Zeus, Lyon's brother," sagot ko.
"Oh!" Tumayo si Kiara at lumapit kay Zeus. "I'm Kiara Claraval."
"Nice meeting you," saad ni Zeus.
We went to the table and started to eat our breakfast. Matapos ay hinugasan ko na ang mga pinagkainan namin at tinulungan naman ako ni Lyon. Nagtabi rin ako sa mesa para sa tulog pang sina Tita at Tito.
"Impressive," ani Zeus. "Kahit business owner sila ay hindi sila naka-depende sa kasambahay."
"There's no need for it. The house is not that big and I can manage to prepare for meals and do some choirs. Kung weekends, may labandera naman," saad ko. "And our helper might arrive at eight."
I realize Zeus is easy to get along. Unlike Lyon na medyo suplado, Zeus seems so casual in treating anyone. I must say he can do great connections with his attitude.
"Ako sa front seat, ha," ani Kiara. That leaves Lyon and I in the passenger's seat.
"Anong business niyo sa Iloilo?" Tanong ni Zeus.
"We have a farm. Mostly, we produce bananas and chicken eggs. We also supply flowers and some vegetables."
"Oh? Kanino niyo sinu-supply?"
"Nearby towns and the city. Family owned lang ang business. Unfortunately, operations in the farm has to stop."
"Bakit?"
"My parents died and I am here continuing my studies. Pero once na makatapos ako, babalik din naman ako."
"Sorry about that."
"Matagal na 'yon." Pinilit kung ngumiti. I cannot deny the bitterness I feel, though.
"So 'yung business niyo pala'y katulad ng sa pinsan namin," sabi ni Zeus.
"Cousin?"
"Yes. Actually, it was some sort of a hacienda, doon rin sa Iloilo."
"Oh? Taga-Iloilo pala ang mga pinsan niyo?" I wonder kung saan sina Zeus naka-stay. "I don't see you in Cebu. Saan ka ba nakatira?"
"Manila. But my mother and father is here in the Visayas. Mom is busy in Iloilo," ani Zeus.
Bahagyang tumaas ang kilay ko.
"Actually, our business have expanded in Iloilo kaya busy si Mom," singit ni Lyon.
"Ahhh... Okay," sabi ko na lang.
We just talked and talked about business habang nagmamaneho si Zeus.
Si Kiara naman nakatulog buong byahe. Inaantok pa siguro.
Ilang oras din ang byahe sa highway nang nakita ko na ang signboard ng Sibonga.
"Malapit na ba tayo?" Tanong ni Kiara. Kinusot niya ang mga mata niya. Bagong gising.
"Malayo pa," sagot ni Zeus.
Inunat ni Lyon ang kanyang braso at inakbayan ako. Ako naman dahil antok sa byahe ay napahikab.
"Sleep if you want to," Lyon told me.
Hinilig ko ang ulo ko sa kanya at pinikit ko ang aking mata. Slowly, I drifted to sleep.
Pero bago man tuluyang nawala ang wisyo ko ay naramdaman ko ang halik ni Lyon sa aking noo.
👠
BINABASA MO ANG
Adamantine
RomanceAn Arcella Series Erina Yestia Alvia. She lived an unlucky life, so to speak. Her parents are dead due to an accident. Her sister commited suicide. She was left alone. Yet, she never gave up. She carried on with her life... Yet, was betrayed. Will...
