Chapter 33

779 31 3
                                    

Missing Again?

Imbes na dumiretso sa opisina ay nakipagkita ako kay Kiara.

Siya lang kasi ang available ngayon.

"Himalang tinamad ka sa trabaho ah!" Puna niya.

I took a sip of my hot brewed coffee.

"Lyon's there," matipid kong tugon.

Namilog ang mata ng aking kaibigan. She dramatically gasped and covered her mouth. "Seryoso? Kailan pa?"

"Last week pa," walang gana kong sagot.

"So what happened?" Her eyes narrowed. "Or did something happen?"

Napalunok ako at tumango.

"Oh my gosh! Did you gave your vcard?" Walang hiyang nagtanong si Kiara.

Agad naman akong namula at napayuko. We are inside a quiet cafe tapos hindi ang ingay niya.

"Keep your tone down, Kiara!" Angil ko.

Luminga-linga siya sa paligid. People seem not to bother. But still! It's embarassing!

Naalala ko tuloy ang matatalas na mata ni Lyon habang nakatingin sa katawan ko. Naalala ko kung paano niya ako hinalikan. Naaalala ko kung gaano ka likot ang mga kamay niya at kung paano niya tinanggal ang damit ko. Naaalala ko rin ang mga epic fail kong pagtigil sa kanya. Nag-flashback bigla kung paano ako napaungol dahil sa pagroromansa niya. Nakakahiya!

Mas lalo akong namula sa mga iniisip ko. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko ay parang nag-flash sa isipan ko ang nangyari kahapon.

I could still remember how he got turned on yesterday. Shit!

"Ang totoo?" Kuryoso ang mga mata ni Kiara. Pabulong siyang nagtanong. "Did he devirginize you?"

Umiling ako agad. "Muntik na lang," mahina kong sambit.

Napahawak sa kanyang dibdib si Kiara. "Tell me what happened. Detalyado dapat!"

Umiling ako ulit. "Kiara, ayoko." Baka kasi kung detalyadong ikwekwento ko iyon sa kanya ay imbes na lumabas na pinilit ko iyon itigil, baka lumabas na nagustuhan ko iyong nangyari. Besides, that was private. Really, really private!

"Hiyang-hiya ako sa sarili ko, Kiar," ani ko. "Bukas na lang siguro ako papasok."

"Masyadong halata na apektado ka, girl," aniya.

My punto siya. I furrowed my brows. "Should I act like nothing happened?"

Pinaglaruan niya ang buhok niya habang napapaisip. "Yes. Wala kang pake sa kanya kaya dapat ipakita mo na walang epekto o kahulugan sa inyo iyung make-out session niyo. Sandali! Bakit ba kasi kayo napunta sa ganoon?"

I breathe sharply. I briefly told Kiara about what happened before it. How he just fired Frances easily.

"Mahal ka talaga ni Lyon."

"Kung ganoon, bakit niya ako iniwan?"

"Erina, kung gusto mong malaman. Why confront him?" Sabi sa akin ni Kiara.

"Would that even change a thing? Matagal na iyon. Baka isipin niyang big deal pa rin sa akin iyon?" Nag-aalala kong tanong.

"Bakit? Hindi ba? You deserve an explanation, after all," aniya. "You deserve closure."

Tumango-tango lamang ako. May punto si Kiara. Deserve ko rin naman na malaman kung bakit siya umalis nang walang paalam. Hindi ko lang magawang komprontahin siya. I don't want to hear his answers. I'm not ready to hear him out, I guess.

AdamantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon