Chapter 15

859 39 1
                                    

Series Of Mishaps

"May susunduin ba tayo?" Tanong ko. Gagala daw kami ngayon. Bakit sa airport dumiretso?

"Ay. Susunduin natin sina Mom, Dad saka iyung nakakatandang kapatid ko. Ipapakilala kita sa kanila."

Tinadyakan ko ang tuhod niya. "Talaga lang ha. Alam kong next month pa uwi ng ama mo. Huwag mo akong maloko!"

"Hindi kita naloko. Hindi ka naman nagpaloko," sagot niya. "Halika ka na. Dapat maka-check in na tayo." Aakmang pagsasalikupin na sana niya ang aming kamay ngunit tinapik ko ang kamay niya.

"Check in?" I tilted my head in confusion.

"Oo. May flight pa tayong hahabulin."

"Ano?"

He sighed. May ibinigay siya sa aking ticket. "Happy Birthday," he greeted with a smile.

Napaawang ang bibig ko.

Cebu-Iloilo

Napatingin ako sa kanya na abot tainga naman ang ngiti. Parang may biglang bumara sa ilong ko.

"Ano ito?"

"Ay! Ngayon ka pa lang ba nakakita nang ticket?" Pasarkastiko niyang tanong.

Tinadyakan ko ulit sa tuhod. "Ouch!" Paarte niyang hinagod ang tuhod niya.

"Wala kang sinabing may flight tayo papuntang Iloilo." Napairap ako.

"Surprise nga."

"F.Y.I. I hate surprises!" Sabi ko. "Magkano ito? Nang mabayaran kita."

Hinaplos ng kaliwang kamay niya ang aking pisngi habang inayos ng kabilang kamay niya ang nalihis kong mga buhok."You don't have to pay for it."

I don't know if I should like the way he treats me. "Gusto mo talagang magka-utang ako sa iyo, ano?"

"Look. You don't have to worry about that. I know you want to visit your sister so let's go."

But this is far from reality. Sa fictional books ko lang ito nababasa. At such a young age? Gagastos siya nang ilang libo para sa liniligawan niya? Ni hindi pa nga kami naka-graduate eh. We are just students who depends on our allowances.

"Magkano ba ang ticket na binili mo?" Panay ang pangungulit ko sa kanya.

"Mga ten thousand plus," anito.

"But still, I have to pay you."

Ngumuso siya. "You don't need to pay me."

"Pero-"

"Akala mo bibilhan kita ng ticket gamit ang sariling pera ko? I still can't access my own bank account and trust funds dahil pinanghahawakan pa iyon ni Dad so I still don't have my own money. At hindi enough ang pero ko pambayad ng ticket. Tita Lyola paid it for you. Gift niya raw sa para sa'yo."

Ramdam ko ang pag-init ang pisngi ko. Nakakahiya ang inisip ko. Bakit ko pa biglang naisip na pwedeng mangyari ang nakikita ko sa telenovelas at nababasa ko sa libro. "Oh."

Ngumisi siya. Isang nakakalokong ngisi. "Akala mo ba linibre kita ng ticket?"

"No." Mas lalong uminit ang pisngi ko. Kahit anong pagtatanggi ko para akong plastic cover sa kanya. Pakiramdam ko sobrang transparent ko sa kanya. Kahit anong pagde-deny ko, he'd still know.

"Bahala ka," aniya at nagkibit-balikat.

Mga isang oras rin ang hintay namin ng flight at isang oras ding byahe papuntang Iloilo.

AdamantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon