Pagtataray
"O, bakit nandito ka?" Tanong ko kay Lyon na ngising-ngising nag-aabang sa akin sa labas ng kompanya. I decided to overtime para hindi na kami magkaabutan. Pero, nandito siya at nag-aabang.
Sumimangot siya. "I'm your boyfriend."
Sinagot ko pala siya kahapon.
Napabuntong-hininga ako. "May driver na susundo sa akin.""Sinabi ko sa kanya na ako na ang susundo sa iyo."
I was haste in saying yes to him, yesterday. I didn't mean to do it. Sobrang nainis lang talaga ako kay Shun.
"Let's go." Anito. Sumunod ako sa kanya papuntang parking lot. As if I have a choice.
I have been thinking. He waited for me for such a long time. Sa tingin ko ay deserving naman siyang sagutin ko. There's nothing wrong if we try to enter a relationship.
The problem is we are tied-up by this company. I don't want our relationship and situation to get more complicated. I don't really want complications in the future. Hindi ko siya gusto. Not in a way he wants me to be. Eh di parang niloloko ko siya at ang sarili ko, di'ba?
"Gusto mo mag-dinner tayo?" Pag-aalok niya.
"Maxwell... I was impulsive. I did not mean to say yes to you," sabi ko. I heave a heavy sigh.
Ipinagkibit-balikat niya lang 'yon.
"At hindi kita gusto... Like in a romantic way," dagdag ko.
"Pero sinagot mo na ako. Gusto mo man ako o hindi, sinagot mo na ako. Binitawan mo na ang katagang iyon. Wala nang bawian." Pagmamatigas niya. Talagang nagrarason pa ha!
Napangiwi ako. "Hindi ka ba nasasaktan sa ginagawa ko sa'yo? Healthy ba ang pumasok sa relasyon na one-sided lang?"
Ako nga nadismaya nang nakita ko si Shun na may kahalikang ibang babae eh! Siya pa kaya?
Tinitigan niya ako at hinawakan ang magkabilang pisngi. Hindi ko natantong malamig pala ang gabi hanggang sa nilapat niya ang maiinit niyang palad sa aking pisngi. "Mahuhulog ka rin sa kanya." Puno nang determinasyon niyang sinaad.
Parang tumatagos ang mga titig niya sa kaluluwa ko. Kahit ang mga binitawan niyang salita ay parang tumatagos din. Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. I suddenly felt warmth when I heard his words. And his eyes were as always. Kung titigan mo lang ito nang titigan, baka mawala ka na sa kanyang mga mata.
Napailing ako sa kanya. Me? Will I even fall for him? Mahirap naman yata 'yan!
"Hindi mo ako matuturuan sa kung sino ang magugustuhan ko. And I will for you? Really? What makes you confident?"
Bigla niyang dinampi ang mga labi niya sa labi ko. Mabilis 'yon nangyari kaya hindi agad ako nakailag. It took a while for me recover.
Agad ko siyang itinulak.
"Third time mo na akong ninakawan ng halik!" Hinawakan ko ang magkabila kong braso. Nagsitindigan ang mga balahibo ko. Hindi ko nga alam kung tumitibok pa ang puso ko. Sa sobrang bilis ay hindi mo na mararamdaman. My knees have also felt wobbly and my face is probably red. Curse Lyon!
Ngumuso siya. "Not really."
"Ano?" Anong sinasabi nang mokong na'to?
"You don't have to keep track of that anymore," anito. "Dahil umoo ka na sa akin. You have already permitted me to claim you. And I can kiss you whenever I want."
"Rine-respeto mo ba ako?" Kumunot ang noo ko.
"Oo."
"Then you can't kiss me whenever you want."
BINABASA MO ANG
Adamantine
RomanceAn Arcella Series Erina Yestia Alvia. She lived an unlucky life, so to speak. Her parents are dead due to an accident. Her sister commited suicide. She was left alone. Yet, she never gave up. She carried on with her life... Yet, was betrayed. Will...