Stop Courting Me
"Girl, may balak ka bang sagutin si Lyon?" Tanong ni Kim sa akin.
Umiling ako at saka kinagat ang aking burger.
"Hindi?!" Napangiwi sa akin si Kiara. "Isang taon at isang buwan na, bes. Hindi mo pa rin sasagutin?"
"Hindi ko naman siya gusto," sagot ko.
"Erina, masama ang pagiging paasa," ani naman ni Ediza.
"Nagkalinawan na nga kami niyan," sabi ko. "Sinabi ko sa kanyang hindi ko talaga kaya."
"Eh anong sabi niya?" Tanong ni Marga.
"Willing to wait daw siya."
"Naku! Nakakakilig talaga si Lyon!" Ngumingising-aso si Kim. "Kung totoong babae ako, matagal ko na sana nilandi iyang si Lyon."
"Eh kahit bakla ka nilalandi mo pa rin si Lyon eh," ani Ediza.
"Pero, bes, kung ako lang iyong niligawan niya. Sasagutin ko agad," ani Kiara.
"Ano ba ang ayaw mo sa kanya?" Tanong naman ni Ediza.
"Wala."
"Wala. Araw-araw kayong magkasama, wala? Tapos, hindi ka rin na-fall sa kanya?"
"Eh paano kasi ang titig nandoon sa Shun na iyon!" Napairap si Kim.
"Kim!" Saway ko. "Baka may makarinig!" Lumingon-lingon ako. Kapag may makarinig at maka-abot kay Shun! Naku! Nakakahiya!
"Oy, Erina! May romantic progress ba kayo ni Shun?" Tanong ni Marga.
Natawa ako sa tanong. "Paano kami magkaka-romantic progress kung may epal na bigla na lang sumusulpot?"
Oo. Tuwing lumalapit sa akin si Shun, may biglang Lyon na magpapakita. Hindi niya pa talaga tatantanan si Shun ha!
"Ano ka ba? Pinoprotektahan lang naman ni Lyon ang sa kanya," biro ni Ediza na siyang naging dahilan nang biglaang pag-init ng aking pisngi
"Ewan ko sa inyo." I rolled my eyes to hide my flushed expression. Habang panay ang tukso nila sa akin ay hindi ko na sila pinagtuunan nang atensyon at nilantakan ang burger ko.
Lampas isang taon na ang nakalipas noong nangyari ang sunod-sunod na trahedya sa buhay ko. At mga isang taon na rin si Lyon nanliligaw. Matagal na pero hindi ko man lang siya masagot. Siguro ay epekto ito nang nangyari sa akin. I still feel hollow inside. Hindi pa ako handa sa ganoong mga commitment. I don't plan to do it, actually.
Well, Lyon's not bad, I guess. Nasanay na rin kami sa asaran at insultuhan. Well, ako lang naman ang nang-iinsulto. He doesn't go overboard in teasing me. Takot niya lang mabasted! Ha! Ngunit kumpara noon na palaging pumuputok ang butchi ko sa pang-aasar niya ay ngayon, hindi naging pangkaraniwan na ang aming bangayan. Nasasayahan pa nga ako sa bawat asaran namin. I feel like I always win in our arguments.
The only thing that never changed was his oppressive attitude. He wants things to go his way.
Hindi ko lang talaga kayang magkagusto sa kanya. Lalo na kung may gusto rin akong iba.
Crush ko si Shun simula pa noong highschool. I had a crush on him for eight years na siguro. It is no joke! Parang imposible naman kasi sa halos walong taon kong pagkakagusto kay Shun ay mawala lang ito nang biglaan! At hindi ko itatangging, naghihintay ako para ligawan at magustuhan ni Shun.
Pero may bahagi din sa akin na nagsasabing, mas mabuti na lang na one-sided itong feelings ko.
Mahirap kasi kapag sobra akong na-attach sa isang tao. Mahirap kapag mawala bigla tulad ng pamilya ko. Mahirap kapag nagtraydor tulad ng naging kaibigan ko noon.
BINABASA MO ANG
Adamantine
RomanceAn Arcella Series Erina Yestia Alvia. She lived an unlucky life, so to speak. Her parents are dead due to an accident. Her sister commited suicide. She was left alone. Yet, she never gave up. She carried on with her life... Yet, was betrayed. Will...
