Happy Valentine's Day, everyone! Enjoy reading this chapter!
Part-Time Job
Maaga akong nagising ngayong araw. Wala namang klase kasi linggo pero excited ako para mamili ng ireregalo ko para sa kapatid ko.
Paano kaya kung along the way, maghahanap din ako nang part-time job? I always wanted even before to apply for part-time job. Hindi nga lang pwede dahil masyadong bata pa ako magtrabaho. Ngayon, I'm turning eighteen so I may be accepted.
Pwede na siguro sa call center?
Naligo na ako at nag-ayos.
Flannel shirt at ripped jeans ang isinuot ko. Pinarisan ko na din ng sneaker heels . Ang buhok ko naman ay naka-low slung bun lang.
Agad naman akong bumaba. Ang ganda ng mood ko eh kaso nasorpresa ako dahil nasa bahay si Lyon. Nakita ko ang pamilyar niyang pigura sa veranda. Anong ginagawa niya rito?
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. I tilted my head a bit.
"Hindi ba nanliligaw ako sa iyo? Liniligawan ko rin pati sina Tita at Tito," kaswal niyang sagot. My jaw literally dropped and I can feel my face heating up frantically. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. Ni hindi ko nga alam kung ano'ng sasabihin ko. Basta ang alam ko lang ay nakakahiya kina Tita at Tito. My god!
"O, Erina." Narinig ko ang boses ng aking tiyahin. Napalingon ako kay Tita Lyola at hilaw na ngumiti.
"Good morning po." Nakasanayan ko na ring batiin sila.
"Nakahanda na ang breakfast. May lakad ba kayo?" Tanong ni Tita Lyola nang nakitang nakabihis ako. Sigurado na akong nasabi na ni Lyon sa kanya na nanliligaw siya. Matama akong tinitigan ni Tita Lyola.
"Ako lang po," mariin kong sinabi.
"Actually, sasamahan ko siya," agap naman Lyon. Napalingon naman ako kay Lyon. A mischievous smirk was plastered on his face again. Geez! I just want to get rid of this guy!
"Sa labas na lang kayo magbi-breakfast?" Tanong ni Tita Lyola.
"Dito po ako mag-aalmusal," sabi ko at dumiretso na sa hapag.
"Kumain ka na rin, Lyon," anyaya sa kanya ng aking tiyahin.
Lingid man sa kaalaman ni Tita Lyola ay matalas kong tinitigan si Lyon. Mas lumapad lalo ang ngiti niya. My glare is already a warning. Akala ko'y nakuha niya iyon. Akala ko'y tatanggihan niya ang paanyaya sa kanya. Iyon pala'y nakikain din siya!
Nagkasundo pa agad sila ni Tita Lyola. Pasimple akong napairap. Ayokong makasabay siyang kumakain. And I hate it when he's just being... Argh! I don't even know the right word to describe him.
"Si Tito Joey, po?" Tanong ko.
"Dumiretso na sa kompanya," sagot ni Tita Lyola habang nakangiti. "Maaga pa nga umalis. Ako nga rin eh. Aalis din ako papuntang Daanbantayan. I need to check the resort."
"Sabay na lang po ako sa inyo," sabi ko. "E-drop niyo lang po ako sa malapit na mall."
"Ako na lang, Tita," Lyon offered. "I'll take care of her."
Napangiwi ako sa sinabi niya. I gave him a scornful expression. He, on the other hand, can't get rid of his amused expression.
Hindi ni Tita Lyola nakita kung gaano ako ka tutol na makasama si Lyon. Binalingan niya ako habang hindi pa rin natatanggal ang kanyang ngiti. "Lyon will be with you, hija. Sige na. Bilisan niyo nang kumain."
She smiled like she is being supportive or whatever. Hindi na ako nagprotesta. Wala namang mangyayari. Nagpaalam kami ni Lyon kay Tita Lyola at umalis na ng bahay.
BINABASA MO ANG
Adamantine
RomansAn Arcella Series Erina Yestia Alvia. She lived an unlucky life, so to speak. Her parents are dead due to an accident. Her sister commited suicide. She was left alone. Yet, she never gave up. She carried on with her life... Yet, was betrayed. Will...