Chapter 46

902 36 2
                                    

Estupida

I don't know where are they taking me. Basta ang alam ko lang ay kay Tito Fenrir.

The car stopped. Agad akong kinaladkad ng kung sino sa hindi ko malamang lugar.

The wet grass turned into a cold concrete. Hudyat lamang itong may pinasok kaming establisiyemento.

"Dito ka, bata," utas ng kumakaladkad sa akin. Nakagapos pa rin ang kamay ko ngunit kinuha na nila ang takip sa mata ko.

Nilibot ko ang aking paningin sa lugar. Parang abandonadong bahay ang kinalalagyan namin. Pinagpatong-patong na hollowblocks lang ang pader. Ang mga bintana naman ay pinagtapi-taping mga plywood. The door is also made of wood. Marami ring mga sapot ng gagamba ang bubungan. Wala kasi itong kisami at butas-butas ang bubong.

Madilim ang lugar. Ang ilaw mula sa mga butas ng bubungan lang ang nagsilbing ilaw.

More armed men surrounded me. Their armed weapons pointed at me. One wrong move, papuputukin nila ang ulo ko.

Sa harap ko naman nandoon ang masayang pamilya ni Tito Fenrir. Oh! Note the sarcasm.

Tito Fenrir looks so rugged that you won't really recognize him. His stubbles are thicker. Medyo mahaba na rin ang kanyang buhok.

Kahit nasa sitwasyon na ako kung saan maaari akong mapatay, I really find this cliche. Para akong nasa action movie or drama kung saan kini-kidnap ang bida or something like that.

"Kamusta, pamangkin," bati ni Tito Fenrir.

If he just looks like a devil before, then, he is the devil now. Matalim niya akong tinitigan. Parang dahan-dahan niya akong pinapatay sa mga titig niya. Ang mga mata niya'y nanlilisik... nag-aalab sa galit. Namumula ito at madilim na madilim.

Pinagtaasan naman ako ng kilay ni Tita Cherria. Bakit ba ako ang sinisisi nila sa kamalasan na natamo nila? They did it to themselves! Hindi ba nila nare-realize?

Ngising-ngisi naman si Dimaria. That delusional bitch. Hindi mapagkakailang maganda si Dimaria. Iyon nga lang nasaktan siguro ang ego niya. Noon, siya ang nanloloko ng lalake. Ngayon siya ang pinaloko. Kinakarma nga naman! She should realize just money and beauty won't be enough. Aanhin ang yaman at ganda kung wala namang utak at mabuting kalooban. Her wrath can't be measured towards me. Kaya ngising-ngisi siya ngayon, knowing that I'll be dead. Seeing my blood drip the moment I die will probably make her euphoric. Iyung tipong parang nakahithit lang.

Si Kuya Chron naman ang hindi man lang makatingin sa akin. Inililihis niya ang mga titig niya sa kabilang direksyon. Sucks to be under his parents' influence, huh? Hindi nga ako makapaniwala! Sa lahat ng tao, siya dapat ang mas nakakaalam tungkol sa baho ng pamilya niya. Siya dapat 'yon! I remembered noong naglayas siya sa kanila at pumunta sa bahay namin. Hindi siya nakatakas sa kalupitan ng ama. Oh, for pete's sake! Nagpa-brainwash pa talaga siya?

"Ang sarap bang mamuhay sa Cebu? Ang sarap bang mamuhay ng malayo sa maggulong pamilya?" Tanong ni Tito Fenrir.

"Hindi naman magiging magulo ang pamilya kung hindi niyo sinisimulan," sagot ko.

"Ano bang sinabi ng magaling kong kapatid sa'yo? Ako ang nagsimula? Erina, si Frey ang nagsimula ng lahat ng ito!" My uncle growled.

"Tito, walang ginawa si Papa sa'yo!"

"Mayroon! Kailangan ba talagang ipakita sa akin na siya ang mas magaling? Na kaya niyang e-please ang lahat ng tao? At ako naman ang walang kwenta?"

"Hindi kailanman ni Papa ginawa iyan sa iyo!" Pagdepensa ko sa aking ama.

"Ang he deserved what happened to him!" Tita Cherria added.

AdamantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon