Prologue

3.6K 65 1
                                    

ℰ𝓇𝒾𝓃𝒶 𝒴ℯ𝓈𝓉𝒾𝒶 𝒜𝓁𝓋𝒾𝒶

Excruciating Beginning

"Erina, saan ka na banda?" Tanong ni Tita Lyola.

"Padaong na po sa pier." Namamaos pa ang boses ko dahil katatapos ko lang umiyak.

"Sige. 'Andyan naman si Tito Celso mo. Siya na ang susundo sa iyo."

"Sige po."

Napabuntong-hininga ako. Two weeks ago, my parents died because of a car accident. Matapos ang isang lingo ay ipinasok naman sa rehab center and kapatid kong si Helena. Now, I was forced to leave home.

Pagbaba ko ng barko ay nakita ko agad si Tito Celso na kumakaway sa akin at nakahilig sa harap ng Ranger niya.

"Kamusta ang byahe?" Tanong sa akin ng tiyuhin ko habang ang driver niya naman ang naglalagay ng aking bagahe sa sasakyan.

"Okay naman po. Mahaba-haba nga lang ang byahe."

"Sana ay nag-eroplano ka na lang," ani Tito Celso.

"Okay lang po," sagot ko. After all, I wanted to be alone. Being in the ship for twelve hours was already enough. Besides, Helena told me not to ride an airplane. Kasi raw, ang eroplano kapag pumalya mas maliit ang chance na mabubuhay ako. Atleast, kapag barko ang pumalya, makakatalon ako sa dagat at makakalangoy pa raw. Hindi ko rin siya maintindihan pero sinunod ko ang kagustuhan niya. She went through a lot. Kasama siya sa trahedyang iyon at nasaksihan niya rin ang karumal-dumal na nangyari sa aming mga magulang. She has Post Traumatic Stress Disorder. And, she's only ten years old.

"May improvement na ba sa kalagayan ni Helena?" Tanong niya ulit. May bahid ng pag-aalala ang mukha niya. Kahit ako ay ayaw ko siyang iwan pero pinilit niya akong umalis.

"Yes. Hindi tulad noon na hindi siya makakausap, ngayon ay okay na siyang kausapin... as long as our parents are not mentioned." Unti-unting humina ang boses ko nang banggitin ko naman ang mga magulang ko. I just cannot believe this is reality. I wish this is all just a nightmare. Kahit alam kong imposibleng mangyari, umaasa pa rin akong isang araw ay magigising na lang ako sa bangungot na ito. I'm completely lost. I don't know what to do. Hindi pa ako handa. Nagsisi akong sinabi kong kaya ko nang magpaka-independent. Kaya ko nang wala ang mga magulang ko. Hindi pala. Oo. Gusto kong magpakalayo-layo sa pamilya ko. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong bigyan ako ng kalayaang magdesisyon para sa sarili ko at mamuhay ng walang sinasandalan. Pero hindi ko kailanmang hiningi na mawala ang mga magulang ko sa ganitong paraan. Hindi ko kailanmang hininging maging ulila sa murang edad. Hindi ko kayang magdesisyon. Takot akong magdesisyon lalo na kung kargo ko ang lahat. I fear that I might make a foolish decision that will jeopardize everything. I don't know which to give up between my goals and responsibilities. Gusto kong kumawala sa magulo kong pamilya ngunit hindi sa paraang ganito.

"She'll be fine, Erina." Ngumiti si Tito Celso. Marahil ay upang maibsan ang mabigat kong dinaramdam.

Nagpapasalamat lang talaga ako at nakasalba si Helena mula sa aksidente. Ang labis na napinsala ay sina Mama at Papa. They died but they were able to protect Helena. Yet, my sister is traumatized.

"Sinong magbabantay sa kanya?"

"Tita Karen."

"Why don't we transfer her here," Tito Celso suggested.

I told Helena about it. Tutal naman ay baka sa Tito Celso o si Tita Lyola ang willing maging legal guardian namin. My Tita Karen can also be qualified but she never volunteered. Ngunit, ayaw ni Helena. Traveling will stress her. Nakaranas na siya ng car accident at hindi pa siya handa sa mga byaheng ganito. Boarding a plane or a ship or even riding a car is horrifying for her. I can feel her terror, remorse and anxiety.

AdamantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon