Chapter 3

1.5K 59 11
                                    

Maxwell

Hindi ako nagkamali.

Nakapaskil na sa bulletin board ng department and resulta sa try-outs. Nadala ako sa volleyball team.

Alvia, Erina Yestia A.

Halos mapatalon ako nang makita ko ang pangalan ko sa listahan. Damn! Thankfully, I have no unit to fail!

"Girl, nadala ako!" Masayang balita ni Kim. Tiningnan ko ang pangalan niya sa listahan.

Salarda, Quimar R.

"Ers, nadala tayo! Oh my gosh! Oh my gosh!" Napasigaw talaga si Kim habang niyuyogyog ako. Pinapaypayan niya ang sarili niya habang nagha-hyperventilate. I know how ecstatic Kim is, right now!

"Aray naman, Kim!" Sabi ko habang tumatawa.

Habang naglalakad sa classroom ay nakasalubong ko si Lyon. I beamed at him.

Masyado akong naging masaya sa aking pagkapanalo sa bet namin kaya nakalimutan kong kumukulo pala ang dugo ko sa kanya. Idagdag pang hindi ma-drawing ang itsura niya. His bad day is my happy day.

"Good morning, Maxwell!" Bati ko.

Nagulat siya sa asta ko. Kinunot niya ang noo niya. Halatang confused dahil ngiting-ngiti ako. I don't look like this when I'm facing him. Naninibago siya siguro.

"Paano ba iyan? Nanalo ako. Don't forget the deal, okay?" Sabi ko at kinindatan siya.

I dared him a difficult one. He has to suffer from his consequences.

"Gusto mo talaga akong matanggal sa Dean Lister, ano?"

Inangat ko ang tingin ko sa kanya. My dare may be a cunning way to get rid of a rival. Pero, hindi ko iyon inisip bilang plano ko. Hindi iyon ang intensyon ko. Gusto ko lamang matuto siya. Gusto ko lamang pahirapan siya. I want to see him torment of what he did. I want to watch his disturbed look. Ang hirap kayang alam mo naman ang sagot, but you opted to do the dare kaya puro mali ang sagot mo.

About our competition on who's going to be the rank one?  I want a fair fight between us. It somehow hurts my pride if I won against him because of this dare.

"You can refuse to do the dare. Anyway, I want a fair fight between us," I told him. "Kung aangat ako sa iyo, gusto ko patas. Hindi 'yung sinadya mong e-zero ang finals mo."

Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. "Masyado mo namang inaapakan ang pride ko, Miss Alvia," aniya.

I tilted my head. Ano raw? Gusto niya bang gawin ang dare o hindi?

He took a step forward. Dahil sa taas niya, kailangan ko pa talagang iangat ang ulo ko. Hindi ako nakahinga nang maayos dahil sa mabigat niyang mga titig. Nakaramdam bigla ako ng intimidation sa mga titig, tindig at presensya niya.

"I have my pride and I honour my words, Miss Alvia," aniya at linagpasan na ako.

Kung iyon ang gusto niya, eh 'di bahala siya! Mataas ang ego. Kung hindi niya tutuparin ang dare, hindi naman babawas sa pagkalalake niya iyon.

Nagkibit nalang ako ng balikat at dumiretso na sa susunod kong klase.

My day ends the usual way. Next week pa naman ang simula ng practice para sa Intramurals at kung ano pang paghahanda para sa Foundation Day. Sinasabay kasi rito ang Intrams at Foundation Day.

Habang naglalakad ako sa kalye ay nag-ring bigla ang phone ko.

Tita Karen...

Agad ko iyong sinagot. Bigla akong kinabahan dahil baka may nangyaring kung anong masama sa kapatid ko.

AdamantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon