Scared
"Ay bongga! Matching talaga?" Komento ni Kiara.
Napatingin si Kiara sa aming dalawa ni Lyon. Parehas kasi kaming nakaputing pantaas at itim na pang-ibaba.
"Pinlano niyo ba?" Tanong naman ni Zeus. Litaw ang dimples habang ngumingiti!
Napailing na lamang ako. Lyon smirked and snaked his arms around my waist.
"Sigurado ka bang ganyan ang isusuot mo?" Tanong sa akin ni Lyon.
Inangat ko ang tingin ko kay Lyon. He's wearing his shades. He looks like a model of Rayban or Police or any other brands of shades.
Inayos ko ang aking fedora. "Bakit? Komportable naman ako dito."
"We're hiking, remember?"
"Kaya nga!" Sabi ko. "Ano? Ayaw mo akong mag-shorts?"
"Masyadong maiksi," reklamo niya.
Napairap ako sa kanya. It's not that short. Hindi naman masagwa. Maarte lang si Lyon.
"Hindi kaya. Saka, bakit ka nagrereklamo? Hindi naman ikaw ang nagsusuot!" Napairap ako.
He sighed in defeat. "Fine. Suit yourself."
"Huwag kang masyadong overprotective sa girlfriend mo, Lyon," ani naman ni Zeus.
"I know, right?" Pagsasang-ayon ko kay Zeus. Sa tingin ko talaga kung may girlfriend si Zeus, he would be understanding. Ibang-iba sa nakababatang kapatid niya!
Iba nga talaga ang ugali ng panganay sa bunso!
Tumikhim lamang si Lyon.
Inakyat namin ang bundok ng Dalaguete.
"Nakakapagod!" Pagrereklamo ni Kiara habang hingal na hingal.
She was wearing her flowy yellow sundress and I don't think her attire is appropriate for mountain climbing.
Ilang oras din ang pag-akyat namin bago namin marating ang tuktok.
Ang ganda ng view.
Makikita mo ang bulubundukin ng Dalaguete. It's really breathtaking.
It feels like you're at the top of the world. Malamig rin ang hanging dumadampi sa aking balat.
"Uy! Picture tayo!" Kiara took out her monopod. Kung kanina hingal na hingal siya ngayon masigla na siya. Maybe it take away your tiredness when you achieve something.
We compressed and smiled at the camera.
"Ayan para may remembrance," ani Kiara. Bumaling agad ito kay Zeus. "Uy! Zeus, ihanda natin ang picnic mat!"
Tumango si Zeus at tinulungan ang aking kaibigan.
Ako naman ay nakapagdesisyon na hayaan ang dalawa. Napaupo ako sa damuhan. I took out my phone and took a picture of it. Sobrang ganda! Iba talaga kapag first-hand mo makikita kaysa sa pictures lang na nasa internet!
Nakatayo naman sa aking tabi si Lyon. Agad ako napatayo at nginitian siya.
"Maxwell, ganda di'ba?" Sabi ko.
Ngumuso lamang siya.
"Ayaw mo pala sa bukid, no?" Sabi ko. Now, I;m wondering. Is this his thing? Nag-eenjoy rin pa siya o napipilitan lang? Baka sinasakyan lang niya ang trip ko kahit hindi naman trip niya?
"Hey! Kung magkatuluyan man tayo at gusto kong tumira sa bukid, tapos ang gusto mo sa syudad. Anong mangyayari?"
He smirked. I find his smirk adorable.
BINABASA MO ANG
Adamantine
RomanceAn Arcella Series Erina Yestia Alvia. She lived an unlucky life, so to speak. Her parents are dead due to an accident. Her sister commited suicide. She was left alone. Yet, she never gave up. She carried on with her life... Yet, was betrayed. Will...