Substitute
"WHAT?!" Halos mabingi ako sa mga kaibigan ko.
Kung makasigaw ang mga ito parang magugunaw na ang mundo!
"But you just told us last Friday that you find Lyon as brother material," ani Kiara. "Ang you're telling us that... Oh my god!" She fanned herself as if she's hyperventilating!
"Kayo na?!" Pagpapatuloy ni Kim.
I hesitantly nod.
"Anong nangyari, girl? Na-realize mo lang paggising mo isang umaga na mahal mo na pala si Lyon?" Ani Marga. Pinektusan naman siya ni Kiara.
"Hoy! Fictional lang iyan. Huwag masyadong hopeless romantic!" Saway sa kanya ni Kiara. "Pero seryoso, Erina. Ano bang nangyari?"
Napahinga ako ng malalim. Sinabi ko sa kanilang lahat ang nangyari simula noong nakita naming may kahalikang iba si Shun.
"So, ano? Alam niyang hindi mo talaga siya gusto?" Tanong ni Kim.
"Oo."
"He refused to break up?" Tanong naman ni Kiara.
"Oo."
"Day! Obsess na!" Ani naman ni Marga habang sinapo ang noo.
"Ewan ko ba?" Ani ko.
"Bakit ba kasi ang komplikado ng buhay ko?" Tanong ko.
"You made it complicated, girl." Ani Ediza, in a matter-of-fact tone.
"Alam mo, Erina. Tutal walang paki si Shun sa'yo ay kalimutan mo na 'yong gagong manhid na iyon. At, tutal ayaw ni Lyon makipag-break, why don't you just give it a try," ani Kiara.
Napailing ako sa aking mga kaibigan. "I don't think that will work out." Sabi ko.
"Don't be so negative!" Sinuklay-suklay ni Marga ang buhok ko.
"Kapag may mali, isisisi ko talaga sa inyo," sabi ko at napabuntong-hininga.
Bigla lang nila akong itinulak. Napasubsub ako kay Lyon.
"Hinay-hinay lang," ani Lyon. Medyo iritado ang tono niya.
Liningon ko ang mga kaibigan ko pero wala na sila. Wow! Bilis nawala ah! Ano? The Flash ang PEG?
"Pasensya. Bakit ang init yata ng ulo mo?" Tanong ko.
"Hindi ka kasi nag-iingat! Paano kung sa ibang lalake ka nasubsob?" I watched his brows knit.
Ngumuso ako. "Eh ano kung sa ibang lalake ako nasubsob? Wala namang problema."
"Tsk."
"Hoy, ngayon ikaw naman ang nagsusungit?"
"Hindi ako nagsusungit," mahinahon niyang sinabi.
"Okay. Fine," sabi ko at umupo na sa isang upuan. Tumabi naman siya sa akin.
Tumingin ako sa katabi kong si Allen, kaibigan ni Lyon. "Anong nangyari, diyan?" Bulong ko.
"Pinagalitan siguro nang mga magulang," ani Allen. Hindi naman basagulero o ano si Lyon? I want to ask him kung bakit naman siya papagalitan nina Tito Leo pero mas pinili kong hayaan na lang siya.
Normal lang naman na pagalitan siya ng kanyang mga magulang. Maybe, he did something wrong. Swerte nga niyang may mga magulang pa siya.
"Maxwell," tawag ko sa kanya.
"Hmm?"
"Samahan mo ako. Gusto kong kumain ng ice cream mamaya."
"Saan ba?"
BINABASA MO ANG
Adamantine
RomanceAn Arcella Series Erina Yestia Alvia. She lived an unlucky life, so to speak. Her parents are dead due to an accident. Her sister commited suicide. She was left alone. Yet, she never gave up. She carried on with her life... Yet, was betrayed. Will...