Iba
"Honey, heto oh. Try this one!" Napatingin ako s kabilang table.
Gosh! Ang sweet! Sana langgamin!
I glared at the couple just a table away from us. Ang boyfriend niya naman nagpapakasarap dahil sinusubuan siya ng girlfriend niya.
"Hon, masarap?" Tanong ni girlfriend.
Ano daw? Hon? Honey? Uso pa rin pala iyung mga ganyang endearment? Tapos kailangan rinig na rinig pa talaga?
"Yes, babe," sagot naman ng boyfriend niya.
Eww! Babe? I literally cringed. Buti sana kung fictional book itong binabasa ko, kikiligin pa sana ako sa PDA nila. Pero, totoong buhay na ito! Hindi maganda mag-PDA.
"Selos ka?" Tanong ni Lyon. Kanina niya pa kasi ako tinitingnan.
"I'm not," sabi ko. It just irritates me to see couples displaying public affection.
"Nagseselos ka talaga eh." This is his time to make me burst in bubble.
"I told you I'm not!"
"Eh di bitter ka?"
"Oh, I have my own boyfriend. Why would I be bitter?" I rolled my eyes.
He bit his lower lips with unfathomable expression and smirked. I don't know if he's amused, frustrated or what. Basta napaiwas na lang ako ng tingin ng diretsa at mariin ang titig niya sa akin.
"Stop being in-denial. Halata naman nagseselos ka kay Amanda at bitter ka kasi ang ka-PDA ni Shun ay si Amanda," saad niya. Hindi ko alam kung nairita ba siya o natawa o both?
Yeah, right! Sina Amanda at Shun iyong kanina pa nakikipaglampungan sa isa't isa. Sila iyung magnobyo na nagtatawagan nang babe at honey. I'm not bitter. Sadyang, ang baduy lang pakinggan.
I interwhined my hands and put it on the table. "For your information, hindi ako nagseselos at mas lalong hindi ako bitter," giit ko. "Oh! Ikaw kaya ang tanungin ko. Do you like to watch them?"
"Not really. They look clingy."
"Exactly," sabi ko. "Gods! Ang baduy nang endearment!"
Biglang kumislap ang mga mata ni Lyon. "Alam mo, pwede rin tayong mag-endearment."
"Baduy nun. Corny!" Ani ko habang umiiling. "I strongly disagree."
"Ano ka ba? Hindi naman kasi baduy iyung itatawag ko sa iyo," aniya.
Tinaas ko ang isang kilay ko. "Ano?"
"Yestianak," aniya at humagalpak sa tawa. "You look like a terrifying child anyway."
Kusa nang lumipad ang kamay ko papunta sa bibig niya.
"'lang'ya ka! Just because I'm short..." hindi ko na napatapos dahil natawa na rin ako. His laugh is contagious. I can't help it! I've longed accepted the truth that I'm only five feet in height so that didn't hurt a tiny bit.
"Yestianak..."
"Don't call me that." I said while putting on a stern façade.
"Nagustuhan mo naman eh."
"I didn't." Iniwas ko muli ang tingin ko at ngumuso upang magpigil ng ngiti.
"Tumawa ka kaya. Ibig sabihin nagustuhan mo."
"Hindi noh. Tumawa ako kasi nabaduyan ako," sabi ko.
"Sige na lang. Yestia na lang," sabi niya. "Short for Yestianak."
BINABASA MO ANG
Adamantine
RomanceAn Arcella Series Erina Yestia Alvia. She lived an unlucky life, so to speak. Her parents are dead due to an accident. Her sister commited suicide. She was left alone. Yet, she never gave up. She carried on with her life... Yet, was betrayed. Will...