Like and Dislike
Matapos ang parasailing at nag-water skiing naman kami.
Doon si Lyon nag-loosen up. Well, siguro water skiing ang pinaka-gusto niya sa watersport. This is more fun than parasailing! Mas in contact ako sa tubig.
"Saan naman tayo?" Tanong niya.
"Wind surfing tayo. Dali!" Hinila ko ang kamay niya.
"Hindi ka pa nagugutom?"
"Hindi."
"We haven't eaten lunch yet," aniya.
"After this, we'll have lunch," I told him.
Saktong maalon ngayon. Some staff offered to teach me how to wind surf but Lyon told the guy that he's going to teach me.
"Sigurado ka bang alam mo?" Tanong ko kay Lyon.
"Yes," sagot niya.
"Sandali. Ang daya mo yata eh. Bakit halos lahat alam mong gawin?" Ngumuso ako.
Ngumiti lang siya. "Huwag ka nang magreklamo. Halika na, tuturuan kita."
Matagal rin ang pagtuturo niya sa akin. My first attempt was an epic fail. Bigla kasi akong sumemplang.
"Okay ka lang?" Tanong ni Lyon at tinulungan akong makatayo sa dagat habang nagpipigil ng tawa.
"Ang alat!" Sabi ko habang umuubo.
Tinawanan lang ako ng mokong!
"Mali ang pagkakabalanse mo," aniya sa akin.
Nakailang ulit na pagkasemplang ako bago ko natutunan ang pag-wind surf. I'm not that good but, atleast, I was able to pull it off. Nang maayos na akong nakapag-wind surf ay doon ko na na-enjoy ang watersport na ito.
Napasigaw ako. I want to shout to make it more enjoyable and exciting for me. I don't actually care of what others might think. This is how I show that I enjoy!
"MAXWELL!" Bigla akong napasigaw kay Lyon na ngayon ay nasa dalampasigan.
Paano 'to pinapatigil? Lumakas bigla ang hangin kaya bigla akong nawalan ng kontrol sa wind surf.
My wind surf turned towards the direction of the shore.
"LYON!" Sigaw ko pero hindi niya ako narinig. Kinakausap niya kasi iyung staff ng resort. He's returning his surfboard.
Matulin ang pagpatianod nang surfboard sa alon nang tubig. Malakad din ang hangin. Hirap na nga akong magbalanse.
Malapit na talaga ako sa dalampasigan.
"LYON!" I shouted. It was almost a shreik. Napalingon siya sa akin at bigla siya may sinigaw. Hindi ko naintindihan. Tinawag ko siya hindi dahil sa gusto kong humingi nang tulong ngunit upang umalis siya sa kinatatayuan niya.
"Get out of the way!" I told him but it was too late. Nasadsad ang wind surf sa buhangin. I lost my balanced and suddenly stumbled on the staff.
Napapatong ako sa staff.
"Okay ka lang, Miss?" Tanong nung staff.
Huli na naproseso nang utak ko ang awkward position namin nung staff. Pinamulahan ako agad. Bigla akong napa-upo. "Sorry! Gosh! I'm really sorry," I apologized.
"Okay ka lang ba, Miss?" Tanong niya.
"I'm fi--woah!" Biglang hinawakan ni Lyon ang palapulsuhan ko at hinila. I landed on his firm chest. Lyon's chest is firmer than I thought!
BINABASA MO ANG
Adamantine
RomanceAn Arcella Series Erina Yestia Alvia. She lived an unlucky life, so to speak. Her parents are dead due to an accident. Her sister commited suicide. She was left alone. Yet, she never gave up. She carried on with her life... Yet, was betrayed. Will...