Chapter 28

754 29 15
                                    

Two Piece

Tahimik kami buong byahe. It was wierd with Lyon being aloof in one corner. I would look at him from time to time and waited for him to start the conversation again with me. However, it just made me more and more upset.

"Naka-reserve na pala si Tita Lyola ng accomodation natin sa Sumilon," sabi ko kay Zeus.

The only people I could talk to is Zeus and Kiara. Lyon was silent. Unusually silent.

Nakarating kami si Sumilon at nag-dinner pero parang hangin lang si Lyon dahil hindi ito nagsasalita.

"Sobra sigurong kinabahan si Lyon," ani Kiara habang nag-aaply ng beauty product sa mukha niya.

"Nagalit nga eh, di'ba?" Sabi ko habang nakahiga na sa kama.

"So, okay ka sa ganyan?" Tinitigan ako ni Kiara.

"Na ano?"

"Na galit ang boyfriend mo sa'yo?"

"I apologized," sabi ko. I'll just wait 'til he cools off.

"Erina, friendly advice lang," aniya. "Why don't you talk to Lyon? Baka one week ang tampuhan niyo n'yan? At saka, 'di porket mahal ka nung tao, ite-take for granted mo na lang siya."

"I'm not taking him for granted," I defended myself.

Hinila ako ni Kiara patayo mula sa kama. "Go! Talk to him! Baka hanggang bukas pa iyang alitan niyo! I swear you won't enjoy!"

"Bukas." Pagod na ako. Babalik na sa ako sa kama ngunit hinila ako ni Kiara at tinulak sa labas ng kwarto.

"Kiar!" I pounded the door with my fist in protest.

"Bahala ka. I won't let you sleep without you fixing your little LQ." Rinig na rinig ko ang hagikgik ng kaibigan ko. The door clicked. Lock na! Argh!

"Fine!" I sighed in defeat.

Magkatabi lang naman ang kwarto namin. Nakatayo lamang ako sa harap ng pinto nila. Huminga ako nang malalim at kumatok sa pinto.

Agad naman akong pinagbuksan ni Zeus na nakasando na. Hindi ko na-realize na mas bulky pala si Zeus. His muscles potruded. Halatang athletic din ito tulad ni Lyon. At hindi mapagkakailang, mas defined iyung mga muscles niya.

But still, I prefer Lyon's though.

Oh shit! Ano bang pinag-iisip mo, Erina?

"Erina? What do you need?" Tanong ni Zeus.

"Si Lyon, asan?" Tanong ko.

"He went out. Baka nasa beach," sagot niya.

"Oh, thanks, then." sabi ko at tumakbo na palabas ng hotel.

I was jogging to the beach searching for Lyon. Kahit gabi na ay maraming tao ang nasa mga restaurants at bar nitong resort. Hinanap ko doon si Lyon. Nagbabaka-sakaling kumain siya o uminom pero wala. That's when I decided to go to the beach. Baka nandoon nga siya.

Hinanap ko siya sa mga nag-night swimming pero wala pa rin akong nakikitang Lyon. Patuloy kong sinuyod ang baybayin nang makita ko ang pamilyar na pigura sa hindi kalayuan na nakatayo.

Halos patakbo na akong lumapit sa kanya.

"Maxwell!" Tawag ko.

Napalingon siya sa akin at tinitigan niya lang ako.

"Maxwell," panimula ko. I made him worry. I think it is right to apologize?

"I'm sorry." Magkasabay naming binitawan ang mga salitang iyon.

AdamantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon