Chapter 38

812 31 1
                                    

Engagement Ring

Tinaasan ko si Lyon ng kilay.

"What?" Pagtataray ko.

"Kaya ang sarap mong bakuran eh! Nawala ka lang sa paningin ko nang saglit, makikita na lang kita na may ka-date na iba."

"Ano naman sa iyo, ngayon? Teka, paano mo nalaman nandito ako?"

"Marami akong matang nakaantabay lang sa iyo," aniya. "Yestia, I can't fucking let you date with anyone!"

Nagsitindigan ang balahibo ko. Gusto kong patigilin sa pagdiriwang ang kahit anumang kulisap na nasa tyan ko!

"Why, so?" Angil ko. "It's not like were together!"

"We are together!" He snapped back.

"Wala na tayo, Apollo Lyon Maxwell! Huwag mo na ngang ipagpilitan!" I outbursted. "'Tsaka, huwag mo nga akong ibantay-sarado! Nakakasakal!"

Nakita ko ang mga takaw na tingin nina Marites at ng driver niya sa pag-aaway namin ni Lyon. I know they felt awkward.

"You'll be guarded until you give into me, Yestia." Bulong niya. Namamaos ang boses niya. Sobrang lapit niya sa akin na rinig ko kahit ang malalalim niyang hininga.

Napalunok na lang ako. "Why did you go all the way here to fetch me, anyway?"

"We have an important event to attend," malamig niyang tugon. Bumaling siya sa aking sekretarya. "Marites, pakibigay sa kanya ang damit niya."

Iniabot ni Marites ang dalawang paper bag ng mamahaling brand. Ang isa ay may nakapaloob na dress at ang isa naman ay isang box ng sapatos.

"What is this for?" Tanong ko.

"You have to wear something decent," aniya. "You should be a mature, twenty-four-year-old lady not a teenage-looking girl."

Ngumuso ako sa sinabi niya at tiningnan ang sarili. I wore a flowy, floral patterned, white sundress. I can dress up however I want! "Saan ako magbibihis?" Tanong ko sa kanya.

Nagtiim-baga siya. "Rey, pakihinto muna ang sasakyan."

His driver obliged.

"Lumabas muna tayo," aniya sa driver bago bumaling sa akin. "Now, change."

Lumabas na sila ni ng driver niya.

"Uh... Tulungan ko po kayo, Miss Alvia?" Nag-aalangang tanong ni Marites.

"You don't have to," sabi ko.

Hindi naman mahirap ang magbihis sa loob ng sasakyan lalo na dahil dress lang naman. The windows are heavily tinted. So, hindi na ako mag-aalala kung may makakita sa akin.

Hinubad ko ang puting dress ko saka kinuha ang ibinigay ni Lyong damit.

It was colored white with a symmetrical pattern around its square neckline and hem. It was a fitting dress. It looks simple yet elegant.

Agad ko iyong isinuot. Tamang-tama lang ang damit sa akin. Hindi maluwang, hindi masyadong masikip. Pero nade-define pa rin nito ang kurba ng katawan ko. Lyon must have known my size. Hanggang tuhod ko lang and damit. Sa ilalim ng paperbag ay may box pa doon ng kwintas at singsing na dyamante rin. I wore them. Mas mabuting nang mag-jewelry. I might look really plain if I won't wear one aside from my gold earrings.

Si Marites na ang kumuha ng sapatos sa paper bag at ibinigay sa akin upang masuot. It was a pair of white stilletoes.

"Ma'am maglagay po kaya kayo ng make-up," suhestyon ni Marites.

AdamantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon