Chapter 47

873 38 4
                                    

Justice

May narinig akong putok mula sa labas. Biglang nalang akong nabingi sa sunod-sunod na putukan.

Damn! This is it!

Pero hindi tumama ang kahit anong bala sa akin. Bullets are not slow. Kanina pa dapat sabog ang ulo ko!

"Erina, dapa!" Nabigla ako nang yinakap ako ni Kuya Chron at pinadapa.

"Chron, hayaan mo iyan. You should protect your sister!" Narinig kong sigaw ni Tito Fenrir. They could barely hear each other due to the firing armed weapons. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. I saw the armed men's back facing me. Sa kabilang direction sila nagpapaputok. The nasira na ang kahoy na pinto at nagkaroon na ito ng butas-butas dahil sa bala. Dahil hindi matibay ang pader nagkaroon na rin ito ng butas-butas. Gayundin ang bintana. Pinapaulanan ang kinalalagyan ko ng bala.

Bigla akong nabuhayan pero hindi ko iyon maipapakita. Lyon's here...

"You okay, Erina?" Tanong ni Kuya Chron na tinatakpan at pinoprotektahan ako mula sa mga bala.

The door fell down. Nagtumpok ang ang mga tauhan ni Tito Fenrir sa pinto. Nagpalitan sila ng putukan at bala.

Pinanood ko ang isang tauhan ni Tito Fenrir na natumba at duguan dahil sa tama ng bala. Oh my gosh!

Lumunok ako at tumango. Pinapanood ko lang ang natutumbang mga lalake habang natatamaan sila ng mga bala!

This is bloody!

"Chronos, ano ba?!" Napalingon ako kay Dimaria na yinayakap ni Tita Cherria.

"Go to them, Kuya Chron," ani ko.

"Erina..." His face looks so guilty.

"Chron, protect your mother and sister! Not your fucking cousin!" Matigas ni utas ni Tito Fenrir sa anak.

"Tss..." Tumayo si Kuya Chron at pumunta kay Tita Cherria at Dimaria.

"Get them out of here, Chron," ani Tito Fenrir.

Kinasa ni Tito Fenrir ang kanyang baril at nagpaputok sa mga doon sa labas. Tito Fenrir's men are outnumbered. Kanina ay mga lampas sampo sila, ngayon ay lima na lang.

Tumingin pa ulit sa akin si Kuya Chron bago dalhin ang ina at kapatid sa isang maliit na pinto sa likod ng bahay na ito.

I watched as Chron opened that little door. Dahan-dahan at kusa itong bumukas ng kaunti. Ano ba itong lugar na ito? Sa gitna ba kami ng kagubatan?

"Halika na, Dria," ani Tita Cherria sa anak. Naglakad sila habang nakayuko. Kuya Chron protected them and guided them the way. Pinalaki niya ang bukas ng pinto at doon na bumungad sa akin ang mga taong nakaitim at may mga takip ang mukha. Sa mga sinusuot nila ay may nakalagay na 'S.W.A.T.' Nakatutok din ang armas nila kina Kuya Chron.

"Pa!" Tawag ni Dimaria sa ama.

Napalingon siya sa mag-ina niya.

"You're cornered, Fenrir Alvia." Rinig kong sinabi nung isa sa mga taga-S.W.A.T.

Bigla akong sinabunutan ni Tito Fenrir at hinila palabas. Tinutok niya ang baril sa ulo ko. Nakapalibot na sa amin ang S.W.A.T. at ang ibang mga tauhan ni Lyon. Ang dami nga nila.

"Arestuhin niyo ako, papatayin ko 'to!" Sigaw ni Tito Fenrir.

"Tito Fenrir, sumuko na kayo," sabi ko.

"Tahimik ka, Erina!" Angil ni Tito Fenrir.

Napapikit ako at napangiwi ako sa sakit na nararamdaman sa buhok ko. Parang makakalbo na ako sa pangsasabunot niya.

AdamantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon