Chapter 1

2.2K 73 8
                                    

Pilosopa

I passed both my USPF and UPD entrance exam. I chose the earlier and took Business Administration.

Taking Business Ad is not that bad, I guess. I don't really plan to take this course. Although, mas convenient para sa akin ang kursong ito. I have to learn business. After all, may mga negosyo kaming naudlot dahil sa pagkamatay ng aking mga magulang. I can't run it since nandito ako sa Cebu. Wala sa mga kapatid ng mga magulang ko ang nais kunin ang kustodiya naming magkapatid doon sa Iloilo. Walang pakialam si Tito Fenrir at mas lalong walang pakialam ang mga kapatid ni Mama. Ang alam ko lang ayaw ng pamilya ni Mama kay Papa kaya nang nagdesisyon si Mamang pakasalan si Papa, naputol na ang ugnayan niya sa kanyang pamilya. Life sucks, I know!

Si Tita Karen naman ay ayaw kunin ang kustodiya namin although she agreed to watch over Helena. Ayaw niya kaming bantayan at ang habol niya lang ay ang farm namin kaya gusto niyang kunin ang loob namin. I can't trust my own family. I can't trust Tita Karen but I don't have a choice. She wants the business. Gusto niya siya na lang ang mangalaga ng farm nang sa gayon sa kanya mapupunta iyon. Naalala ko pa nga nang gusto niyang kunin ang titulo ng farm at iba pang dokumento dahil siya na raw ang bahala. See? Opurtunista!

I know the nature of the business. Hindi ko lang alam ang pasikot-sikot.

Kaya kailangan kong pangalagaan iyon para kay Mama at Papa. Para sa akin at kay Helena. I have to take care of what's left of me.

Si Tito Lyola at Tito Celso ang prospective legal guardian namin. Ngunit, napunta ang kustodiya namin kay Tita Lyola.

I will definitely learn from them. Makatutulong sila sa akin at makapagtuturo tungkol sa business. Tita Lyola owns a resort, condominium and a transportation company. Tito Celso is one of the major stockholders of a shipping company at may iba pa siyang negosyo.

They are experienced in this type of field and they are the only people who I can trust, now. As long as they're not to take interest in Iloilo...

Biglang may kumatok sa pinto.

"Erina?" Narinig ko ang boses ni Tita Lyola.

Lumipat na kasi ako sa bahay ni Lyola Alegrado. Mabilis ko siyang pinagbuksan.

"Po?"

Bumungad sa akin ang ngiti ni Tita. She's in her fifties. She's very gentle and motherly. Naaalala ko tuloy si Mama sa kanya. Ang mga mukha niya ay walang bahid ng kapintasan.

"Mag-ready ka na."

"Opo. Sandali lang po," ani ko. Pinusod ko ang aking buhok at naglagay ng pabango.

Agad akong lumabas sa kwarto at bumaba na upang sumabay sa agahan.

The dining area is quite peaceful with only the three of us. As usual, nagbabasa si Tito Joey ng dyaryo habang nagkakape at tahimik naman nginunguya ni Tita Lyola ang kanyang French Toast.

"Good morning," bati ko at nagmano kina Tito Joey at Tita Lyola. I have to be polite especially since I'm a burden to them. Nakakahiya nga na wala akong kontribusyon ngayong araw. I woke up late, prepared for school late!

Ibinaba ni Tito Joey ang kanyang dyaryo at ngumiti. "Good morning. Kain na," aniya.

Katulad ni Tita Lyola, Si Tito Joey ay mabait din. Mas mabait pa nga ito kay Tita Lyola. They make me feel at ease and comfortable always and I really appreciate it. Sa pinagdaanan ko, natuto akong dapat ay marunong tayong mag-appreciate kahit sa mumunti lang na mga bagay tulad nito. We have to appreciate it even if it's barely noticeable. Kung noon siguro hindi ako marunong mag-appreciate. In my mind, things like that are just normal. It does not need any attention. I took it for granted. My mindset before was why give attention to something normal and ordinary? Only those who left a great impression deserve recognition. The ordinary only needs scant attention. That was my way of thinking before. Rather, that was what my Lolo taught me.

AdamantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon